Labing Walo

6 1 0
                                        

Labing-walo (18)

"Tingin ko nahanap ko na ang hinahanap natin" sabi ko sakanilang dalawa. Nagmamadaling lumapit ang mga ito saakin

"Talaga nasaan?" Tanong ni James

"Patingin!" Saad naman ni Shane.

Naguunahan silang makita ang nandoon kaya naman pinagsisiksikan nila ang mga sarili nila saakin gawa ng maliit ang librong ito. Ang librong ito ay kasing liit ng keychain lamang.

"Ano ba?! Ang gulo nyo naman eh" Bulyaw ko sakanila kaya naman napatigil sila.

"Siya kasi" sabi nila sabay turo sa isa't-isa napailing nalang ako. Napakaisip bata ng mga ito.

"Yun nga lang may problema tayo" Sabi ko sakanila.

"Oo meron nga. Ang liit kasi ng librong yan. Paano natin mababasa na lahat tayo may kopya diba?" Sabi ni James.

"Manahimik ka nga uso kaya ang photocopy tsaka magnifying glass no?" Asar na sabi ni Shane.

"Iba kasi ang sulat nito parang mga pigura." Sabi ko ng hindi pinapansin ang mga pinagsasabi nila kanina.

"Tignan mo sabi ko sayo----" Hindi natapos ni James ang sinasabi nya dahil siniko ni Shane ang tiyan nito

"Aray! G*go!" Asar na sabi ni James.

"Ano ba magfocus nga kayo!" Sabi ko sa mga ito. Kinuha ni James ang libro na hawak ko pati na din ang magnifying glass at sinimulang tignan ang nakalagay dito

"Teka nga" Sabi ni Shane. Napatigil tuloy si James sa pagbabasa.

"Hindi mo ba napapansin Therese. Bakit ngayon natin naalala ang simbolo ng nasa maskara? Bakit kailangang pati ako isama nya dito? Hindi kaya gusto nya talagang magkasama-sama ang mga naiwan sa dating litrato?"

Napaisip naman ako. May punto sya doon. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?

"Edi gawin natin ang gusto nya" seryosong sabi ni James.

"Nababaliw ka na ba?! Kung gusto mong magpakamatay wag mo kaming isama" Napipikon na sabi ni Shane habang ginugulo ang buhok nya sa sobrang inis.

"Alam nyo.. may point kayong dalawa . There are possibilities na gusto nya talagang magkasama-sama tayo marahil at may kailangan ito pero bakit kaya hindi natin gawing pain yun?"Sabi ko.

"Pain? Pwede din para kapag nahulog sya sa pain natin tapos ang problema." Tapos na nga ba? Tanong ko sa aking sarili. Habang iniisip ko ang bagay na iyon ay sa palagay ko gumagawa ako ng napakaimposibleng bagay.

Bakit ko nga ba iisiping matatalo ko ang maskara? Ang maskarang tao na ngayon? Ano ba ang meron sa amin?

Pinagpatuloy ni James ang pagoobserba sa libro.

"Tingin ko.. ito ay sulat noong ancient egypt" sabi nito.

"Hieroglyphics?" Tanong naman ni Shane.

"Subukan mong tignan" at pinasa nya ang libro kay Shane.

"Yeah. Hieroglyphics nga"

Habang naguusap sila ay nakatingin lang ako sakanila. Oo nga't napag-aralan na namin iyan ngunit hindi naman tinuro saamin kung paano bumasa ng ganyan.

"Kaya nyo bang basahin?" Tanong ko sakanila.

"May kilala ako" sabi ni Shane.

"Teka muna! Hindi ba baka madamay naman siya sa problema natin?" Nagaalalang tanong ko. Ayaw ko ng may madamay pang iba.

Mabuti ng kami nalang..

"Hindi kaklase din natin sya"

"Sino?"

"Si Heilly"

---

Napadpad kami sa isang napakalaking bahay. Para na itong palasyo sa laki. Tama nga. Mayaman na nga si Heilly.

Magdodoorbell na sana kami ng harangin kami ng isa sa mga guard dito.

"You are not allowed to enter this house" sabi nito.

"We have to talk to Ms. Hailley Grifner" sabi ko. Binulungan naman nya ang isa sa mga kasama nya.

"Wait a second ma'am"

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay Lumabas si Heilly suot ang kumikinang nitong mga kolorete sa katawan. At isang simple yet elegant na dress.

"Oh! Hi Shane" sabi nito at kumaway dito. Ni hindi man lang pinansin ang presensya namin.

"Sino sila?" Tanong nito ng mapansin kami.

"James and Therese" tipid na sabi ni Shane.

"Oh! Classmates pala namin kayo, Tara pasok"

Nasa hallway ka palang ng bahay nila ay tila ba hindi mo na maalis ang tingin mo sa mga dyamanteng narito. Iba na talaga si Heilly

"By the way, Ano nga pala ang sadya nyo dito?" Tanong nito.

"You can read hieroglyphics right?" Tanong ko dito

"Yeah" nagaalangang sagot nito.

"Pero kung ipapasok nyoko sa gulo. Sa gulo ng maskara na iyan. Ayoko! Hinding hindi ko gagawin iyan!" Sigaw nito at naluluha na.

"Simula palang ng pinapasok mo kami sa iyong tirahan ay pinasok mo na ang sarili mo sa larong ito na tinatawag mong gulo,gulo ng maskara" saad ni Shane.

Naiirita kaming tinignan ni Heilly balak niyang takasan ang lahat. Alam ko na nakakakita din sya dahil kilala nya ang maskara. Hindi ko din naman sya masisisi kung ayaw nya dahil panigurado ay tulad ko natatakot din sya.

"Gagawin ko yan pero sa isang kondisyon" sabi nito.

"Ano iyon?" Tanong ni James.

"Mas poprotektahan nyoko kaysa sa mga buhay ninyo"

BLURDonde viven las historias. Descúbrelo ahora