Dalawampu't Apat

2 0 0
                                    

Dalawampu't Apat (24)

Shane POV

Nagulat ako ng pagkadating ko sa lugar na iyon ay nakatapat na sa leeg ni James ang  kutsilyong hawak ni Therese. Nagsisimula na nga ang propesiya. Alam kong wala kaming magagawa tungkol doon pero may maari kaming gawin upang malihis ang pangyayari sa propesiya.

"Papasok sa katawan,
Ang kaluluwang hindi inaasahan,
Unti-unting mararamdaman
Ang pagnanais sa kamatayan

Sa mundong kagagalawan niya
Marahil lahat ay kamuhian siya
Ang maskara'y
Unti-unting magiging siya

At sa mga oras na iyon
Ang anak nito na inyong pinakaingatan,
Ay kasama na ni kamatayan

Ngunit mayroon pa ding paraan
Kailangang bawat detalye ay malaman
Mga sikreto'y matuklasan
Mawawala ito at masusulusyunan" bawat salitang sinabi sa propesiya ay tinandaan ko. Katulad ng sinabi saan ng namayapang si Heilly.

Nagsisimula na ang propesiya. Kailangan na din naming bilisan ang pagkilos. Kinuha ko ang litrato sa aking bulsa.

Ang mga taong nakabilog dito ay ang mga huling mamatay. Nasimulan na kay Heilly.

"A.. B.. C.. D.. E.. F.. G" rinig kong kanta ng maskara. Malapit lang siya saamin.

"Bilisan mo ang pagmamaneho James!"

"Oo na" sabi nito marahil ay naririnig nito ang kakilakilabot na pagkanta ng maskara.

"H.. Heilly.. I.. J whos the next? HAHAHAHA"

"Shit" mariin na sabi ni James. Sa palagay koy nakuha na nya ang ibig sabihin ng maskara.

Siya ang susunod. At hindi ko alam kung mapipigilan namin iyon.

Therese POV

Napansin kong matapos ng pangyayari ay hindi na mapakali si James. Sa palagay ko ay siya na ang susunod base sa pagkanta ng maskara.

Sana naman ay hindi. Sana ay mapigilan namin ito ngayon. Kahit ngayon lang. Patuloy kong tinitignan ang pendant na ibinigay ni James saakin kanina.

"Dont take any pictures" sabi ni Shane kay James.

"I wont. But.. shit" sabi nito. Tama naman siya sa oras na nakuhanan siya ng blur na litrato ay yun na ang katapusan ng buhay niya. Ang pinagtataka ko lang ay yung kay Heilly. Paanong namatay siya eh hindi naman ito nagselfie o kung ano man?

Napabuntong hininga ako sa aking iniisip.

"Papasok sa katawan,
Ang kaluluwang hindi inaasahan,
Unti-unting mararamdaman
Ang pagnanais sa kamatayan

Sa mundong kagagalawan niya
Marahil lahat ay kamuhian siya
Ang maskara'y
Unti-unting magiging siya

At sa mga oras na iyon
Ang anak nito na inyong pinakaingatan,
Ay kasama na ni kamatayan

Ngunit mayroon pa ding paraan
Kailangang bawat detalye ay malaman
Mga sikreto'y matuklasan
Mawawala ito at masusulusyunan" sabi ni Shane saakin.

"Anong sinasabi mo?"

"Nararapat na sigurong malaman mo ang katotohanan sa pagkatao mo." Mahinang sabi ni Shane.

"Ang propesiya ng buhay mo ang inirecite ko sayo kanina"

"Propesiya ng buhay ko?"

"Ikaw ang anak, Therese ikaw ang papatayin ng maskara"

Tila ba binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig kong iyon. Ako ang anak? Kaya ba nagulo ang buhay nila simula ng makasama nila ako?

Pumasok ako sa kwarto ko at sinimulang itali ang lubid. Nararapat na sigurong magtapos ang paghihirap nila. Nararapat ng magtapos ang buhay ko ngayon.

Ipinasok ko ang ulo ko sa lubid at sinimulang itulak ang ang kinakatayuan ko.

Sa wakas matatapos na.

BLURDonde viven las historias. Descúbrelo ahora