VII

16.6K 422 17
                                    

Pagkaalis pa lamang ng tatlo ay agad akong tumakbo pabalik sa loob ng mansyon. Ano ba ang balak nila rito? papalapit na ako sa pintuan nang bumungad sa akin ang nakakunot ang noong si Ravene. Hindi kaya ay siya ang ginising nila? "Saan ka galing?" Tanong nito sa akin.

"S-sa hardin lang. Mabuti at nagising ka na?" Nauutal kong sagot rito. Tumango lamang sya saka tumalikod upang umakyat. Maya maya ay saglit itong tumigil sa pagakyat.

"Kamusta si Dianne?" Bigla nitong tanong sa akin.

"Walang nangyari masama sakanya, Rave." Sagot ko rito.

"Si Mikiel?" Tanong nitong muli. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang guilt sakanyang boses.

"Hindi parin siya gumigising." Nagaalangan kong sagot sakanya.

"Wala kang kasalanan Rave. Alam kong hindi mo ginusto kung ano man ang nangyari kanina." Dagdag ko pa.

"Nagkakamali ka." sabat nito.

"Ginusto ko iyon." Dagdag nito bago tuluyang umakyat.

----
Umaga ngayon at kagigising ko pa lamang. Papasok na sana ako ng banyo ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang hinihingal na si Dianne.

"Anong meron?" Tanong ko rito, ngunit walang sabi niya akong hinila papalabas ng silid papunta sa bakuran ng mansyon. Doon nasilayan ko ang isang lalaking galit na galit na nakatingin kay Gio.

"Sinubukan nyang pasukin ang kwarto ni Ravene." Bulong ni Dianne sa akin.

"Wala kayong mga puso!" Sigaw ng lalaki kay Gio.

"You use innocent people as your worthless dummy! Page-eksperimentohan at saka itatapon at hahayaang mamatay na lamang!" Sigaw niyang muli.

"Sino ka ba?" Tanong ni Ravene rito.

"Remember Yllaine, Ravene? Do you still remember her?" Tanong nito kay Ravene. Natulala lamang ang dalaga at tuluyang hindi nakasagot sa lalaki.

"Now you remember." Sabi nito bago ngumiti. A sarcastic smile.

"Sino ka? Paanong kilala mo si Yllaine?"tanong ni Ravene rito.

"Sino ako? Ako si Ryle, ang kapatid ng inosenteng taong lobo na pinatay ninyo." sagot nito sakanya.

"Oo nga't pumayag siyang gamitin niyo siya. But did you ever try to save her bago pa man niya tuluyang ikamatay ang proseso ng eksperimentong iyon?!" Sigaw nitong muli.

"It's not our fault that she's weak." Seryosong sagot ni Ravene.

"Flor!" Pagsaway ni Dianne rito.

"What?! Totoo naman ang sinabi ko. Hindi namin kasalanang mahina siya. Ginusto niyang maging black avian kahit na alam niyang hindi niya kaya." Inis na sabi ni Ravene.

"Lalong hindi niya kasalanang mahina siya. Mga sakim kayo sa kapangyarihan" Nanghihinang sabi ng lalaki. Maya maya ay unti unti itong lumuha saka ito napaluhod.

"Hindi ba't lahat naman tayo ay sakim? So tell that to your sister. Siya ang lumapit sa amin para sa kapangyarihan. Hindi kami ang nagmakaawa sakanyang gawin siyang Avian."sagot rito ni Ravene.

"She's such a heartless bitch." Rinig kong bulong ni Dianne sa tabi ko saka pasimpleng inirapan si Ravene. Maya maya ay isang grupo ng mga lalaki ang dumating lahat sila ay nagtungo papunta kay Ryle. Kasama nito ay ang batang babaeng sa tantya ko ay 16 years old pa lamang.

"Kuya. Tumayo ka riyan Kuya." rinig kong bulong ng batang babae. Nanginginig ang mga boses nitong pinipilit patayuin ang lalaking umiiyak.

"Alam niyong hindi kayo dapat basta basta na lamang pumapasok rito." Rinig kong sabi ni Gio. Authority is evident on his voice.

"Don't try to scare me with your alpha tone. Hindi ako natatakot sa-" Bulong ng lalaking kanina lamang ay nakaluhod. Seryoso ang kanyang mukhang nakatingin kay Gio nang bigla itong matahimik saka lumingon lingon sa paligid.

"Mate." Bulong nito. Maya maya ay bigla itong natulalang nakatingin sa pintuan ng mansyon. Halos lahat kami ay napalingon sa direksyon na kanyang tinitingnan. There stood Maia with her eyes wide open. Sa tabi niya ay ang naguguluhang si Matthew.

Kasalukuyan kaming nasa Dining area ng mansyon. Nang malaman ni Gio na mates si Ryle at si Maia ay napagpasyahan nitong tipunin ang lahat upang mapagusapan ang mga nangyari. Nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa si Gio. Sa gilid nito ay si Ryle na napagalaman naming alpha ng Red moon pack katabi niya ang kapatid niyang babae na si Reeze. Sa harapan nito ay si Maia na katabi ni Matthew. Sa kabilang dulo ay magkakatabi kaming tahimik lamang na nakikinig na si Diane at Ravene. Alam kong hindi na lamang dahil sa galit ni Ryle ang tungkol sa meeting na ito. Kasama na rito ang pagiging mates nila ni Maia.

"Maniwala ka man o hindi, hindi namin ginustong mamatay si Yllaine." Pahayag ni Maia.

"In fact, niloko niya kami. Ang sabi niya ay wala na siyang pamilya. Hindi perpekto ang mga eksperimento namin, maging si Ravene ay nahihirapan rito" Dagdag nito.

"Hindi lamang iyon ang gusto kong pagusapan natin." sagot sakanya ni Ryle. Galit na galit ang mga mata nitong kanina pa lumilingon lingon sa lalaking katabi ni Maia ngunit hindi nagpapatinag ang dalaga
sakanya. Sa halip ay hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay ni Matthew. Napalingon roon ang mas lalong nagngingitngit sa galit na si Ryle.

"I am your mate!" Bigla nitong bulalas kasabay ang paghampas nito sa lamesa.

"This is awkward." Rinig kong bulong ni Ravene sa akin.

"Gio, are you sure kailangan pa naming mapanood kung ano man ang nangyayari rito?" bigla ay tanong ni Ravene. Hindi nito alintana ang nagagalit na lalaki sa aming harap.

"Well in case may magkasakitan, at least I have 2 Avians here to stop them." Natatawang sagot sakanya ni Gio.

"I'm taking you to our pack." Maya ay biglang sabi ni Ryle habang nakasilay kay Maia.

"It's YOUR pack. I'm not going with you." Inis na sabi sakanya ng dalaga.

"YOU ARE MINE! I'M NOT GOING ANYWHERE WITHOUT TAKING YOU WITH ME!" Sigaw nito kay Maia.

"Hindi ako pagaari ng kahit sino." naiinis na bulong ni Maia habang nakatingin ng diretso sa nagpupuyos sa galit na si Ryle.

"THAT'S IT! We're done! Ayokong mapanood ang madrama ninyong sentimyento sa buhay. Pagusapan niyo yan ng pribado!" Sigaw ng iritableng si Ravene bago kami hinilang pareho ni Dianne papaalis sa dining room.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon