Labing anim

7 1 0
                                    

Labing-anim (16)

Therese POV

Pagmulat na pagmulat ng aking mata ay may nakita kong isang lalaki sa aking harapan. Medyo natatandaan ko sya.

Siya si James. Siya yung lalaking palaging nangaasar saakin noong highschool. Ang lalaking naging katapat ko sa lahat.

"Anong ginagawa mo dito?" Bakas ang pagkairita sa boses ko.

"Alam kong hinahanap mo din lahat ng mga kasama sa litratong ito" sabi nito at pinakita ang litrato namin noong highschool.

"Paano mo naman nalaman?"

"Simple lang." Sabi nito at ngumiti.
"Alam ko lahat eh" Katulad lang din ng dati. Palagi niyang sasabihing alam nya ang lahat. Kaya naiinis ako sakanya.

Lahat nalang alam nya! Lahat ng bagay na hindi ko kaya nagagawa niya.

"Teka! Paano oala ako napunta dito?" Tanong ko ng mapansin ang lugar. Nakahinga ako ng matiwasay ngayon. Nakaligtas nanaman ako sa panganib. Pero hanggang kailan naman kaya?

"Hindi ko alam basta nalang kita nakita" sambit nito. Sabi na nga ba imposibleng ito ang magligtas saakin. Eh mas duwag pa to sakin eh. Mas lalo tuloy akong nairita sakanya.

Sinubukan kong tumayo ngunit nanghihina akonkaya bumagsak din ako. Mabuti na lamang at nasalo nya ako.

"Hindi pa kasi kaya, Pinagpipilitan pa din." Asar na sabi nito.

Oo asar kami sa isa't-isa. Bawat kilos namin ay may kompetisyong nagaganap. Mali ng isa ay ikinasasaya ng isa.

"Dyan ka na nga muna" Mahinahon nyang sabi at umalis na.

Napabuntong hininga ako. Nasaan na kaya ang mga magulang ko? Anong nangyari bakit may katawan na ang maskara? Bakit tao na ito? Paano ako nakaligtas sakanya?

Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko.  Nakakairita saoagkat hindi na ito naubos bagkus ay nadagdagan pa ang mga ito.

Ano ba ang meron sa maskarang iyon?

Dahan-Dahang bumubukas ang pinto kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Tao na ang maskara kaya sa palagay ko ay maaari na itong biglaang lumabas sa kung saan.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita si James. Medyo pinagpapawisan ito. Hindi lang basta pawis na pagod. Pantal pantal na pawis na para bang kinakabahan o hindi makapaniwala sa anuman.

"Anong nangyare sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko.

"May namatay nanaman." Sabi nito habang kinukuha ang wheelchair. Madalas man kaming magaway ay madalas din namang parehas ang iniisip namin.

Alam nyang kailangan kong makita ang nangyari.

Umakyat kami ng third floor. Tago ang lugar na iyon. Tahimik at madilim. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko.

Sakto namang pagkabukas nito ay ang katawan ng taong namatay. Kung sa iba ay iisipin na normal lang ang namamatay sapagkat ospital ito ay imposible iyon sa ganitong sitwasyon. Hiwa ang balat nito. At para bang baboy ito na nakasabit. Nakakasuka itong tignan sapagkat kitang kita mo ang lamang loob nito.

Dahan-dahan kong inobserbahan ang paligid. Natapat ang ilaw na nanggagaling sa cellphone ko sa tabi ng pwesto kung nasaan ako kasabay din ng pagsigaw ko.

"Shit" Nabiglang sabi ni James

Isang ulo ang nakasabit. Ulo lang at walang katawan. Nakakatakot sapagkat tirik na tirik ang mata nito.

Nagulat ako ng biglang maglakad si James. At dahil nga hawak nya ang wheelchair ko ay nadadala nya ako.

"Hindi lang isa ang namatay" Mahinang sabi nya. Alam kong nanginginig sya sapagkat nararamdaman ko.

Umalis na kami sa lugar na iyon pagkatapos. Alam naming maaaring pagbintangan kami kaya kailangan na namin agad makaalis sa ospital na iyon.

Ramdam kong nanghihina pa din ako pero kailangan kong maging malakas. Lalo na't hindi ko alam kung ano itong pumapatay na ito. Naalala ko simula ng dalawin ako ng panaginip na iyon ay hindi na natahimik ang buhay ko. Gawa ng kuryosidad ay pinasok ko ang delikadong parte.

Totoo nga atang curiousity kills the cat.

Pinasok ko ang isang bagay na hindi ko alam paano ako makakalabas.

Biglang pumasok ang itsura ng maskara sa utak ko. Nakakatakot ang mga ngiti nito. Pero kung oobserbahang mabuti ay may kung anong simbolong nakalagay dito. Matagal-tagal ko na ring nakikuta ang maskara kaya nakabisado ko na ang bawat parte nito. Maging ang ngiti nito.

ßłųř§ığņ

Iyon ang nakalagay sa malapit aa maskara nya. Napakadaling basahin nito.

"Blursign" pero ano ang ibig nitong sabihin?

BLURWhere stories live. Discover now