Labing-lima (15)
Patuloy ko siyang tinitignan. Walang kurap. Para bang isang kurap ko lang ay mawawala nanaman sya.
Muli, ngumiti ito nakakapanindig balahibo ang mga ngiti nito.
Nakakagulat na lakas ng bagsak ng pinto ang maririnig. Sumara ang pinto dahil sa tindi ng hangin. Hangin nga ba? O dahil sa nakakatakot na kung ano man sa harapan ko.
Sa kabila ng katabaan at kaliitan ng katawan ng maskara ay may iba pa akong nakikita. Nagbublur ang katawan nito ngunit may kung sino man ang lumalabas. Tanging ang haba ng buhok lamang nito ang makikita mo. Tila ba isang pigura ng isang babae.
Natigil ang pagoobserba ko dito ng mawala ito sa paningin ko.
Unti-unti akong nakaramdam ng mainit at mahapdi na kung ano man sa aking braso. Init na nanggagaling sa pagagos ng dugo at hapdi ng sugat na narito.
Gusto ko mang sumigaw ngunit hindi ko maibukas ang bibig ko. Katulad ng nasa video ng babaeng nakita ko sa gubat (SEE ON PANGATLO).
Para bang may humahawak sa bibig ko. Ngunit wala naman. Nagtatakhang tinignan ko ang kwintas na ibinigay saakin ng aking ina. Ang inakala kong makakapagligtas saakin sa ganitong sitwasyon.
Napansin ito ng maskara kaya hinila nya ito at dahil gawa ito sa string ng gitara ay nasugat ako na sa palagay ko ang malalim kaya matagal bago gumaling.
Kung makakaalis pa ako sa lugar na ito.
Habang patuloy ang ginagawa nyang pagsugat sa kung saang parte ng katawan ko ay maririnig mo ang malakas na pagtawa nito. Gusto kong maluha sa sakit. Bakit parang mas pinahihirapan ako ng maskarang ito?
Bakit ako? Ano bang ginawa ko sakanya? Hindi ba mas magandang patayin nalang ako kaagad?
Unti-unting nanghina ang tuhod ko kaya napaluhod ako at tuluyan ding bumagsak sa simento. Ang hapdi at ang init ng dugo ang tanging nararamdaman ko. Patuloy ang pagblur ng paligid. Habang umiikot ang mga ito.
Sa palagay ko, ito na ang huli kong buhay. Mamatay na ba ako?
Kasabay niyon ay ang pagpikit ng mga mata ko na hindi ko alam kung magmumulat pa bang muli.
Someone's POV
Nararamdaman ko nanaman. May bago itong kukuhanin. Kukuhanin mula sa litrato. Hawak-hawak ko ang litratong pinakaiingatan ko. Kailan ba ako titigil maging duwag? Ilang tao pa ba ang kailangang mamatay bago ako kumilos? Ilan yan sa mga tanong ko saaking sarili.
Alam ko ang pattern. Pattern kung sino ang susunod. At hindi pa siya ngayon. Pero kung makakasagabal o mageenjoy ito ay maaring ituloy na talaga nya. Kailangan ko ng kumilos. Ayoko na madamay pa siya.
Ayokong madamay ka,Therese.