Pito(7)
May kadiliman ang kanilang bahay siguro ay dahil sa iisa laman ang bombilya dito.
"Pagpasensyahan mo na ang bahay na ito kung maliit nakangiting sabi nito.
"Okay lang po, nga po pala yung tanong ko po kanina. Dito po ba nakatira si Mr. V?"
"Noon" tipid na sabi nito at ng sindi ng kandila na inilagay nito sa gitna ng lamesa. "Upo ka" alok nito.
Umupo naman ako,"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Matagal ng namayapa ang aking asawa" malungkot na sabi nito.
"Kailan pa po? Sorry po kung matanong ako kailangan ko po kasi talagang malaman ang about sa article na isinulat niya" sabi ko at inilabas ang kopya ng article na pinaprint ko.
"Okay lang yun. Namatay sya matapos nyang isulat ang article na iyan." Sabi nito at may isinuot na kwintas sa kanyang leeg. Sa tingin ko ay gawa ito sa string ng gitara,meron mang itong beads ay sapat lamang ito upang hindi sya masaktan. Para saan naman ito?
"Proteksyon" nakangiting sabi nito na animo ay nababasa ang utak ko.
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Proteksyon ito sakanya upang hindi nya ako kaagad mahanap"
"Sino ho?"
"Sya. Ang maskara"nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kaya may alam sya? Pero saan nya nakuha iyan?
"May alam po ba kayo tungkol sa maskara na iyon?"
Umiling sya."Kulang ang kaalaman ko dahil ikaw ang makakatuklas sakanya" saad nito. "Pero isang pagkakamali mo lamang ay maaari kang matulad sa asawa ko... maari ka ding mamatay"
Nagtayuan ang balahibo ko sa narinig ko. Bakit ako?
"Pero eto lamang ang nalalaman ko. Blur pictures ang dahilan bawat lugar na madadaanan ng maskara ay nagigingi blur ang paligid. Marahil ay hindi natin ito napapansin pero ang camera ang nakakaalam. Bawat taong kumukuha ng litrato sa lugar na iyon ay magiging blur ang paligid at kung sino man ang taong nasa litrato ay mamatay sya man ang kumuha ng litratong iyon o hindi. Mamatay sila sa brutal na paraan hindi dahil sa gawain iyon ng maskara kung hindi ay may kinukuha sya rito." Mahabang sabi nito
"Ano po ang kinuha nya rito?"
Umiling naman sya,"hindi ko alam. Pero ang mga yun ang magiging dahilan upang mabuhay sya. At mas malakas pa sya sa dati." Dagdag nya.
Mabuhay? Pero bakit kailangang ako pa ang makaalam nito? Ngayon lang ako nagtaka kung sino ba talaga ako.
Nagulat ako ng ipinasuot saakin ng babae ang kwintas.
"Umalis ka na nandito na sya. Isuot mo yan at wag na wag mong aalisin" sabi nito at ngumiti. Umaatras sya hanggang sa nilamon na sya ng dilim.
Nagsimula na rin akong maglakad pero may naramdaman ako sa paanan ko. May natapakan akong isang frame. Ito ang lalaking kumausap saakin noong nagimbestiga ako sa pagkamatay ni Velasco. (SEE ON PANGALAWA)
"Mr. V?" Sabi ko ng makita ang nakasulat doon. Sya si Mr. V?