XXVII- War of Good and Evil

13.2K 324 7
                                    

Selene

I froze for a second. I tried to contemplate everything that is happening right now. Everyone is fiercely fighting for what they believe.

Nagising ang ulirat ko nang may humampas na matigas na bagay sa aking ulo. Bahagya akong nahilo at nang makahuma ako ay lumingon ako sa gumawa nito sa akin.

"Aw, nasaktan ka ba?" Nanunuyang sabi ni Amara sa akin as she smiled wickedly at me.

I breathed in. Hindi ko siya pwedeng saktan. She's using Ravene's body.

"Stop playing with everyone's emotion. Tigilan mo ang katawan ni Ravene!" Sigaw ko rito.

Saglit akong napalingon nang makarinig ako ang malalakas na hiyaw sa paligid. I slightly panicked.

"Ohh.. Our little Selene is scared. Gusto mo bang isabay ko sa'yo si Zarina? That would be unfair though, tawagin rin natin si Eos." Tumatawang sabi nito saka nagpa-ikot ikot sa akin.

"Stop playing mind games with me, Amara. Malaking kasalanan ang pakikialam mo sa mga taga-lupa." Matigas kong sagot sa kanya.

She just chuckled. Maya maya ay hinawakan niya ang balikat ko saka pinisil ang pisngi ko. She intently looked at me ang buong mata niya ay kulay itim parin at punong puno ng galit kanyang ekspresyon.

"Who are you to order me?! Hindi ba't pinatalsik ka na ng mga nakatataas sa'yo?!" Galit nitong asik sa akin.

Nagpumiglas ako sa kanyang hawak. Nang mabitawan niya ako ay agad dumapo ang aking kamay sa kanyang mukha. I slapped her.

"That was... hard!" She dangerously laughed.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng malakas na suntok galing sakanya. I spit out the blood from my mouth. She walked closer and held my neck. Marahas niya akong sinakal saka ibinalibag palayo.

I repeatedly cursed at myself. Don't fight back, Selene. She's using Ravene's body.

Galit na lumapit itong muli sa akin.

"Why are you not fighting back?!" Sigaw nito sa akin saka ako binuhat muli upang ibalibag.

I coughed hard. Malakas ang impact ng lupa sa aking likuran.

"Oh! I forgot you cared about this body! How about I kill her too?" Nanunuya niyang tanong.

Hinugot niya ang isang dagger mula sa kanyang gilid saka ito itinutok sa kanyang leeg. I flinched. Don't you dare!

Agad akong tumayo upang agawin ang dagger mula sa kanya. Mabilis niya itong naiwas sa akin. Saglit kaming nag-agawan dito nang mapaigik ako nang tumama ito sa aking braso at tuluyan niya na itong nabawi mula sa akin.

"Oops! Sorry!" Tumatawa nitong sabi.

Matiim akong tumingin sakanya nang mapansin ko ang isang bulto sa kanyang likod, hindi ko ito makita ng maayos dahil nakasuot ito ng isang itim na cloak. Maya-maya ay ibinaba niya ang hood ng kanyang cloak at naglakad palapit sa amin.

"You and your petty games, Amara." Seryosong sabi ni Eos habang masamang nakatingin sa akin.

Naramdaman ko ang presensya mula sa aking likod at paglingon ko ay so Zarina ang aking nakita. Isang matinding ilaw ang pinalabas nito mula sakanyang palad na tumama sa gawi nila Amara.

Napaigik si Amara nang matamaan ang kanyang tagiliran.

"Don't!" Malakas na pagpigil ko kay Zarina ngunit hindi ako nito dininig. Bagkus ay inulit nito ang kanyang ginawa.

"Fight, Selene. Fight for everyone. Fight for Ravene." Mahina niyang sabi.

Saglit akong natulala. How can I fight for Ravene if the only way to do that is to defeat her?

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon