Labing-tatlo (13)
Katulad ng mga nakaraang araw ay biglaang susulpot ang maskara at katulad din noon ay hindi pa rin natatapos ang misteryo sa mga nangamatay.
Kinuha ko ang class picture namin noon at nilagyan ng ekis ang mga namatay.
Napaisip ako ng mga oras na iyon. Kung ang mga namatay ay ang mga nakasama ko sa litrato na ito ay maaari ring konektadoa ng mga ito sa mga iba pang nasa litrato.
Madaming gumulo sa isipan ko. Ang class picture na ito ang maaring sagot sa mga katanungang naiiwan sa utak ko.
Kinabukasan ay sinubakan kong hanapin ang ilan sa mga ito. 25 lang ang nasa litratong iyon. Ibig sabihin ay 25 lang kami. Kabilang na kasi sa mga ito ang mga matatalino. Ang section na kinaiinggitan ng lahat.
Una kong pinuntahan si Janella na katabi ko sa litrato. Medyo malayo din ang lugar nila kaya umabot ng dalawang oras ang byahe.
Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay patuloy ang pagsigaw ko ng "tao po!" ngunit wala ni isang sumagot.
Napansin kong bukas naman ang gate kaya pumasok na ako.
Hindi ako makahinga sa nakikita ko ngayon. Wala akong nararamdaman na ano mang panginginig sa lugar.
Bakit? Bakit patuloy ang paghati ng kutsilyo sa katawan ni Janella? Walang maskara na narito. Anong nangyayare?
Ano nanaman ba ito?
