Labing Apat

4 0 0
                                    

Labing-apat (14)

Takot na takot ako sa nakikita ko ngayon. Patuloy ang pag-agos ng luha ko sa hindi malamang kadahilanan.

Nararamdaman kong may masakit sa puso ko. Siguro ay naging matalik ko itong kaibigan noon.Hanggang sa nakarinig ako ng sirena ng sasakyan.

Nandito na ang mga police. Pagkapasok na pagkapasok nila ay hinarap ko sila.

Lahat sila ay nakatingin sa kamay ko. Laking gulat ko ng hawak ko na ang kutsilyong naging dahilan ng pagkamatay ni Janella.

Pa-paanong napunta ito saakin?

May humawak sa mga kamay ko at naramdaman ko ang malamig na bakal na nakaposas sa aking kamay. Hinuli nila ako sa pagaakalang ako ang pumatay sakanya.

Pagkadating na pagkadating namin sa presinto ay sumalubong saakin ang isang maliit at may katabaang myembro ng polisya.

"Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?" Diretsong tanong nito saakin. Medyo madilim sa pwesto nga kaya bibig lamang nito ang nakikita ko ngunit sigurado akong nakangiti ito. Ngiting nakakatakot.

"Hindi ako ang pumatay sakanya" Diretsong sagot ko habang nangingig ang mga kamay.

Takot. Takot na takot ako ngayon. Ni hindi ko na malaman kung sino ang kalaban ko.

"Kung ganoon sino?" Tanong nito.

"Hindi ko na alam" napakagat ako ng labi at napayuko na lamang. Hindi na sana ako nagtagal sa lugar na iyon.

Imbis na mapagpatuloy ko ang pagiimbestiga ko at hindi ko magawa. Paniguradong hindi nila ako paniniwalaan at ikukulong sa isa sa mga selda dito.

"Anong koneksyon mo sa namatay? May awat ba kayo? Anong motibo mo para---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya

"SINABI NG HINDI AKO ANG PUMAPATAY EH"  Malakas na sigaw ko.

"Kung ganon. Bakit hawak mo ang kutsilyo?" Tanong nito na sa t'wing titignan ko ang labi nito. Ngiti lamang ang nakikita ko. Mga ngiting nakakapantaas balahibo.

"Hindi ko alam" sagot ko. Habang tinitignan ng mabuti ang mukha bibig nito. Hindi ba kahit gaano oa kadilim ang isang lugar ay maaaninag mo pa din ang mukha nito kung sakali mang may kaunting ilaw na tumatama sa mukha nito?

Ngunit bakit sakanya wala? Hindi kaya..

Hindi kaya wala talaga itong mukha?

"Kung ganoon ibig mong sabihin na basta nalang naputol ang oarte ng katawan nito?"

"Ganon na nga" sagot ko na nagpawala sa ngiti nito sa labi.

Hanggang sa itinutok nito ang ilaw sa kanyang mukha.

"AHHHHH!" Malakas na sigaw ko. Tama nga ang hinala ko. Wala nga itong mukha kundi bibig lang. Nagulat na lamang ako ng isuot nito ang maskara. Ang maskarang pumapatay.

Siya yon! Pero.. Bakit may katawan siya?

BLURWhere stories live. Discover now