Dalawampu't lima

2 0 0
                                    

Dalawampu't lima (25)

Third person POV

Unti-unting mararamdaman ang pagnanais sa kamatayan. Umulit ng umulit ang mga katagang ito sa utak ni Therese. Siya ang anak at kung susundin niya ang manvyayari sa propesiya ay magtatagumpay ito.

Bago pa man hayaan ang sarili ay inakis niya ang pagkakatali ng lubid at iniwan ito. Nanginginig ang katawan niya sa pagtangka nitong patayin ang sarili.

'Mabuti na lamang ay napigilan ko' bulong ni Therese sa sarili at lumabas na sa silid.

Therese POV

Kailangan kong maging malakas. Walang lugar ang mahihina sa mundong kinagagalawan ko. Maglalaro tayo ngayon kamatayan. At sisiguraduhin kong hindi mo magagawa ang mga plano mo.

Pagkalabas ko ng silid ay nakita ko si James na nanunuod ng TV bagamat nanunuod ay halata sakanya na hindi doon nakafocus ang utak niya.

"Patawad" Mahinang sabi ko hanbang nakayuko.

"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na ipinanganak ka sa mundong ito." Saad niya. Wala akong nagawa kung hindi yakapin siya. Sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Huli na to" bulong ko na hindi ko alam kung narinig ba nya ngunit niyakap nya din ako pabalik.

Shane POV

May mali sa nangyayari. Sigurado ako doon. Ayokong magduda ngunit may kakaiba talaga sa nangyayari. Una ay paano namatay si Heilly ng hindi siya kumukuha ng kahit anong litrato? Sa pagkakaalam ko ay nakakapatay lang ang maskara sa tuwing kumukuha ng litrato ang mga ito at kapag naging blur ito ay mamamatay ang taong nasa likod nito. Pero bakit kay Heilly iba?

Paanong ang daming alam ni Heilly? Punong puno ng katanungan ngayon ang aking utak hindi dapat nangyayari ito. May mali.

Kinuha ko ang litratong nakita ni Therese sa kwarto ni Heilly. Ang blur na nasa dulong parte. Pero bakit si Heilly lang ang may ganitong klase ng litrato?

Ano ba ang gusto mo maskara? Masyado ka ng masakit sa ulo.

Therese POV

Matapos ng nangyaring iyon ay binigyan ako ni James ng ice cream upang makapagpagaan daw ng loob ko. Napangiti ako sa ginawa nya. Naalala ko noon sa tuwing naiirita ako sa mga ginawa niya saakin ay iiyak na lamang ako sa rooftop ng school namin at magugulat na lamang ako na bigla siyang nasa tabi ko at inaabot ang ice cream na paborito ko.

Kinamumuhiaan ko siya noon pero ngayon ko narealize na kahit anong mangyari ay nandyan siya sa tabi ko marahil kung hindi ko sila nakilala ay patay na ako ngayon.

Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Ako ang kailangan ng maskara. Ako ang nais nito patayin. Dahil sa mga magulang ko. Pero nakakasiguro akong hindi yon ang dahilan. Hinding hindi.

Ano ang nais niyang mangyari?

Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko.

"AHHHHHHH!" Sigaw ko. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Sino ba ang maskara na ito? Nakakairita na.

Kinuha ko ang pendang na galing sa maskara at isinuot ito.

Simulan na natin ang laro mo.

Lumiwanag ang pendant. Nakakasilaw na liwanag ang nanggaling dito. Mga ngiti ng aking magulang mga ala-ala nila ang aking nakikita. Kasama doon ang isang hindi kilalang babae na marahil ay ang maskara.

Sigurado na ako ngayon. Alam ko na ang pakay mo. At hindi ko hahayaang mangyari iyon.

BLURWhere stories live. Discover now