VI

16.8K 438 9
                                    

Kumurap ako ng ilang beses bago ko tuluyang sinalubong ang kanyang mga tingin. His dark brown eyes grew darker as seconds pass by. Iba ang intensidad na ipinararating nito. Para mayroon itong pinipilit itago.

"Wala akong kinalaman sa mga nangyayari. I just told her na sinundan ko si Mikiel" sagot ko sakanya. Unti-unti ay ibinaba nya ang kanyang mga brasong kanina ay nagkukulong sa akin mula sa kanya. Tinalikuran niya ako saka bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"Just... Just don't do something stupid again." mahina nitong sabi.

"A-are you and Ravene....mates?" walang pakundangan kong tanong. Tutal ay kanina pa naman ako hinihiya ni Diane sakanya ay lulubusin ko na rin ang kakapalan ng mukha ko. Marahas siyang napalingon sa akin dahil sa aking mga katanungan tila ba ay nagulat siya sa mga tanong na ibinato ko sakanya.

"I wish I was." Malungkot nitong sabi.

"If she's my mate, I won't let her become an Avian."

"You're in love with her." Siguradong pahayag ko. Hindi ko na kailangan pang kumpirmahin pa, sa tono pa lamang ng kanyang pananalita ay alam sigurado na akong may lihim itong pagtingin sa babae.

"I'm not." Agad naman nitong pagtanggi. "She's like a sister to me. She's my bestfriend... She's... just special. Yun lamang iyon. I'm not in love with her." Mahaba pa nitong lintanya. I felt a sudden pain inside my heart. Hindi ko ito mai-explain ngunit alam kong ito ay dahil sa kanyang mga sinabi. Gayon pa man ay pinilit kong ngumiti sakanyang harapan.

"Kahit ang sarili mo ay hindi mo makumbinsi." Nakangiti kong pahayag sakanya.

"Shut your mouth woman. Hindi ko nagugustuhan ang mga pinagsasabi mo." Inis nitong sabi sakin. Authority is evident in his tone. Maya maya pa ay tumayo na ito ula sa kanyang kinauupuan at saka ako iniwang mag-isa kasama ang mahimbing na natutulog na si Ravene.

"Ang swerte mo." Mahina kong sambit sa natutulog na dalaga.

Makalipas ang nangyari sa silid ni Ravene ay napagpasyahan kong maglakad lakad muna sa malawak na bakuran ng bahay ng Alpha. Mayroon itong malawak na hardin sa gilid na napalilibutan ng nag-gagandahang ibat-ibang namummungang halaman. Sa gitna nito ay isang malaking duyan na nakasabit sa dalawang puno sa gilid nito. Napagpasiyahan kong pumunta rito ng mapansin ko ang isang bulto ng tao mula sa itaas ng isa sa mga puno. Sa kaba ay napapulot ako ng isang maliit na bato saka ito ibinato sa taong nasa itaas ng puno.

"ARAY!" sigaw nito saka lumingon sa akin. Oops. Wrong move na naman Zarina. Ano ba?! Napaatras ako ng biglang tumalon ang lalaki mula sa puno. Nakatalikod ito ng ito'y makababa at gayon na lamang ang gulat ko nang ito ay humarap sa akin.

"Hector?!" nae-eskandalo kong sigaw. Agad naman nitong tinakpan ang aking mga bibig at saka ako dinala sa madilim na parte ng hardin.

"Alpha." Narinig kong bulong ng isa mula sa aking likod. Agad naman akong napalingon at napanganga nang makita ko ang isa pang lalaki. Pula ang mga buhok nito kapareho ng kulay ng kanyang mga mata hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha ngunit sigurado akong isang gwapong nilalang ang nasa aking harapan ngayon.

"Alpha? Isa kang Alpha?" baling ko kay Hector. Tumango lamang ito saka lumingon lingon sa paligid.

"Anong balita, Pierce?" tanong nito sa lalaking kulay pula ang buhok. "Still sleeping." Sagot naman ng lalaki sakanya.

"Teka, teka. Bakit ba tayo nagtatago?" nagtatakang tanong ko sa dalawa.

"Miss, Silvermoon Pack ang pinasok namin. Hindi ito basta-basta nagpapapasok ng kung sino lamang. Kahit pa ng mga puting lobo." Seryosong sagot ng lalaking nagngangalang Pierce.

"Ikaw." Mahinang bulong ni Hector.

"Kamusta ka?" dagdag pa nito.

"Ok lang ako. Si Ravene at Mikiel lamang ang nasaktan mula sa nangyari kanina. Teka... Alam niyo ang nangyari kanina? kilala niyo sila??" Nagtatakang tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan lamang ang dalawa.

"Hanggang kailan kayo mananatili rito?" tanong ni Hector habang maya't mayang lumilingon sa paligid, nagmamasid kung may taong paparating.

"Ang alam ko ay dito muna kami mananatili hanggat hindi pa naaayos ang kalagayan ni Mikiel at Ravene." Sagot ko rito.

"Mukhang mahihirapan tayo Alpha." Bulong ni Pierce na kasalukuyang nagbabantay rin sa paligid.

"Anong balita kay Hyan?" tanong ni Hector kay Pierce. "Nakapasok na raw siya sa isa sa mga silid." Sagot naman ni Pierce rito.

Nakakapagduda ang kanilang pinaguusapan pakiramdam ko ay mayroon silang ginagawang hindi kanais-nais kaya naman ay agad kong hinarap si Hector.

"Anong pakay ninyo rito?" tanong ko sa lalaki.

"Easy lang. May chine-check lamang kami." Sagot nito sa akin saka nito ginulo ang aking buhok.

"Tss. Epal" mahina kong bulong. Humalakhak lamanv ang lalaki. Maya maya pa ay isang lalaking kulay asul ang buhok ang humahangos ng takbo papunta sa amin.

"Nagising siya." Mahina nitong pagsigaw ng makarating ito sa kinaroroonan namin.

"Si Hyan, Blaze?" Inis na tanong ni Hector rito.

"Paalis na. Siya ang nakagising eh." humahangos nyang sabi. Agad namang tumalikod ang tatlong lalaki saka ito tumakbo papaalis. "Bye!" Sigaw pa ni Hector bago sila tuluyang mawala sa aking paningin. Ano ba talagang sinadya nila rito?

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon