Labing Siyam

6 1 0
                                    

Labing-Siyam (19)

Napakamakasarili nya tulad pa din ng dati. Walang pinagbago ang Heilly na ito. Marahil ay nadagdagan ng mga nakakasilaw na kolorete at kung ano-ano mang ari-arian.

"Asan na yung babasahin ko?" Tanong nito.

Agad namang kinapa ni James ang bulsa niya at ibinigay ito sakanya.

"Ang liit naman nito!" Reklamo pa niya.

Si Heilly. Naalala ko nung kaklase ko pa siya. Isa siya sa mga top sa klase. Isang napakayabang na babae. Naalala ko na ang lahat. Siya ang babaeng binuhusan ko ng mainit na kape noon kaya naman ganoon na lamang ang pagkairita nya ng ipasok nanaman namin sya sa gulo.

Isa siya sa mga sipsip noon sa mga teacher kaya naman lahat ng bagay na isumbong nito ay kakampihan siya ng mga guro kahit na tama pa ang nagsumbong. Noong mga panahong binuhusan ko sya ng mainit na kape ay hindi siya makapanlaban dahil nandoon ang mga guro ngunit ang totoo niyon ay siya ang nagsimula ng lahat.Makasarili siya oo. Yun ang paraan niya kung paano makasurvive sa mga bagay na katulad nito.

"Teka muna payag ba kayo sa kondisyon ko?" Asar na sabi niya na tila ba malaking utang na loob namin sakanya ang lahat ng ito.

Naiirita ko siyang tinignan.

"As if we have a choice" Pambabara ko sakanya.

"Still a bitch one huh?" Nakangising sabi niya.

"So here. Base sa nakikita ko merong isang babae at lalaki dito. I dont know if it is some sort of a prophecy or what. Pero tingin ko it is." Paliwanag nito.

"Prophecy? Tungkol saan?" Asar na tinignan nya ako ngunit agad nya namang binalik ang tingin nya sa binabasa nya.

"Tulad nga ng sabi ko kanina. May babae at lalaki dito. Sa palagay ko mga lovers sila. And then another girl came here. Hmm.. parang love triangle or---"

"Pwede bang tigil-tigilan mo iyan? Nakakairita kasing pakinggan we dont need your opinion. We only need your cooperation. Kailangan lang namin na basahim mo yan PERIOD!" Pangsesermon ko sakanya. Nakakairita kasi kung anong kaartehan pa ang pinapairal nya.

"Okay fine. So yun nga. May dumating na babae dito and.."

"A child in the other women?" Nagtatakha siya sa nabasa niya. Whats the big deal?

"Pinagmamasdan pa din nung unang babae yung lalaki sa malayo kasama ang babaeng may anak, Sa ibang figures.. Nagpakamatay yung babae Nagsunog siya ng isang bagay at tumalon."

"Wait lang nga!" Sabi ni James.

"What.?" Maarteng sabi ni Heilly.

"Seryoso ka ba sa binabasa mo? Bakit parang hindi naman ata connected sa blursigns" Masungit na sabi ni James.

"Eh sa yun ang nababasa ko eh. Ikaw kaya magbasa!" Asar na sabi nito.

"Continue" Tipid na sabi ko at pinagpatuloy na niya ang pagbabasa

"Nakalagay dito na.. hinahangad ng babae na mabuhay muli ngunit bago iyon ay kailangan niya munang pumatay ng mga taong malapit sa pamilyang iyon at hanapin ng babae ang anak ng dalawa. At papatayin." Sabi nito.

"Pero teka! May nakalagay dito! Ang pagbublur ng mga litrato sa bawat pagkuha ay simbolo ng nalalapit nilang kamatayan"

Tumango na lamang ako. Sinasabi na nga ba't isang sign yon.

"Kailangan nating mapatay ang anak ng babaeng nandyan." Sabi ni James.

"Saan naman natin iyon mahahanap?" Sabi ni Shane.

"Posibleng nasa tabi-tabi lang din sya." Sabi ni Heilly at tumingin saakin. Tumayo tuloy ang mga balahibo ko.

"What?!" Sabi ko dito. Nagkibit-balikat lamang ito. Tss. Asarin daw ba ako ng ganon.

"Tara na. Kailangan na nating umuwi. Madilim na ang daan baka ano pang mangyari" sabi ni James kaya naman nagpaalam na kami kay Heilly.

Habang nakasakay sa kotse ay hindi padin mawala sa isip ko ang mga tingin ni Heilly sakin kanina. Bakit nya ako tinignan ng ganoon? Hindi kaya.. Siya ang babaeng tinutukoy?

Sa sobrang okupado ng utak ko ay nabigla ako ng biglang may nahulog mula sa taas kaya naman nabahiran ng dugo ang kotse ni James.

"Shit" sabi nito at nagmadali kaming lumabas.

Isang babaeng duguan at walang saplot ang nahulog mula sa itaas. Imposible naman na nagpakamatay ito dahil Nakahati ang kanyang katawan sa gitna. Hindi man sobrang hati ay malalim ang pagkakahiwa dito. Labas na labas na din ang mga internal organs nito. Basag din ang mukha nito at mukhang piniga ang utak nito parang mash potato.

Nandidiri ako sa nakikita ko. Ngunit ang kaibahan nito ay may I.D ito.

"Gleir Medes" (Her best friend see on APAT)

Sht. Ang best friend ko!

BLURWhere stories live. Discover now