ANIM

9 0 0
                                    

Anim (6)

Sinubukan kong magresearch about kay Mr. V baka sakaling makakuha ako ng impormasyon dito. Doon ko nalaman na ipinanganak si Mr. V ng August 6, 1989.

Araw na isinulat niya ang article ay eksaktong araw din ng kanyang kaarawan. Ayokong masyadong magisip pero sa buong araw na ito ay palagi akong nakakakita ng mga dates. Hindi kaya konektado lahat ang mga ito?

Tinype ko lahat ng mga dates na naencounter ko sa laptop at sinave iyon. Nalaman ko din na sa Benguet pala ito nakatira.

Sinubukan ko din na maghanap ng litrato nito pero wala akong nakita. Nakakapagtaka iyon dahil noong kapanahunan nito ay hindi maipagkakailang sikat ito.

Tulad nga ng nasa article ay isa itong photographer. Inilagay ko lahat ng impormasyon at sinave iyon sa cellphone ko.

Mamayang gabi ay pupunta ako sa lugar na iyon.
☆☆
Hinanda ko na ngayon ang mga bagay na aking gagamitin sa aking pagalis.

Matapos kong gawin iyon ay pinagbuhol-buhol ko ang mga kumot na narito. Kailangan ko kasing dumaan sa bintana dahil alam kong hindi rin ako hahayaan na makaalis sa lugar na ito. Matapos kong mapagbuhol-buhol ay hinila ko ito upang masigurado na ligtas ako.

Itinali ko iyon sa paa ng kama at nagsimula ng bumaba. Hindi rin naman kataasan ang kwarto ko kaya hindi na ako nahirapan pa.

Tulad ng plano ko ay may sumundo sa akin na private plane. Ilang oras ding itinagal bago ako makarating sa lugar na ito. Malamig ang simoy ng hangin dito at napakarelaxing ng lugar

Pero dahil sa hindi naman ako narito upang magbakasyon ay pinuntahan ko na ang lugar kung saan nakatira si Mr. V

Patuloy akong naglalakad hanggang sa napukaw ang atensyon ko ng isang pulang gate. Tinignan ko ang address na nasa papel at nakita kong ito na nga iyon.

"Tao po?" Sigaw ko at kumatok ng tatlong beses

"Arf. Arf" pero tanging tahol lang ng aso ang narinig ko.

Kumatok akong muli at mas nilakasan ko pa ang sigaw,"Tao po?"

Naramdaman ko ang paglapat ng palad sa aking mga balikat na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba.

Dahan-dahan akong lumingon dito.

"Sinong hinahanap mo?" Anang isang babae, mahaba ang buhok nito at maamo ang mukha na sa tingin ko ay nasa 20 pataas ang edad.

"Ahh! Si Mr. V po dito po ba nakatira?"

Nanlaki ang mga mata nito pero mga ilang segundo lang ay ngumiti na ito ng malapad

"Dumating na sya"mahinang sabi nito habang nakatingin sa itaas. Pinapasok niya ako sa kanyang bahay habang nakangiti pa rin.

BLURWhere stories live. Discover now