Labing-dalawa (12)
Matapos kong basahin ang sulat mula sa aking ama ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha mula sa aking mga mata. Naramdaman ko ang pagsasakripisyo nya saakin noon. 17 ako nung mawala sila at iwanan ako. Matagal din siguro nilang inisip kung paano mapupuksa ang maskara na iyon.
Pero ginugulo pa din ako ng aking isipan. Ano ba ang kailangan ng maskara na iyon saakin? Saamin.
Nakakapagtaka dahil biglang may pumasok sa utak ko na acc. Sinubukan ko itong buksan sa facebook.
Laking gulat ko ng nagbukas ito. Panibagong misteryo nanaman. Mukha ko ang nakalagay sa profile nito. Siguro ay ito ang acc ko noon.
Tinignan ko ang mga litrato noon. Hindi ko alam ngunit bigla ko nalang iyon naisipan.
Mga normal na litrato lamang ang nakita ko. Isang teenager na nagpapakasaya lamang. Sino ba ako noon?
Nakita ko ang class picture namin noon. Nandoon pa din ang tatlong babaeng namatay maging ang lalaking nahulog mula sa itaas. Bakit kilala ko sila?
Habang tinitignan ko ang litrato ay may pumapasok na pangyayari sa aking utak.
"Tanga mo naman!" Sigaw ko sa babaeng nakatapon ng juice sa aking damit. Hindi pa ako nakuntento at pinagtutulak ko pa ito.
"Sa susunod magingat ka ah?! Kilalanin mo ang binabangga mo" Galit na sabi ko. Wala namang ibang nagawa ang babae kung hindi yumuko at humikbi na lamang. Pinagtitinginan man kami ng mga tao ay wala akong pakialam.
Dapat lang sakanya iyan. Walang sinuman ang may karapatang makatapon ng anumang inumin sa aking damit.
Kumuha ako ng kape. Maiinit iyon at walang awa kong ibinuhos sakanya. Wala man naging reaksyon ang babaeng ito ay alam kong nasaktan sya. Pero dapat lang sakanya yan kung tutuusin nga ay kulang pa ito. Kulang pa yan!
Patuloy ang pagiyak nito. Lumakas na din kaunti. Hindi katulad kanina.
"Ha! One two die. I want you to stop or I'll shut you up. Stupid!" Sabi ko at naglakad palayo dito.
Natapos na ang pangyayaring namuo sa utak ko. Gayunpaman ay hindi ko nakita ang mukha ng babae. Bakit ganoon ang ikinilos ko? Ako nga ba talaga iyon?
Muli ay nanginig nanaman ang paligid. Patuloy ang pagbigkas nito ng mga katagang
"ONE TWO DIE. ONE TWO DIE. HAHAHA"
