Labing-isa(11)
I'LL KILL YOU ALL, I'LL KILL YOU ALL.
Dinagdagan nya ng tawa ang bawat pagkanta nya. Patuloy naman sa pagilaw ang kwintas na ibinigay sa akin ng aking ina. Masikreto ang mga magulang ko noon. Ilang araw silang nawala buhat ng magpaalam sila saakin. Pagkauwi nila ay sinalubong ko sila ng mahigpit na yakap ngunit nakaramdam ako ng sakit na nanggagaling sa aking balikat. Tinurukan nila ako ng kung ano mang indyeksyon na naging dahilan upang mawalan ako ng malay at maging ang aking ala-ala
"One two die. Three four blood. Five six eyes. Seven eight sight. Nine ten HELL. I'LL KILL YOU ALL. I'LL KILL YOU ALL"
Pagpapatuloy nito habang parang may hinahanap ito at katulad din ng dati ay tuwing mapapatingin ito sa kwintas ay bigla nalang itong mawawala. Nang nakaraang buwan ay pakiramdam ko ay kulang ako. Ginugulo ako noon ng aking isipan at ngayong alam ko na ang pagkatao ko ay isa nalang ang kailangan kong tapusin.
Ang maskara.
Sinubukan kong magisip ng paraan kung paano ko mapupuksa ang maskara na iyon ngunit isa lang palagi ang lumalabas sa isipan ko IMPOSIBLE. Isa syang maskara at ako ay isang babae lamang. Pangkaraniwang babae.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ko pinalampas ang bawat sulok nito. Isang bagay nanaman ang nakapukaw ng aking atensyon. Ang sulat mula sa aking ama.
Binuksan ko na ito at nagsimula nanaman ang pagilaw ng kwintas. Unti-unti ay binasa ko ito.
