Labing-pito (17)
Tahimik lang ako buong byahe. Nararamdama ko pa din ang kirot sa mga sugat ko pero binaliwala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pagiisip kung ano bang ibig sabihin ng blur signs na iyon.
"Okay ka lang Therese?" Tanong ni James ng mapansing kanina pa ako tahimik.
Tumango naman ako upang ipaalam na okay lang ako.
"Mukhang malalim kasi yung iniisip mo. Hindi kaya dahil dun sa mga nakita m--" Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya.
"Blursign" sabi ko dito.
"Huh?" Naguguluhang sabi nito.
"Wala ka bang napapansin sa maskara? Yung simbilong nasa gilid nito."
"Ibig mo bang sabihin blur sign ang nakalagay doon?" Tumango na lang ako.
Nagulat na lamang ako ng iliko nito ang sasakyan.
"Teka! Hindi na ito yung daan pauwi!" Sigaw ko sakanya.
"Alam ko." Tipid na sabi nito.
"Eh bakit dito tayo dadaan?" May bahid ng pagkaasar ang pagkakasabi ko.
"Pupunta tayo ng library. Doon natin hahahnapin ang ibig sabihin ng simbolong iyan."
----
Pagkarating namin sa lugar na iyon ay agad-agad na kaming bumaba at pumasok na diin
Kakaiba ang silid-aklatan na ito sa mga nakikita ko. Tila ba may theme pa din sila ng haloween samantalang tapos na ito. Nagpapatay sindi ang ilaw na mas nakakadagdag ng pagkacreepy ng lugar na ito.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya naman napakapit ako sa braso ng lalaking kasama ko ngayon
"Ikaw ha! Tsansing ka!" Sabi nito habang pinipigilan ang tawa nito.
"Tumahimik ka nga at maglakad na lang" sabi ko dito. Ewan ko ba pero simula ng dumating ang lalaking ito sa eksena ay naging matatakutin na ako. Siguro dahil simula din ng dumating sya ay mas lalong lumala ang mga nangyayare. Pero sa palagay ko kung wala din sya ngayon.. marahil ay namatay na ako. Marahil ay wala na ako sa lugar na ito.
Tumigil kami sa isang shelf at doon naghanap. Kinuha ko ang isang libro na ang title ay signs and symbols. Pero kasabay nito ay nahulog ang isang napakaliit na libro.
"Anong nahanap mo?" Sabi ni James.
"Eto. Tsaka itong maliit na libro." Sabi ko kukunin nya sana ito saakin ng bigla kaming makarinig ng mga yabag.
"Kailangan na nating umalis dito." Bulong nito.
Habang naglalakad ay nakakita kami ng anino. Nakaramdam ako ng kaba.
Nawala ang kaba ko ng makita ko kung sino ito.
"Shane!" Sabi ni James.
Isa sa mga kaklase namin noon. Bakit ba puro lalaki ang mga kasama ko? Inis na sabi ko.
Lumabas na kami sa lugar na iyon bago pa kung ano ang lumabas.
"Ano bang ginagawa mo sa lugar na iyon?" Sabi ko sakanya
"Kahapon kasi.. nanaginip ako. Nakita ko kayang dalawa sa ospital. Nakita ko kung paano pinatay ang mga yun. At ang nakalagay sa maskara nito kaya naman naisipan kong pumunta sa lugar na iyon"
Katulad ko ay nananaginip din pala ito. Mga panaginip na kasalukuyang nangyayari.
--
Pagkadating sa bahay ay binuksan na nila ang libro. Oo sila lang dahil ang ako ang nagbasa sa maliit na libro.Kinuha ko ang magnifying glass at napakaliit ng mga sulat at ilang pahina pa ang binuksan ko.
Blursigns. Yun ang nakalagay. Agad-agad akong lumapit sakanila.
"Tingin ko nahanap ko na ang hinahanap natin"
