XVII

13.4K 386 4
                                    

Zarina

Umaga ngayon at sabay sabay kaming nagsasalo ng breakfast sa dining area. Rave is sitting beside me sa kaliwa ko naman ay si Giovanni. Sa kabilang side ay si Dianne, Mikiel at Maia. Nakakapanibagong wala si Matthew ngayon. I guess they settled their issues. Umalis na sila Ryle, ang kapatid at pack niya ngunit ang sabi niya ay hindi parin daw siya titigil sa pagbawi kay Maia. Wala namang nagawa si Maia kundi ay umoo na lamang. Sa tingin ko ay ayaw lang niya ng gulo.

"This house is so silent. Nakakamiss lalo si Chester." Reklamo ni Dianne.

"Me too, Dianne." Pagsang-ayon ni Ravene. Kahit pa hindi ko pa nakikilala o nakikita si Chester ay nakaramdam din ako ng lungkot. He's my nephew, and I want to meet him too. I want to know what kind of person he is. I'm sure he is a very brave and kind guy.

"By the way, nasaan si Jovie?" Biglang tanong ni Mikiel. Ngayon ko lang rin napansing wala si Jovie. Ilang araw na siyang naglalagi rito ngunit hindi siya sumasabay sa aming kumain.

"She's still asleep. Sa ilang araw niyang pag-stay, I noticed that she doesn't sleep at night! Bampira ba siya? Bat tanghali na siyang nagigising? Hindi kaya kinukulam niya tayo? OMG!!!" maarteng kwento ni Dianne.

Giovanni chuckled. "Ikaw Dianne, ang tanda tanda mo na pero ang wild ng imagination mo. You're too cute!" Natatawa niyang sabi.

"Shut up Gio! Baka akalain na naman ni Zarina ako naman ang mate mo!" Nakairap na sabi ni Dianne. Saka ito humarap sakin. "Zar, si Chester talaga ang mate ko. Wag ka magselos!" Biro nito. I just laughed at her. For a werewolf slash avian, masyadong nakakaaliw si Dianne.

"Ba't naman ako magseselos?" Nakangisi kong sabi.

"My god, Zarina." Bulong ni Ravene.

Maya maya ay tumawa ng malakas si Giovanni.

"Why? You have all the right to be jealous! I give you permission to be jealous!" Nakatawang sabi ni Giovanni. I blushed. Walanghiya itong damuhong to!

"Ayan! Lalanggamin na kayo!" Biro ni Maia na ngayon ay nakangiti na. "Nakakainggit naman ang lovers! It feels good to be single though." Dagdag pa niya.

"As if namang nabakante ka!" Biro ni Ravene at inirapan pa nito ng pabiro si Maia saka siya tumawa, kaya naman lahat sila ay natulala.

"OMG!!!! Ravene Flor?! Is that you?!" Nage-eskandalong sigaw ni Dianne

"Stop calling me Flor!" Sigaw naman ni Ravene pabalik.

"Ughh this place is back to being noisy again." Rinig kong reklamo ni Mikiel.

"Why? Flor is a really cute name! It sounds very... what do I call it again? Friendly!" Pangangatwiran ni Dianne.

"Friendly my ass! Pang-lola!" Naiinis na sabi ni Rave kaya naman lahat ay napabulanghit ng tawa. I didn't know Ravene had a side like this.

----

Matapos ang breakfast ay kanya kanya nang bumalik sa gawain ang bawat isa. Pero ng pumatak ang 1pm ay tinawag kaming lahat ni Giovanni sa conference room. I guess they are finally talking about finding the moon goddess.

"You're finally awake." Nakataas ang kilay na sabi ni Maia kay Jovie.

Tinaas lamang ni Jovie ang kaniyang kaliwang kamay saka nagmumble ng mumunting "Hi." kay Maia.

Gulo-gulo pa ang buhok nya at nakaitim siyang pajama. Naka-smudge rin ang itim niyang eyeliner na sa tingin ko ay kahapon pa at nakalimutan lamang niyang ihilamos.

"Girlie, itong si Jovie medyo scary talaga no?" Bulong ni Dianne sakin. Tipid lamang akong ngumiti kay Dianne at tumango. Medyo weird nga ang isang to.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon