Walo(8)
Nagmadali nakong umalis habang dala ko ang frame. Pero parang may kung ano sa akin na ayaw akong paalisin sa lugar na ito.
Unti-unti akong nakaramdam ng panginginig ng paligid. Ano ito?
Saka ko naalala na kapag nasa lugar na ito ang maskara ay gumagalaw ang paligid pero hindi ito mapapansin ng tao. Pero bakit ko ito napapansin?
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ng babae sa akin. Dahil ba dito?
Agad agad na akong naglakad paalis sa bahay na iyon hanggang sa napunta ako sa lugar na walang tao. Hindi ko alam pero naisipan kong buksan ang frame. Napansin ko na may sulat na narito. Dali-dali ko itong binuksan. Hindi papel ang laman. At ang sulat ay parang ibinurda. Grabe ang effort ng sulat na ito. Pero hindi ko man lang maintindihan kung ano ito. Kakaiba ang letra nito. Parang alibata(sinaunang sulat)
Naisipan kong magreasearch about don ngunit walang signal ang lugar na ito. Ano bang meron dito?
Napansin ko ang pag-ilaw ng mga beads sa kwintas ko. Nagtataka man ako ay inilapit ko ito sa sulat at unti-unti kong nababasa ang laman niyon
'ANG PAGMAMAHAL NG ISANG AMA'
Iyon ang title. Ang haba ng nakasulat doon. Pero dapat ko bang basahin ito?
'Mahal kong anak. Kung ito ay nababasa mo ngayon alam kong ako ay patay na. Hindi mo man ako nakita ay nasa puso mo naman ako.' Ito ang nakalagay sa unang linya. Napagisipan kong wag itong ituloy dahil hindi naman ito para saakin.
Nakakita ako ng pagbagsak ng bangkay mula sa itaas. Saan ito nanggaling? Kakaiba ito sa mga nakita kong pagkamatay wasak ang bungo nito at isa itong lalake. Hindi mo na rin makikita ang pagagos ng dugo dahil tumuyo na ito tingin ko ay umabot na ng mga ilang oras ng pinatay ito. Nakaramdam nanaman ako ng panginginig.
"Nandito sya" mahinang sabi ko.
Nakita ko ang maskara na lumilinga-linga hanggang sa napatingin ito sa direksyon ko. Nakangiti ito. Nakakatakot na ngiti. Pero nang mapatingin ito sa kwintas at mga letter ay umiwas ito ng tingin napansin ko na unti-unting nahihila ang ugat nito. Gusto kong masuka sa nakikita ko. Nakakadiri ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko nang makita pa ang nangyayari. Naramdaman ko ang paglapat ng matalim na bagay sa may paanan ko. Hanggang sa naramdaman ko ang hapdi. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang simbulo gumawa ang maskara ng ekis sa aking legs. Habang patuloy ang pag-agos ng dugo ay unti-unti itong nawala.
"Isa nalang ang kailangan ko" rinig kong sabi ng maskara na nakapanindig ng balahibo ko.