Dalawampu't tatlo

2 0 0
                                    

Dalawampu't tatlo (23)

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot ganoon pa man patuloy pa din ang paginit ng paligid nagiiba na din ang kulay ko dahil sa hindi normal na temperatura ng katawan ko.

Gusto long sumigaw pero wala ng lumalabas na boses sa bibig ko. Tumutulo din ang luha ko na mainit na din marahil ay dahil ito sa temperatura ng katawan ko.

"Shit" narinig kong sabi ng isang lalaki.

Tinignan ko lamang ito.

"James" sa wakas ay nakapagsalita rin ako ngunit hindi ganoon kalakas ito.

Unti-unting bumaba ang tempratura ng katawan ko at bumalik sa dati sa hindi malamang kadahilanan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong nito.

"Huwag kang lalapit" sabi ko sakanya ng maramdaman kong may matulis na kung ano ang nakalagay sa likuran ko.

Pero tila ba hindi nya ako pinapakinggan. Dumidiin ang pagkakatusok nito ramdam kong may kung anong tumutulo na sa likuran ko.

"WAG KANG LALAPIT!" Sigaw ko na nagpatigil sakanya.

"Patayin mo sya" bulong ng kung sino man saakin.

"Patayin mo sya at mawawala ang lahat ng ito" bulong muli nito.

Pero bakit siya ang pinapapatay ng maskara? Siya ba ang anak?

"Patayin mo na sya!" Sabi nito at may sumulpot na kutsilyo sa aking kamay.

Nanlaki ang mga mata ni James ng itutok ko ito sakanya. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ako ang gumagalaw sa katawan ko.

"Papatayin kita" Sabi ko sakanya. Hindi ko intensyong sabihin iyon pero hindi ko alam bakit iyon lumabas sa aking bibig.

Umatras ng umatras si James hanggang sa wala na itong maatrasan.

"Sht Therese. Ano bang ginawa ko sayo?" Tanong nito.

Tanging ngiting nakakatakot ang lumabas sa aking mga labi. Ngayon ko lamang napansin na wala ako sa katawan ko isa lamang akong kaluluwa.

"Bakit?" Tanong muli nito.

Papatayin siya ng maskara. Alam kong ang maskara ang nasa loob ng katawan ko ngayon. Pero paano ko iyon papatigilin?

"James!" Nakita kong paparating si Shane. Tinignan sya ng maskara.

"Therese! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Shane na nanlalaki ang mga mata.

"Huli na ba ako?" Rinig kong bulong nito.

Ano ba talaga ang nangyayari? Si James ba ang anak? Pero..

Tumakbo ako at dumiretso sa katawan ko hindi ko alam ang nangyari pero alam kong nakabalik ako.

"Sorry" sabi ko at tumakbo palayo. Alam kong mas lalo nila akong iiwasan sa nangyari.

"Therese!" Sabi ni James ng mahabol nya ako.

"James. Hindi ako yun." Sabi ko sakanya habang tumutulo ang luha ko.

"I know" sabi nito at may ipinakitang pendant.

"Para saan yan?"

"Galing sa maskara"

BLURWhere stories live. Discover now