PANGALAWA

10 0 0
                                    

PANGALAWA(2)

Napaupo ako na mulat na mulat ang mata habang sumisigaw. Isang panaginip.. panaginip lang pala.

Bakit ganun parang totoo ang lahat?. Napahawak ako sa aking kaliwang dibdib.

Ang bilis ng tibok ng puso ko para na itong nakikipagkarera sa bilis. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Tumayo ako at hinanap kung saan napunta ang alarm clock na binato ko kanina.

Nakita ko ito sa ilalim ng study table.
"Nasira nanaman" umiiling na sabi ko.

Ibinalik ko na ito sa lamesa at binuksan ang TV

"Isang anak ng sikat na business tycoon na si Janessa Velasco ay natagpuang patay sa isang tagong eskinita. Ang sabi ng mga pulis ay natagpuan na lamang nila itong duguan at hiwa-hiwalay ang parte ng katawan"

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko sa aking napanood. Isa lang ang ibig sabihin nito, totoo ang nasa panaginip ko. Kung panaginip nga bang maituturing iyon.

"Dagdag pa nila ay may isang litratong hawak ang babae sa kanang kamay nito, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ano o sino ang nasa litratong iyon dahil sa balot din ito ng dugo. Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pagiimbestiga ng pulis sa nangyare"

Pintay ko na yung TV at nagsimulang magbihis.
Pupuntahan ko yung lugar, kailangan kong magimbestiga.

☆☆

"Ma'am hindi po kayo pwede dito" pigil saakin ng pulis kaya nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko.

Nakita ko si Mr. Velasco na tahimik lang na nakatingin sa kanyang anak habang lumuluha, si Mrs. Velasco naman ay patuloy ang paghagulgol.

"Sino ka?" Napatingin ako sa likod ko. Isang lalaking matipuni ang katawan, One word to describe him? Handsome.

"Nagiimbestga ako dito"

"I'm asking you, Who are you?" Malamig na sabi nya.

"Therese Kaye Flores" pagkasabi ko nun ay humarap na ulit ako sa pwesto ng bangkay.

"What are you doing here?" Pangungulit nya.

"I already told you mister"

"You have your I.D?" Napatingin na lang ako sakanya.

"I dont. Nandito lang ako dahil sa panaginip ko" pagkasabi ko nun ay binalik ko na ang tingin ko. Yung blur na picture sigurado ako na yun ang hawak nya.

"What dream?"

"None of your business" malamig na sabi ko. I shouldn't trust anyone.

"Ang brutal ng pagpatay sakanya" Tinanguan ko nalang sya.

"Well, I guess we have the same dream. Have a nice day,Therese" tumalikod na sya at naglakad palayo. Sinundan ko sya ng tingin.

Napanaginipan nya din? Inobserbahan ko s'ya at may nakita akong kakaiba sa sapatos n'ya.

BLOOD STAIN.

BLURDonde viven las historias. Descúbrelo ahora