Dalawampu't isa

13 0 0
                                    

Dalawampu't isa (21)

Third Person's POV

Hindi alam ni Therese ang gagawin nya hanggang ngayon ay nananatili pa din ito sa kinaroroonan niya. Nanatili pa din sa ganoong pwesto. Hawak nya ang naiwang kamay ni Heilly habang nakasabit doon ang baril na pilit niyang inaagaw.

Ganon pa man ay umaagos ang luha mula sa mga mata nito. Hindi ito makapaniwala sa nangyayari. Ano bang meron sa maskarang iyon at nagagawa niya ito sakanila?

Bagamat gulat din sina James at Shane ay nilapitan nila si Therese.

Hinawakan ni James ang kamay nito at inalis ang putol na kamay na hawak nito. Nabigla ito ng bigla siya nitong yakapin at umiyak sakanya.

Marahil ay sinisisi ni Therese ang kanyang sarili. Sinisisi nya ang sarili sa nangyayari. Bakit nga ba wala siyang nagawa? Kahit na kumilos man ito.

Habang patuloy ang pagiyak ni Therese habang yakap si James ay walang nagawa si James kundi  ihagod ang mga kamay nito sa buhok ng babae.

Nakatingin lamang si Shane sakanila. Walang emosyon ang mga mata nito.

"Tara na gabi na" malamig na sabi ni Shane. Nagtataka man si James sa inasal nito ay sumunod na lamang ito.

Shane POV

Masyadong madaming nangyari nitong araw na ito. Hindi ko inaasahan na susunod agad si Heilly.

Bakit siya pa? Siguro nga palagi kaming naiinis sakanya pero.. kahit ganon ay hindi namin inisip na sya na ang sumunod. Marahil ay selfish sya. Pero walang nakakaalam ng istorya nya. Walang may alam kung bakit siya nagkaganon.

Ako lang.

Ako lang ang may alam ng lahat. Noon pa man ay tinatago na nya ang totoong sya. Gusto nyang kamuhian ng lahat pero gusto nya ding magustuhan siya nito.

Noong mga bata pa kami ay namatay ang mga magulang ni Heilly kaya naman madalas ay pakalat-kalat ito sa daan. Nakilala ko siya ng minsang mapadaan siya sa bahay namin at sa gate namin sya nagiiyak. Sinisipa at binabato ng kung ano-ano ang bahay namin at dahil madalas na wala ang mga magulang ko ay ako ang lumabas at hinarap siya. Pagkalabas ko ay nakita ko na lamang siyang nakaupo at tinatakpan ang mukha. Umiiyak siya ng mga oras na iyon ng sinabi niyang wala na siyang mga magulang ay naawa ako sakanya at pinaampon siya sa isa sa mga tito ko na hindi pa nagkakaanak dahil may problema ang asawa nito. Naging masaya siya doon ngunit pagtungtong namin sa highschool ay naghiwalay ang si tito at ang asawa nito. Pinasama ni tito si Heilly sa asawa nito dahil alam niyang hindi niya ito kayang buhayin ng mga panahong iyon.

Naging malungkot ang buhay ni Heilly sa lugar ng asawa ni tito bagamat palagi ako doon ay kailangang sandali lamang ako dahil hindi ako maaring makita ng asawa ni tito dahil paaalisin ako nito. Nang minsang dating ko doon ay nagulat na lamang ako ng makitang umiiyak si Heilly at may nakabalot na kumot sa katawan nito. Ang bagong asawa ni tita ang may gawa noon. Nirape siya nito kaya naman madalas sa tuwing papasok ito ay nakatulala ito. Doon na nagsimula ang pagbabago ng ugali nito. Ayaw niyang mapalapit sa iba bukod saakin marahil ay nagkaphobia siya sa nangyari. Gusto niyang kamuhian at layuan siya ng lahat dahil wala na ang iniingatan nito pero gusto din nyang magustuhan siya ng lahat. Gusto niyang tanggapin sya ng lahat pero yun ang hindi kailanman nangyari.

Kaya naman ngayong namatay si Heilly ay hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako dahil wala na ang kababata ko .

Habang tinitignan ko si Therese na umiiyak habang nakayakap kay James ay hindi ko alam pero bigla na lamang akong naiirita. Bakit kailangan nilang magyakapan? May namatay na pero gumaganyan pa din sila.

Nang makarating kami sa bahay ay humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Nakakabakla mang sabihin pero may tumulong luha sa mga mata ko. Agad ko namang pinunasan iyon at nagtungo sa kwarto.

Nakita ko si Therese na nandoon at may hawak na notebook.

Therese POV

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Kaya naman naisipan kong pumunta sa kwarto ni Heilly nagulat ako ng makita ko ang isang notebook sa may study table nito. Napansin kong hindi lamang isang notebook ito isa itong diary.

Nabasa ko lahat ng hinanakit niya sa buhay kaya naman mas lalo akong naiyak. Noon.. palagi ko siyang sinasaktan siya ang pinakakinamumuhian kong tao sa school pero hindi ko man lang inisip ang nangyari sakanya.

Ibabalik ko na sana ang libro ng mapansin ko na may nahulog dito. Isang litrato.

Yung class picture namin. Pero.. blur ang isang tao dito. Nangilabot ako sa nakita ko. Lahat ng litratong nasa amin ay edited. Ito.. ito ang original na litrato.

Nakabilog ang iilang mukha ng mga tao dito maging ang mukha ko. Ano ang ibig sabihin nito?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya naman muntik ko ng maibato ang litrato mabuti na lamang at hawak ko ito ng mabuti.

"Shane? Anong ginagawa mo dito?"

BLURWhere stories live. Discover now