Dalawampu't anim

2 0 0
                                    

Dalawampu't anim (26)

Therese POV

Agad akong lumabas upang kausapin sila at sabihin kung paano namin mapipigilan na mapatay ng maskara si James. Nakita ko silang naglalaro ng chess at mukhang iniisip talaga nila ang bawat galaw na gagawin nila.

"James,Shane" tawag ko sakanila. Tinignan nila ako at nakita ko ang pagkabahala sa kanilang mga mata.

"Tinangka mong kitilin ang buhay mo?" Malamig na tonong sabi ni Shane.

Yumuko na lamang ako.

"Patawad"

Tanging ang salitang iyan ang lumabas sa bibig ko. Napakasama ko at hindi ko man lang inisip ang mararamdaman nila. Ang mangyayari sakanila. Napakaduwag ko at ang gusto ko lang ay takasan ang problema ko.

"Ang hina mo" Saad ni Shane.

"Inaamin kong mahina ako. Inaamin kong naging duwag ako at hindi ko inisip ang mangyayari saiinyo pero Shane tao lang ako. Natatakot din ako. Hindi ako superhero." Unti-unting tumulo ang luha ko.

"Masama bang matakot? Mahina ako. Pero susubukan kong maging malakas Shane. Susubukan ko." Sabi ko dito. Nagulat na lamang ako ng tumawa siya ng napakalakas.

Eh? Anong nangyayari?

Maging si James ay nakitawa na din.

"Hindi ko talaga akalaing kakagat sya don. Hahaha" Mangiyak-ngiyak na sa kakatawang sabi ni James.

"Tao lang ako. Natatakot din ako" panggagaya ni Shane sa sinabi ko maging sa paraan ng pagkakasabi ko

Inirapan ko na lamang sila. Mga abnormal.

"Pagpatuloy nyo yan. Napakagandang biro kasi" sabi ako at naglakad papasok sa kwarto.

Nasa loob na ako ng kwarto ngunit dinig mo pa din ang paghagalpak ng tawa ng mga mokong na yon. Hindi ko alam anong napagtripan nila at pati ako dinamay nila.

Hindi ko alam pero napangiti din ako habang naririnig ko ang tawanan nilang dalawa. Napakagaan sa pakiramdam na tila ba ay wala kaming iniindang kapahamakan. Na tila ba walang tanong sa aming isipan.

Nakaramdam ako ng pagkalam ng tiyan sana pala hindi na lang ako nagwalk out ngayon tuloy ay wala akong nakain. Hindi ko na din tuloy nasabi sakanila ang aking sasabihin.

Pero sa palagay ko ay mas maganda ng hindi ko agad iyon nasabi sakanila. Nang sa ganon ay wala na akong madamay pang muli. Lalaban ako magisa para sakanila.

James POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Kumagat siya sa mga kalokohan namin. Napakainosente niya talaga sa mga ganoong bagay.

Ngunit hindi ko man sabihin ay alam kong balak niyang magpakamatay ng mga panahong iyon ay sumilip ako sa kwarto nya at may nakita akong lubid habang nakahiga siya. Binalak niyang magpakamatay.

Mabuti na lamang at hindi niya itinuloy dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko.

Hindi isang ordinaryong tao ang usapan sa laban na ito. Kundi isang maskarang lumulutang. Hanggang ngayon ay isa pa rin itong palaisipan saakin. Hindi ko alam kung paano nangyayari ito. At kung bakit ito nangyayari ang kababalaghan na dulot ng maskara ay kakaiba. Hindi ito isang paranormal na bagay lamang.

Nakita kong papalapit saakin si Therese. Napangiti ako sa hindi malamang kadahilanan. Isang beses kong sinubukang sumuko sakanya ngunit hindi ko din pala kaya.

Kamuhian na siya ng lahat ay hindi ko magagawang kamuhian siya.

"James. Kailangan nating magusap" Sabi nito tumayo ako upang sundan siya.

Itinaas niya ang litrato namin noon. Ang litrato naming dalawa ni Heilly kung saan nakablur ang kanyang mukha.

Ngunit ang mas ikinatakot ko ay ang unti-unting pagblur ng mukha ko sa litrato na hindi naman blur noong una.

"Wala na tayong takas" bulong ni Therese at tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

BLURHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin