PANGATLO

14 0 0
                                    

PANGATLO (3)

Nakakahinala naman pero bakit kailangan n'yang sabihin na may napanaginipan din sya? At isa pa imposibleng s'ya ang nasa panaginip ko ang taong iyon ay nakasuot ng maskara at wala iyong katawan tanging maskara lang ito.

Sinimulan ko ng maglakad at sundan s'ya. Medyo malayo na s'ya pero naaaninag ko pa rin s'ya at dahil nga tago ang lugar na ito ay maraming pasikot-sikot.

Kung saan-saang eskinita sya pumasok. Bawat eskinita ay padilim ng padilim at pasikip ng pasikip. Hanggang sa bigla nalang syang nawala sa paningin ko.

Nasaan sya? Luminga-linga ako sa paligid pero maski anino nito ay hindi ko na maaninag. At doon ko napansin na wala na pala ako sa eskinita.

NASA GUBAT AKO!

Tanghali pa lang pero napakadilim na dito. Matataas ang mga puno at bawat sanga ay tinatakpan ang ilaw na manggagaling sa araw.

Malamig din ang ihip ng hangin na naging dahilan para mapayakap ako sa sarili ko. Gustuhin ko mang bumalik ay hindi ko magawa.

Sa tingin ko ay malapit ako sa gitna ng gubat. Sana pala ay hindi ko na lang sinundan ang lalaking iyon. Wala sana ako sa lugar na ito.

Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko upang maging ilaw at hindi ko na inabala tignan kung may signal ba dahil alam ko rin namang wala. Sinimulan ko na din maglakad at hanapin ang daan palabas.

Ilang minuto at oras pa ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakaalis sa lugar na ito. Gabi na din kaya mas lalo pang dumilim ang paligid, malapit na ding malowbat ang cellphone ko.

Napagpasiyahan kong itali ang panyo ko sa isang sangang medyo mababa. Habang tinatali ko iyon ay nakaramdam ako ng pagpatak ng likido sa aking kanang kamay.

Itinapay ko ang ilaw ng cellphone ko doon upang malaman kung ano ito.

Dugo. Dugo nanaman

Tumingala ako upang tignan kung saan ito galing. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.

Isang bangkay!

Pero hindi lang ito basta bangkay! Ang mga mata nito ay nakalabas at isang ugat na lang ang nagiging dahilan upang hindi ito mahulog. Habang ang dugo ay patuloy pa din ang pag-agos.

Ang katawan nito ay nakasabit sa sanga na para bang isa itong damit. Doon ko din napansin na labas ang puso nito at puno ng dugo ang kanyang bibig.

Sa bandang leeg niya ay may nakasabit na camera. Nanginginig ang kamay ko habang inaalis ko ito sa leeg nya.

Pero tila ba nakadikit ito. Pinilit ko siyang alisin kahit na nanginginig na ako sa takot. Nang maalis ko iyon ay saka naman naputol ang ulo ng bangkay.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Pero nagfocus nalang ako sa camera. Tinignan ko ang pinakahuling litratong nakuhanan nito.

Pero hindi pala ito litrato kung hindi isang video.

Lakas loob ko itong pinanuod. Pagkasimula ng video ay makikita mo ang mga babaeng masayang nagcacamping puno ng tawanan ang paligid. Mga ilang segundo ang lumipas ay gumalaw na ang camera tila ba naglalakad ang may hawak nito.

Tumigil ang camera at lumabas ang isang babaeng nakasalamin na makapal. Mahaba din ang buhok nya at nakalagay ito sa harap.

Gumawa ito ng campfire at tumawa mag-isa.

"Lets take a selfie. Smile" sabi nito at nagpicture

"Bakit blur?" Bulong nito habang nakatingin sa cellphone n'ya.

"Hmf. Hmf" sumisigaw ang babae pero parang may nakaharang sa bibig nito. Ano iyon?

Unti- unting nawala ang salamin nito at unti-unti ring lumalabas ang mata nito. Patuloy lang ang pagsubok n'yang sumigaw pero wala pa rin. Kita din kung paano inilagay ang camera sa may leeg nito.

Natapos na ang video. Agad kong ibinulsa ang camera. Kailangan ko nang makaalis dito. Ibibigay ko ito sa mga pulis.

BLURWhere stories live. Discover now