Siyam(9)
Unti-unti man itong nawala sa paningin ko pero patuloy pa din ang paglakas ng kabog ng puso ko pati na rin ang pagagos ng dugo sa markang iniwan nito.
Ramdam ko pa rin ang hapdi dahil sa medyo malalim ang sugat ay mukhang matatagalan pa bago ito gumaling. Alam kong kakaiba ito sa mga sugat na naranasan ko masyado itong malaki at sumobra ang sakit nito para bang sugat na nilagyan ng dayap(A/n: ang dayap po ay parang kalamnsi din correct me if im wrong hehehe).
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko habang nanginginig ang kamay ko.
Pero ano naman ang kailangan ng maskara? Bakit nawala ang ngiti nito ng mapatingin sa kwintas? Ano ba talaga ito?
Sino ba talaga ako? Bakit kailangan ako makatuklas nito?
Ibinalot ko ang panyo sa sugat at tumayo na. Ramdam ko pa rin ang hapdi pero hindi ko na iyon pinansin.
☆☆
Papauwi ako ngayon at patuloy kong binabalikan ang mga pangyayari na naganap nitong nakaraang buwan. Oo buwan na nga ang lumipas wala na din akong nakikita na nangyayare na pagkamatay pero madalas kong naramdaman ang pag-alog ng lupa. Madalas ko rin itong nakikita na parang may hinahanap pero patuloy lang ang pagtingin nito sa kwintas ko at matapos nun ay mawawala na ito.Simula din na ibinigay ito saakin ng babae ay hindi ko na ito inalis pa pakiramdam ko kasi ay ligtas ako. Parang may gumagabay saakin.
Kahit na hindi ko alam kung ano man iyon ay hinahayaan ko nalang patuloy lang ang pagiging normal ng buhay ko. Pero parang may kulang. Patuloy pa din akong nalilito sa pagkatao ko gusto kong alamin lahat. Sino ba ako? Bakit ko ba nakita ang mga ganung bagay?
Sinubukan kong magisip ng paraan pinagsama-sama ang mga pangyayari. Bakit noong nakatikim ako ng dugo nung unang namatay at nalaman ko ang nangyare sakanya?
Sinubukan kong iresearch ang nga pangalan ng taong namatay at baka maintindihan ko lahat.
Nakita ko ang litrato ng tatlong babaeng namatay. Magkakakilala sila?
---