Kitang kita ko kunng paanong ganun na lamang kung ibinalibag ni Ravene ang mga lobong sumusubok kalmahin siya. Pati si Dianne ay inaatake niya na tila ba hindi niya ito nakikilala. Saglit na sandali lamang ay agad siyang nakapunta sa lugar na kinaroroonan ni Mikiel. Ibinalibag niya ito patungo sa glass wall na naghihiwalay sa field at sa laboratory. Tumama ang likuran pati na rin ang ulo ni Mikiel sa wall kaya naman ay hindi ito agad nakatayo.
Ilang saglit lang ay sakal sakal na ni Ravene si Dianne habang ito ay nakahiga sa field. Sinusubukang pigilan ni Dianne si Ravene habang sinisigaw niya ang pangalang "Flor!", ang second name nito. "Flor, si Dianne ito". Nangingilid ang luha nyang sabi. Maging ako ay hindi makatingin sa kanila dahil sa nangyayari. Tila ba tumigil ang mundo sa loob ng field. Nakita kong maging ang ibang reapers na nasa loob ay nalulungkot na nakasilay sa dalawa. Kitang kita ko ang pagbabago sa mga mata ni Ravene. It's as if she remembers Dianne. Papalit-palit ang kulay ng kanyang mga mata mula sa itim pabalik sa ginto pabalik muli sa itim. Unti-unting lumuluwag na ang hawak nito sa leeg ni Dianne ng biglang may tumama sa likuran niya. Isang pana.
Lahat kami ay napalingon sa pinangga-galingan nito. Mula sa pintuan ng field ay nakatayo si Maia hawak ang bow ng panang tumama sa likuran ni Ravene na ngayon ay wala nang malay.
"Bullseye." Bulong nito.
Nang makabawi ng kaunting lakas si Dianne ay naghi-histerikal nitong sinugod si Maia. "What the fuck did you do to her?!" Sigaw nito kay Maia. Natatawang tiningnan nito ang babae.
"Is that how you say thank you?" Sarcastic nitong pahayag. Naiinis syang tinalikuran ni Dianne saka ito bumalik sa kinalalagyan ni Ravene. Agad din naman akong tumakbo patungo kay Ravene. Wala pa rin itong malay ngunit normal naman ang kanyang paghinga.
"Pinatulog ko lamang siya. Ayokong magantay na malagutan ka ng hininga bago pa man ako umaksyon, Dianne." Paliwanag ni Liliana. Tumango lamang si Dianne sa kanya.
"Take her inside the laboratory. Pati na rin ang ibang nasaktan." Utos ni Maia sa mga reapers na nakapalibot sa amin.
"No one is taking her inside the laboratory." Utos ng isa pang boses sa aming likuran. Ang alpha.
"Bring her to my house. Pati na rin kayong dalawa at ang kapatid mong si Mikiel." utos nito habang nakaturo kay Dianne at Maia. "At ikaw." Dagdag nito habang mariing nakatitig sa akin.
Gamit ang ambulansya ay dinala si Mikiel at Ravene sa bahay kung saan nakatira si Giovanni, ngunit kaming tatlo ni Dianne at Maia ay lumulan sa kanyang sasakyan patungo roon. Sa harapan ay nakaupo si Maia at si Giovanni kaming dalawa naman ni Dianne ay nasa likod nila.
"Ok ka lang ba?" Tanong ni Diane sa akin.
"Ok lang naman ako. Ako nga dapat ang nagtatanong niyan sayo." Matipid kong sagot sakanya na sinuklian lamang niya ng isang ngiti.
"Anong gamot ang laman ng panang tumama kay Flor?" Tanong ni Giovanni kay Maia.
"Pampatulog. The strongest that we have." nakangising sagot ni Maia kay Giovanni.
"What?!" Naghi-histerikal na namang reaksyon ni Dianne sa aking tabi.
"What do you expect, Dianne? Gaano ba kalakas si Rave? That's the proper dosage she should have. You guys are so damn protective." Naiinis na paliwanag ni Maia rito.
Umiling lamang ang lalaki sakanya. "Because she's our friend." Katwiran ni Giovanni.
"Ok. Friend." Nakakalokong sabi ni Maia.
"Malisyosa ka talaga!" Sigaw ni Diane mula sa aming puwesto. Nagtawanan lamang ang tatlo nang biglang isinigaw ni Diane na
"Baka may magselos dito sa likod." Dagdag pa nito bago ako kinindatan at bumulong ng "Gotchu fam!"
Mas lalong bumulanghit ng tawa si Maia habang umiiling lamang na nakangiti si Giovanni. I just facepalmed. Nakakahiya talaga itong si Diane. Gusto kong maiyak. Mas nakakaiyak ang pagkakakahiya ko ngayon kaysa sa senaryong naganap sa field. Isusumbong ko siya kay Ravene. Noted na yan.
Nasa malayo pa lamang ay kitang kita na ang karangyaan ng bahay na tinitirhan ng Alpha ng Silvermoon. It's a five storey mansion na napalilibutan ng nagga-gandanhang mga halaman at puno. A nurse once told me that Diane, Maia and Ravene used to live here with Giovanni. Ngunit nang mapagpasyahan ni Diane at Ravene na sumailalim sa eksperimento upang maging half avian ay hindi na kailanman bumalik rito si Ravene. Pagkababa namin sa sasakyan ay agad kaming iminuwestra sa kanya-kanya naming silid.
Mabilis kong inayos ang aking mga gamit bago ako lumabas sa aking kwarto. Balak ko sanang puntahan si Ravene sa kanyang silid para narin macheck ko ang kalagayan niya. Sa totoo lamang ay nakakaramdam ako ng pagka-guilty dahil partly ay kasalanan ko kung bakit nagwala si Ravene. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganoon na lamang kung magalala siya sa akin. Hindi naman ako tanga para isiping basta nagalit lang siya dahil napahamak ako. Alam kong there is more to that. At kailangan kong malaman iyon.
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay saktong may nakasalubong akong isang babae na marahil ay nakatira rito.
"Uh... excuse me miss." Agaw ko ng pansin dito. Lumingon ito sa akin at ngumiti.
"Itatanong ko lang sana kung saang kwarto si Ravene?" Tanong ko sakanya.
"Nasa ikatlong palapag ang kanyang silid. Katabi ng sa alpha. katabi rin nito ang silid ni Miss Mikiel" Sagot nito bago yumuko at saka umalis.
Agad naman akong umakyat dahil ang aming silid nila Dianne at Liliana. Hindi ko alam kung saang banda sa palapag na ito ang eksaktong lugar na kinalalagyan ng silid ni Ravene kung kaya ang unang pintuang aking nakita ay agad ko binuksan. Dito ay bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Mikiel. May nakakabit na oxygen at swero sa kanya. Siguro ay talagang nanghina siya sa naganap kanina. Agad akong lumabas bago ko pa man siya maistorbo.
Pagbukas ko ng pangalawang pintuan mula sa silid ni Mikiel, ay tunog ng maingay na machines ang aking narinig. Doon ay nakita ko si Ravene na nakahiga at wala paring malay. Sa gilid ng kanyang kama ay isang bulto ng lalaki ang aking nakita. Agad itong napalingon sa aking gawi ng tuluyang akong makapasok.
"A-alpha." Bulong ko.
"Sino ka ba talaga?" Tanong nitong bigla sa akin. Kumunot ang aking mga noo sa kanyang katanungan.
"S-sorry pero hindi ko masasagot ang tanong mo. Alam mong wala akong maalala." Diretso kong sagot sakanya.
Maya-maya pa ay tumayo ito sa kanyang kinauupuan at naglakad patungo sa aking direksyon. Unti-unti niyang inuubos ang espasyo mula sa pagitan naming dalawa. Ako naman ay umaatras sa tuwing siya ay humahakbang papalapit sa akin. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay inilagay nya ang kanyang mga braso sa aking gilid. "Ano ba ang koneksyon ninyong dalawa ni Ravene?" Nakakunot ang kanyang mga noo at seryoso ang kanyang mga mukha habang nagtatanong sa akin. "Iyan rin ang mga katanungan sa isip ko." Sagot ko sakanya saka ako tumitig sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Para bang ako ay kinakabahan sa tuwing ako ay tumititig sa kanyang mga mata. "I feel strange whenever you're around." Mahinang sambit nito sa akin. "Hindi ko mawari kung ano iyon. Pero ngayon sigurado na ako."muli ay bulong niya.
"You are dangerous."
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020