Dalawampu't pito

3 0 0
                                    

Dalawampu't pito (27)

Therese POV

Agad akong nilapitan ni James at pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Kailangang mapabilis ko ang pagiimbestiga sa katotohanan.

Matapos niyon ay nagpaalam si James na lalabas sandali upang magpahangin. Tanging tango na lamang ang naisagot ko sakanya

Agad akong napatingin sa litrato. May mali dito. Bakit bigla na lamang itong nagblur?

Sinubukan kong hawakan ang blur na parte ngunit nakaramdam ako ng paghihiwa.

''Argh" Ramdam ko ang pagagos ng dugo mula dito hindi man ito gaanong malaki ngunit malalim naman ito.

Bakit ako nasugat ng hawakan ko ang blur na parte? Unti-unti kong naramdaman na may bumabalot saakin na matalim at manipis na bagay ngunit hindi ko ito nakikita. Ano ito?

"Shaaaaaane!" Sigaw ko ng makita si Shane na palabas ng kwarto. Bawat lapit ni Shane ay ang paghigpit ng kung ano mang nasa katawan ko. Umaagos na din ang dugo mula rito. Agad namang napalayo si Shane saakin. Unti-unti ding lumuluwag ang kung ano mang nakapulupot sa buong katawan ko na tila ba naalis na ito.

Nang hindi ko na ito naramdaman ay napahiga na lamang ako sa sobrang panghihina.

Shane POV

Alam ko na ang mali. Alam ko na ang pagkakamali. Lahat kami ay mali na iniisip na hindi tao ang aming kalaban! TAO SIYA! Napakagaling niya upang makagawa ng mga imposibleng mga pangyayari.

Sinubukan kong magsaliksik tungkol dito at nalaman kong maaring ang taong kalaban namin ay nakipagkasundo sa demonyo.

Ngunit bakit kami? Bakit kailangang kami ang puntiryahin niya? Ano ba ang nagawa namin?

Nang lumabas ako ng kwarto ay isinigaw ni Therese ang pangalan ko kaya naman lumapit ako ngunit bago ko pa siya lapitan ay nakita ko ang mga pagipit ng kayang balat na tila ba isa siyang longganisa na nakabalot ng sinulid. Ngunit wala kang makikitang sinulid na nakabalot sakanya. Habang ako'y papalapit ay nakikita ko ang mukha niyang umiinda sa sakit.

Unti-unting sumisikip ang nakapulupot na kung ano man sakanya. Hanggang sa naramdaman ko na hindi ko magalaw ang paa ko tila ba may nakatali na bigla na lamang naipit o di kaya ay naubusan na ng tali upang mas makalapit ako sakanya.

Napangisi ako sa naisip ko.

Nagkamali ngayon ang taong kalaban namin. Hinawakan ko ang suit kong tsinelas at nalaman ko na may napakanipis na sinulid dito. Matalim ito at hindi makikita ng mga mata mo ngunit mararamdaman mo. Napakatalino talaga ng may gawa nito ngunit mas matalino kami sakanya.

Ilang buwan kaming naniwalang maskara lamang ito. Pinutol ko ang sinulid na iyon at lumabas na ng bahay upang humingi ng tulong alam kong makakahinga na siya ng maluwag ngayon.

Therese POV

Ilang araw na ang lumipas mula ng nangyari iyon. Napakatahimik ni Shane at alam kong may tinatago siya saamin. Matapos kasi ng pangyayaring iyon ay kumuha siya ng tela at tila ba may kinukuhang bagay. Hindi ko nakikita kung ano iyon pero hinayaan ko na lamang siya dahil nga sa may tiwala ako sakanya.

Mula din ng umalis si James ay ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Wala akong makuhang balita sakanya. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba na baka napatay na siya ng maskara. Ngunit ang ipinagtataka ko ay si Shane talaga. Ilang araw ng wala si James ngunit hindi man lang ito nagaalala.

"Shane" tawag ko dito.

"Hmm?"

"Alam mo ba kung nasaan si James?" Tinignan lamang niya ako at ngumiti. Tumayo siya at naglakad papasok ng kanyang silid.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin saakin?" Sigaw ko sakanya na naging dahilan upang mapatigil siya.

"Para sa kaligtasan mo"

"Hindi ko kailangan ng magliligtas saakin Shane. Ang kailangan ko ay katotohanan!"

"May tiwala ako sayo. Mahahanap mo ang katotohanang natuklasan ko. Ngunit may ipapaalala ako sayo Therese. Huwag ka ng basta basta magtitiwala kahit kanino. Maging saakin"

BLURWhere stories live. Discover now