Sampu(10)
Kilala nila ang isa't-isa? Pero may isang litratong pumukaw ng aking atensyon. Ang mga taong namatay ang naririto, pero ang nakakapagtaka ay bakit ako kasama rito?
Napahawak ako sa noo ko gawa narin siguro ng biglaang pananakit nito. Bakit ako nasa litrato? Sino ba sila? Ano ang koneksyon ko sakanila?
Isinarado ko na ang laptop at humiga. Minasahe ko rin ang noo ko upang maibsan ang pananakit nito.
Pero habang tumatagal ay mas lalo pa itong sumasakit na naging dahilan ng paghigpit ng hawak ko sa comforter.
Nararamdaman ko rin ang panginginig ng lupa. Narito nanaman sya.
"One two die. Three four blood. Five six eyes. Seven eight sight. Nine ten HELL HAHAHAHHA." Patuloy na pagkanta nito.
Inulit nya ito ng inulit na mas lalo pang nakapagpagulo ng utak ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagpeplay ng mga flashback sa utak ko.
"Babalik din kami" mahinang sabi ni Mr. V
"But dad."
"Dont worry ako ang bahala ah? Matulog ka muna. Goodnight sweetie." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.
Oo ako. Ako ang kanyang anak.
One two die. Three four blood. Five six eyes. Seven eight sight. Nine ten HELL.