Note: Eos- goddess of dawn
Selene
"Ravene!" Sigaw ko sa lumilipad na si Rave.
Agad namang nag-shift sa kanyang wolf form si Hector upang habulin ito. Tatakbo na sana ako upang sundan sila nang pigilan ako ni Zarina.
"Zarina, kailangan nating sundan si Ravene. She's in danger!" Pagmamakaawa ko sakanya.
"Selene, it will be dangerous for us to go alone." Paliwanag niya. Napakunot ang aking noo. We need to help her! She's our niece, for goodness' sake!
"But you don't understand! She's in a lot more danger!" Muli kong sumamo. Malungkot lamang ang ngiting isinukli nito sa akin bago siya marahang tumango.
"I know, Selene. Ravene is being possessed by an Avian goddess, Amara. Alam ko dahil ilang beses na silang nagpabalik-balik sa lugar na ito, sa aming mundo." Marahang paliwanag niya.
Lalo akong naguluhan sa kanyang mga sinabi. Anong pabalik-balik rito?
"Alam ni Ravene ang daan patungo rito? At bakit niya kailangang pumunta rito?" Naguguluhang tanong ko sakanya.
"Not Ravene, Amara. Nagpupunta siya rito gamit ang katawan ni Ravene. Kasama ang mga itim na lobo." Paliwanag niya.
Lalong nangunot ang aking noo. But why would she do that?
Tila nabasa nito ang katanungan sa aking utak nang sagutin niya ang aking katanungan.
"Amara is siding with the black wolves. At gusto nilang pumanig rin ako sakanila. You see, matagal nang kinikimkim ni Amara ang kanyang galit sa mga puting lobo, lalo na sa iyo. Umibig siya ng isang taong-lobo, ngunit may kabiyak na ito and she's blaming you. Sa kasamaang palad ay ginamit ng taong-lobong iyon ang oportunidad upang gamitin si Amara laban sa mga itim na lobo." Mahaba nitong paliwanag.
"But Amara alone is not powerful enough to support the black wolves dahil isa na lamang siyang kaluluwa! At isa pa, bago pa man ako mawala ay malakas na sila! That was before Amara died!" Naguguluhan kong sabi.
If my calculations are correct, the war broke out a few years after I disappeared. May kakaibang lakas na ang hukbo ng mga itim na lobo noon. Amara died after the war. Ang nakapagtataka dito ay kung paano nila nagawang talunin ang dalawang avian humanoid? The two is far more stronger than any of them, goddess silang pareho.
"It's because Eos, our sister is helping them. Hawak niya ang kaluluwa ni Amara." Malungkot nitong sabi
"What?!" Bulalas ko. "Why would our sister meddle with the creatures of the land? Isa itong paglabag sa kanyang katungkulan! It's not her duty to guide the werewolves!"
"Iyon na nga ang problema, Selene. Hindi niya matanggap na ang moon goddess ang piniling tagapag-gabay para sa mga taong-lobo." Wika nito.
Napa-upo ako sa panghihina ng aking mga tuhod. This war is already twisted from the beginning. Masyado nang malalim at delikado.
"We need to help them, Zarina." Nanghihina kong pakiusap sakanya. Tumango ito sa akin.
"Yes, but first you have to go back and fulfill your rightful duties." Sambit niya. Nakaramdam ako ng lungkot. Kung sana ay ganoon lamang iyon kadali. I no longer deserve to be the moon goddess. Isinumpa nila akong manatili kasama ang mga tagalupa habang buhay. Hindi hindi na ako maaaring bumalik roon.
"I can't, Zarina. Hindi na ako maaaring maging ang moon goddess nila. Isinumpa nila ako, at hindi na ako maaaring bumalik roon" naluluha kong paliwanag saka muling tumitig sakaniya. Zarina... si Zarina ang kasagutan!
"But you Zarina, you can be the moon goddess! Tayong dalawa ay parang salamin ng bawat isa! Please help me fix this mess, Zarina. Please..." pagmamakaawa ko sakanya. Ngumiti ito sa akin at tumango.
"Ngunit bago ang lahat, let's gather an army." Pahayag nito saka tumayo at saka inalalayan ako patayo.
"What army?" Tanong ko sakanya
"Army of elemental creatures." Mahina niyang sabi, bago pinitik ang kamay sa ere.
Sa isang iglap ay napunta kami sa loob ng isang kaharian. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng mga kakaibang nilalang. May mga satyr, centaur, higante, dwende at iba pa.
"Paumanhin sa biglaang pagpupulong na aking ipinatawag." Malakas at ma-awtoridad na sabi ni Zarina, yumuko naman ang mga ito sa kanya. "Ito ay dahil nararamdaman kong ito na ang takdang panahon ng ating paglaya mula sa panggu-gulo sa atin ng mga itim na lobo. Kailangan ko ang inyon tulong!" Sambit niya sa mga ito.
"Malugod namin kayong tutulungan, mahal naming tagapangalaga!"sabay sabay nilang sigaw bago nagpunta sa isang silid upang maghanda.
---------------------------Dianne
Nang umalis si Ravene ay saglit kaming tumigil sa paglalakad pabalik sa aming sasakyan. Ang lahat ay tinatantya kung susunda ba siya o hindi. Pagkaalis nito ay ang saktong pagdating naman ni Hector. Siya lamang ang nagpasyang sumunod kay Ravene kaya nagpatuloy kami sa paglalakbay.
Tatlong araw na ang nakakaraan simula ng umalis kami sa lugar na iyon upang bumalik sa pack. Ngayon ay malapit na kami sa border nito.
Hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng pagsisi sa mga salitang nabitawan ko kay Ravene. I admit I was too quick to judge. Labis akong nasaktan sa mga rebelasyong nalaman ko kung kaya't hindi ko na naisip ang mga salitang nabitawan ko, and I believe everyone here feels the same.
Ravene is like a sister to me. And it hurts me to know na may mga bagay siyang hindi ipinagkakatiwalang sabihin sa akin. But then again, who was I to judge? Kung sana ay sinundan ko siya ng araw na iyon. Kung sana ay hindi ako nagalit sakanya. Kung sana ay hindi ako nagpauna sa takot na nararamdaman ko nang makita kong si Amara ang kumokontrol sa katawan niya.
Si Giovanni naman ay ilang araw na ring tahimik. Ni hindi nito magawang kumain. Alam kong nasasaktan din siya sa nangyari. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na iniibig niya si Zarina o si Selene, ano man ang kanyang pangalan. Naging mabuting kaibigan rin naman siya sa amin. Sana nga lang ay sapat na iyon upang makalimutan nito ang lahat ng sakit na pinagdaanan namin ng mawala siya.
Nang masilayan na namin ang border ng pack namin ay gayon na lamang ang aming pagkagulat nang makitang sira na ang metal na bakod na nagsisilbing proteksyon nito mula sa mga tagalabas.
"SHIT!" Rinig kong sigaw ni Giovanni saka ito nagshift sakanyang wolf form. Ganon din ang ginawala ng iba. Ako lamang ang avian na naririto dahil nagpaiwan si Mikiel upang bumalik kay Selene. I saw Blaze carried Jovie bago ito tumakbo papasok sa loob ng aming pack.
Agad akong nagshift sa aking avian form at saka lumipad sa partikular na bahagi ng aming pack.
Parang nanlambot ang aking mga tuhod nang makapasok ko sa loob ng kanyang silid. He's not here! Chester is not here, oh my god!
Tumakbo ako palabas, saka lumipad papunta sa bahay ni Giovanni. Karamihan ng bahay na nadaanan ko ay puro abo na lamang. We were attacked!
Malakas akong napasinghap nang makita ko ang isang bulto ng tao sa pintuan ng bahay ni Gio.
He's awake!
"Chester!"
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020