XII

14K 445 12
                                    

Zarina

"So you're an oracle." Nakataas ang kilay na saad ni Dianne.

Mabuti na lamang ay agad na bumalik rin sina Rave at Mikiel dito sa bahay ng "BUTIHIN" nilang alpha. Kung hindi siguro ay pinalayas na ko nito at malamang sa malamang ay nalapa na ko ng mga itim na lobo. I frowned at that thought. Funny right?! I survived whatever happened to me months ago just to be killed by this accussing bastard of an alpha.

"Do you even have a tounge? Hindi ka ba marunong magsalita?" Pangungulit ni Dianne sa babaeng kaharap niya.

Ayon kay Ravene, ito raw ay isang orakulo. Makakatulong raw ito sa paghahanap ng lutas sa kung ano mang kaguluhan ang nagaganap sa mundo ng mga taong-lobo.

Maya-maya pa ay narinig kong bumulong sa akin si Dianne.

"Pipi ata 'to girl. Akala ko ba di na uso ang emo ngayon? Naka-all black pa siya ha?" Nangaasar na bulong niya. Halata namang pinariringgan niya ang babaeng kanina pa tahimik lang na nakaupo sa aming harap.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang silid na sa tingin ko ang conference room ng kanilang pack.

"Ang sabi ni Aireen, jejemon na raw ang usong fashion statement ng mga tao ngayon." Pabulong kong sagot kay Dianne. Si Aireen ay isang nurse sa laboratory na napalapit na sa akin. Madalas itong makihalubilo sa mga tao dahil narin sa kanyang propesyon.

"Jejemon? Iyon ba yung may makulay na sumbrero?" Curious naman na tanong nito pabalik sakin. Tumango lamang ako saka kami sabay na bumulanghit ng tawa.

"Hay. Nakatakas nga ako sa school works at mga bullies sa mundo ng mga tao, peri may mga bullies rin pala rito." Natahimik kami ni Dianne nang marinig namin ang mahinang reklamo ng babae sa aming harapan.

"Nagsasalita ka naman pala. Akala namin pipi at bingi ka. At saka excuse me, di ka namin binu-bully. I'm Dianne. And this is Zarina." Pagpapakilala ni Dianne.

"Jovie." Maikling sagot naman ng babae saka nakipagkamay sa amin.

Maya-maya pa ay narinig namin ang pagbukas ng pinto. Mula ron ay pumasok si Ravene kasama si Maia at Mikiel. Ilang sandali pa ay sumunod naman ang kanilang alpha.

Agad na umupo naman sa aking tabi si Ravene.

"Kamusta? I heard what happened. I'm sorry for being dragged into my problems." Paghihingi ng paumanhin nito sa akin.

"Ok lang iyon. Hindi mo naman kasalanan kung balahura yung ugali ng alpha niyo." Nakangiti kong sagot rito. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

Isa sa mga pagbabagong nangyari mula sa 24 hours na pagbabalik nila Ravene ay ang madalas nitong pag-ngiti. Siguro ay nakagaan sakanya ang paglalakbay nila.

"So, Jovie. You are an oracle? How old are you?" Panimulang tanong ni Giovanni kay Jovie.

"Yes. I'm 17." Maikling sagot nito.

"How is she going to help us?" Tanong ni Giovanni kay Ravene.

"Tutulong siyang hanapin ang bagong moon goddess." Sagot nito kay Giovanni.

Bago? Moon goddess? My head throbbed at her words. Why do they need a new moon goddess? Alam kong naeawala ang kanilang moon goddess ngunit bakit kailangan ng panibago?

"Bago? Are you out of your mind Rave? Tuluyan na atang naloka yang utak mo!" Natatawang sabi ni Dianne rito.

"How sure are you with that plan? Is that really the solution? Do we even have the right to interfere with those on the above?" Tanong ni Giovanni rito.

"As much as I don't want to reveal my real identity, my mother Shiene is a demigod. She's the daughter of Theia from a werewolf. I just had a talk with Theia. Ang sabi nito ay kailangan nating mahanap ang tatayong bagong moon goddess." Pagsasagot nito sa kanila.

"Mikiel?" Nakataas ang kilay ni Maia na tanong kay Mikiel na kanina pa tahimik. Tila ba nagaantay ng kompirmasyon.

"It's true! Kahit ako hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari." Sagot naman ni Mikiel rito.

"Really?" Giovanni said flatly. Tila hindi man lang natutuwa o nagugulat.

"Yes. At wag mo akong dramahan Giovanni. I don't have to tell everyone of you about this. This is a personal thing. I never wished anyone of you to know this. Kung hindi lamang sa impormasyong nakuha ko ay wala kayong malalaman tungkol rito." Ravene said coldly.

"S-si Chester Ravene. That means he's also a-" pabulong na sabi ni Dianne na sya namang pinutol ng pagsagot ni Ravene.

"Yes. He is." Sagot nito.

"So. Let's get back to where this conversation should be." Panimulang muli ni Ravene.

"Wait. Does she really need to hear about this?" Tanong muli ni Giovanni habang seryosong nakatingin sa akin.

I get that he still doesn't trust me. But it still insults me everytime he does that. Parang may parte sa puso ko ang nasasaktan tuwing kinu-kwestiyon niya ang presensya ko sa mga importanteng meeting tulad nito.

Kung ako lamang ang masusunod ay hindi ako pupunta rito. But I don't have a choice. Kanina ay sinabihan ako ni Ravene na dumalo rito.

"She is very much needed here." Biglang sagot ni Jovie na siyang nakapagpalingon sa aming lahat.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon