Dalawampu

8 1 0
                                    

Dalawampu (20)

Malamig ang simoy ng hangin. Lahat nabibilib at natutuwa sa supermoon ngunit ako ni hinid ko man lang nagawang tignan ang buwan na sinasabi nila.

Nandito lang ako sa upuan ko at tinitignan ang lalayanan ng abo ng kaibigan ko. Hindi man lang siya nabigyan ng tyansang sa kabaong mismo nakahiga.

Patuloy naman ang pagpapatahan nila saakin pero kahit anong gawin ko sunod-sunod ang pag-agos ng luha ko.

Asar na nakatingin saakin si Heilly at sa palagay ko atly hindi narin niya kinaya kaya umalis na din siya.

"Kailangan na nating umuwi." Sabi ni James.

Simula kasi ng nangyare ang insidenteng ito ay lumipat na kami ng bahay ng sa ganoon ay walang mangyaring masama sa isa saamin.

Nagulat na lamang kami ng natatarantang bumalik si Heilly.

"Anong nangyare sayo?" Tanong ko dito habang pinupunasan ang luha ko.

"Yung-yung boy-f-friend ni G-gleir!" Nauutal na sabi nito.

Napansin naman naming hindi na sya makapagsalita kaya naman lumabas na kami.

Medyo malayo sa bahay nila Gleir iyon. Mukhang lumayo si Heilly sa lugar nila kaya hanggang ngayon ay naglalakad pa din kami.

Ano kayang nangyari sa boyfriend nito?

Masyado na kaming nalayo sa lugar nila Gleir at masyado na ding madilim sa lugar na ito gawa ng gabi na tanging ang super moon na lamang ang nagbibigay ng ilaw.

Nagulat ako ng bigla nyang itapat saakin ang baril. Itinapat ni Heilly ang baril saakin!

"Anong ginagawa mo?!" Sumisigaw na tanong ni James.

"Siya! Siya ang dahilan ng lahat ng ito!" Sigaw din ni Heilly.

"Pasasalamatan nyoko katapos nito" nakangising sabi nya.

Wala na akong nagawa kundi mapapikit na lamang. Pero ilang segundo na ang lumipas ay walang tumamang kung ano sa akin. Wala din naman akong narinig na tunog kaya naman minulat ko ang mata ko. Nagulat ako ng lumulutang muli ang maskara!

Anong nangyayari?

Akala ko ba ay tao na ito?

Unti-unting tumatapat sa utak nito ang baril.

Natataranta na ako! Ayokong may mangyaring masama kay Heilly. Matagal na akong galit sakanya ngunit ganon pa man ay naging isa din siya sa mga kaibigan ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinihila ko ang baril sa kamay nito.

Unang putok nito ay sa taas lamang ang tama. Sana naman ay walang mapahamak sa balang iyon.

Patuloy kong inaagaw ngunit mahigpit ang pagkakahawak nya

Ngumisi lamang ang maskara at unti-unting humiwalay ang parte ng katawan ni Heilly. Unti-unting unaagis ang dugo nya para syang dinudurog. Ang tanging naiwan ay ang kamay nyang hawak ko.

At ng mga oras na iyon ay nawala ang maskara.

BLURWhere stories live. Discover now