Nang imulat ko ang aking mata, alam kong nasa loob ako ng isang hindi kanais nais na lugar. Bumungad ang nakakasilaw na ilaw sa aking mga mata. Maraming nakakabit na kung ano anong aparato sa aking katawan. Sa gilid ko ay ang isang babaeng masinsinang tinitignan ang isang machine. Nang mapatingin ito sa akin ay sumilay ang ngiti sakanyang labi.
"Kamusta na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Sa halip na sagutin ang kanyang tanong, ay tinanong ko siya
"Nasaan ako?" Tanong ko rito.
Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
"Nasa loob ka ng isang hospital. Dinala ka ni Ravene dito kagabi, walang malay at mahina ang pulso. Anong pangalan mo?" Muling kumirot ang aking ulo sa kanyang katanungan. Sino ako? Hindi ko maalala. Wala akong maalala.
"Alam kong hindi ka isang lobo, at hindi ka rin naman isang mortal. Sino ka?" muli nyang tanong. Mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko, hindi lamang sa aking ulo ngunit pati na rin sa buong katawan ko. Pilit kong inaalala kung sino ako at kung bakit ako naririto. Anong nangyari sa akin? "W-wala akong maalala. Hindi ko alam kung sino at kung ano ako. Wala akong maalala." Nanghihina kong sambit habang hawak ang kumikirot na parte ng aking ulo. Kumunot ang kanyang noo at unti unting naging itim ang kanyang mga mata na kanina lamang ay kulay abo.
"S-sino ka?" balik kong tanong sakanya. Paglipas ng sandali ay bumalik sa dating kulay nito ang kanyang mga mata.
"Ako si Maia, Maia Lancaster. Isa akong doctor. Kung tunay ngang wala kang maalala, maaari ka ba muna naming tawaging Zarina? Yun ang pangalang sinasambit mo kagabi habang natutulog ka."
Zarina? Iyon ba ang aking pangalan? Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang sakanya. Maging ang sarili kong pangalan ay hindi ko alam. Ngumiti lamang siya sa akin at saka nito tinungo ang pintuan.
"Magpahinga ka muna." Sabi nito bago siya tuluyang makaalis sa silid.
Kasabay ng kanyang paglabas ay ang pagpasok ng isang babaeng may mahabang itim na buhok. Kapansin-pansin rin ang highlights nitong kulay lila. Seryoso ang kanyang mukha habang ito naglalakad patungo sa akin.
"Sino ka?" Nahihintakutang tanong ko sakanya.
"Rave." Maikli niyang sagot. Kapansin-pansin rin ang mga mata ng babaeng ito. She has some pair of golden eyes with specks of red color.
Nakakatakot.
Iyon ang unang pumasok sa aking isipan nang makita ko siya.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. Tumango lamang ako
"Saan mo ko natagpuan?" tanong ko sakanya na siyang ikinataas ng kilay ng babae.
"Oh the girl doesn't know how to say a proper thank you!" a boring smile flashed on her face.
"Stop scaring the girl, Flor." Singit ng isang babaeng kapapasok lamang sa aking silid. Maputi ito at may katangkaran rin, maiksi ang kanyang mga buhok hanggang balikat lamang niya ang kanyang pulang buhok. Salungat ng aurang ipinararating ni Rave ang Aura ng babaeng ito. She seems friendly and... and nice.
"Don't call me that." Irap ni Rave sakanya.
"But I want to call you Flor. It sounds... Friendly." Ngisi nito kay Rave na umani ng hindi mabilang na irap mula sa dalaga. Tinalikuran niya kami at tuluyan nang umalis sa aking silid.
"So, Hindi ko na tatanungin kung kamusta ka na. Obviously, maraming beses ka nang natanong niyan." Ngiti saakin ng babae.
"By the way, I'm Dianne. Dianne Alexandrix." Dagdag nito. Ngumiti lamang ako bilang tugon sakanya.
"I heard Rave decided to name you Zarina. Kagabi ka pa niya binansagang Zarina." Sabi niya habang umiiling.
"Paano at saan niya ako natagpuan?" Tanong ko rito. I still feel uncomfortable about this place.
"Natagpuan ka raw niya sa masukal na bahagi ng kakahuyan patungo dito sa laboratoryo. Kung paano? Malay ko." Sagot niya.
"Si Rave rin ang nagdesisyong dito ka muna tumuloy hanggat wala kang naalala. Why? Feeling niya batas siya!" sabi pa nito bago pa tuluyang humalakhak.
"Sorry, Joke lang iyon. Wag mo kong isumbong. HAHAHAHAHAHA" tawa pa nito na siyang ikinangiti ko. Magkaibang magkaiba sila ng mood na ipinararating pero sa tingin ko ay malapit sila sa isa't-isa.
"Wala ka namang dapat ikatakot kay Rave, mabait siya. Hindi nga lang halata minsan. Iniligtas ka nga niya diba?" sambit niya. Napansin ata niya ang tensyong naramdaman ko kanina.
Maya maya ay may pumasok na sa tingin ko ay isang nurse. Tinutukan ako nito ng gamot bago hinarap si Dianne.
"Miss Dianne, kailangan na po niyang magpahinga. Baka hindi kayanin ng katawan niya ang sakit na idudulot ng gamot. Mahinang mahina pa siya." Sabi nito kay Dianne, habang inaayos ang isang pack na sa tingin ko ang laman ay mga gamot.
Tumango naman ito sa babae. "I doubt it. She's not normal, Aireen. Not a single streak of her being is normal." Nagbabanta nitong sabi sa babae saka ako hinarap.
"And by the way, Welcome to Silvermoon's Laboratory." Sabi nito habang sumisilay ang nakakatakot na ngiti mula sakanya.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020