Dalawampu't walo

4 0 0
                                    

Dalawampu't walo (28)

Therese POV

Gulong gulo ang utak ko sa nangyayari. Nakakapagtaka na sinabihan niya ako na huwag ako basta magtitiwala kahit kanino. Maging sakanya. Bakit? May mali ba siyang ginawa saakin?

Noon pa man simula ng magkakilala na kaming tatlo unti-unti akong nagkakaroon ng tiwala sakanila. Hindi nila ako pinabayaan. Namatay man ang aking kaibigan na si Glare ay pakiramdam ko ay napunan nilang tatlo ang kulang. Kasama na si Heilly. Kahit na palagi ko siyang sinasaktan at sinusungitan noon ay tinulungan nya pa din kami.

Pero may mali. Kasabay ng pagkakaroon ng tiwala ay naging mahina din ako. Hindi ko kayang kumilos ng wala sila. Bakit? Bakit hindi ko kaya?

Habang nakatingin ako sa kisame ay gulong gulo ang utak ko. Parang bawat detalyeng naiisip ko ay may mali. Ang sa tingin kong balak ng maskara na mangyari ay parang iba.

Ako ang kailangan nito pero bakit kasama si James? Dahil ba malapit sila saakin? Pero hindi. Bakit kailangan nilang ma sama sa pangyayaring ito? Bakit kami ipinagtagpong apat kung wala din namang pakay ang maskara sa mga ito?

Hindi kaya hindi lang ako puntirya ng maskara? Bakit halos lahat ng nasa class picture ay namamatay?

"Argh!" Sigaw ko at napasabunot nalang sa aking buhok.

Gulong gulo na ang utak ko ngayon.

Mula sa itaas ay may nahulog na sulat.

Kinuha ko iyon at binuksan.

'Nalalapit na ang pagtatapos niyo'

Nagtaasan ang nga balahibo ko sa buong katawan. Ang lansa ng amoy ng sulat. Sulat na gawa ng dugo.

Sumobra na ang pagkagulo ng utak ko at iniisip ko na na dugo ni James ang narito.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Someone's POV

Pinaglalaruan ko sila sa aking mga palad.

"Kailangan mo ng magmadali limang araw na lang ang natitira" Pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa nagaapoy na salamin.

"HAHAHAHAHA" Natatawang saad ko.

Pinainit ko ang piso hanggang sa mamula ito at inilagay ko sa kamay ng kawawang James na ito.

"ARGHHHHH" Sigaw nito.

"TAMA NA! TAMA NA! ANO BANG KAILANGAN MO?" Sigaw nito.

Hindi niya ako nakikita sapagkat may pader na nakaharang at tanging kamay lamang nito ang nakalabas.

Mayroon ding mga butas butas sa oader upang magkarinigan kami.

"Pasakit ang inyong ibinigay
Aking ibabagay
Bawat pasakit
Ay mauulit. HAHAHAHA" Magkakatugmang sabi ko.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Mar 16, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

BLURDonde viven las historias. Descúbrelo ahora