"Dianne." Sambit ko kay Dianne na ngayon ay nakatulala. Kanina lamang ay napaka-daldal nito. Ngunit bigla na lamang siyang natahimik ng tanungin ko sakanya ang tungkol sa pagiging magkabiyak ni Ryle at Maia.
"Sorry. Single kasi ako. Ayokong tinatanong ako tungkol sa lovelife. Nakakabastos." malumanay nyang sagot sa akin. Ramdam kong palusot lamang niya iyon upang hindi ko na siya tanungin pa tungkol sa mas malalim na dahilan.
Kung aking titignan, sa lahat ng mga nilalang na naririto sa Silvermoon pack, si Dianne ang sa tingin ko ay pinaka-mapagkakatiwalaan. She's too genuine to keep a scary secret. Salungat na salungat silang dalawa ni Ravene. But who am I to conclude such things? Ilang buwan pa lamang ako sa pack na ito. Alam kong marami pa akong hindi nalalaman.
"Naaapektuhan ba ng pagiging Avian niyo ni Rave ang abilidad niyo bilang taong lobo. Sa... alam mo na, lalo na sa paghahanap ng kabiyak niyo?" curious kong tanong kay Diane.
"Sa totoo lang ay isang malaking tulong ang pagiging Avian namin sa angkan ng mga puting lobo. Nagaantay lamang kami ng tamang oras at bumubuo kami ng hukbo upang salakayin ang mga itim na lobo. Hindi kailanman naging hadlang ang pagiging Avian namin sa pagiging lobo namin, ine-enhance lamang nito ang mga kakayahan namin. Normal na lobo parin naman kami, may damdamin. Kaya hindi ito makakaapekto sa lovelife namin." Nangingiti nitong sabi sa akin.
"Pero kung tungkol sa lovelife ni Rave ang next question mo, sa tingin ko wala na siyang pag-asa. " dagdag nito na siyang ikinatawa namin pareho.
"Sa tingin mo hindi na niya mahahanap ang mate niya?" Tanong ko sakanya.
"Sa tingin ko ay hindi malabong mahanap niya ang mate niya. Lahat tayo ay binigyan ng kanya-kanya nating better half. Tao ka man o anong klaseng nilalang. Exciting nga lang saming mga lobo dahil we have the ability to recognize them. At sa tingin ko, kahit anong klaseng pagtataboy mo sa tadhana ay magtatagpo at magtatagpo parin kayong dalawa. Both of you are destined for a reason. Hindi maaaring tinadhana ngunit hindi kayo pagtatagpuin. Anong sense non?" Sagot nito sa akin.
"Ang haba ng sinabi mo Diane, huminga ka naman." Pabiro kong sabi sakanya. Tumawa lamang ito sa aking mga sinabi ngunit maya-maya ay bumuntong-hinga.
"Nawawala si Ravene at Mikiel." bungad sa amin ng boses ng isang lalaki mula sa aming likod. Agad naman kaming napalingon. Nakatayo sa aming harapan ngayon ay si Giovanni na seryosong seryoso.
"Ha?!" Sigaw ni Diane rito. "Ngunit paano?" Dagdag pa nito.
"Dalawa lamang ang posibleng sagot Diane. It's either they're kidnapped, o kusa silang umalis. The reapers are still checking the whole pack. We are still gathering our CCTV footages." Sagot nito.
Maya-maya ay lumingon ito sa akin. "Do you happen to know anything about this?" Tanong niya sa akin.
Bago pa man ako sumagot ay pinutol na ito agad ni Diane at sumigaw ng "Judgemental ka! Bat naman nya gagawin yun kay Flor? Malaki ang utang na loob niya rito." Naiiinis na sigaw nito.
"kung totoo ngang wala kang alam, then come with me. Hanapin natin siya." Naiinis nitong sabi.
Diane's POV
Nakaka-sampung irap na ko kay Giovanni pero parang hindi niya napapansin na naiinis ako sakanya! Totoo ba talagang naghihinala siya kay Zarina o palusot lang niya yan?
"Nakakairita na ah! Sino namang magtatangkang kidnappin ang bruhang iyon? Eh kahit nga ata buong lahi ng itim na lobo, hindi gugustuhing kunin siya. Hindi naman sa nanlalait ako ha? Pero baka palayain din nila siya agad dahil sa ugali niya. Don't get me wrong friendship parin ang tingin ko sakanya. Honest lang ako." Singit ko sa malagkit-este intense na titigan ng dalawa.
"Alam mo Diane? Tama ka." Sagot naman ng bruhang si Zarina. At ang gaga, hindi man lang ako nilingon.
"Tama sa alin? Sa pag-uugali ni Ravene?! Hoy kaibigan ko parin yun! Batukan kita jan!"sigaw ko sakanya.
"Tama ka. Nakakairita na. Napaka-judgemental nitong alpha niyo. Oo nga naman ano?! May mapapala kasi ako kay Ravene! Kaya ibubulsa ko siya!" Sarcastic nitong sabi sabay ng sobrang lakas na pagtawa niya rin ng sarcastic.
"Ewan ko sainyong dalawa! Magusap kayo! Mind you ha?! Hindi lang si Ravene ang nawawala! Pati si Mikiel! Nakaka-engeng kayo e no?! Favoritism!" Balik kong sagot saka nag-walk out.
Nang makalayo ako ng tuluyan sa kanila ay saka ako nagisip ng plano kung papaano ako makakarating sa headquarters na naglalaman ng computers na kumo-kontrol sa aming CCTV footages. Kahapon bago umalis si Ravene kasama si Mikiel ay nagbilin itong burahin ko lahat ng bakas ng kanilang pagtakas.
Nang magkamalay si Mikiel ay nakapagusap sila ng masinsinan ni Ravene. Hindi ko alam ang kanilang napagusapan ngunit nagkasundo silang pareho na umalis.. Ang sabi nila ay may hahanapin silang isang tao na makakatulong sa amin sa paghahanap ng moon goddess. Hindi ako sumama dahil ako raw ang maglalayo ng atensyon ng pack mula sa pagkawala nilang dalawa. Ano? Porket kaibigan nila ako? Mga user talaga. Tsk.
Dahil madilim na at patulog na ang lahat ay naging madali lamang sa akin ang makapasok sa loob ng headquarters. Ang mga reapers na nagbabantay sa loob ay saktong nagko-conduct ng meeting sa isang Silid dalawang metro ang layo mula sa silid na kinalalagyan ng cctv footages kaya konti lamang ang bantay. Agad akong pumasok sa loob at saka ito binura ng mabilisan. "Chiken na chicken." Bulong ko bago ako tuluyang makatalon mula sa bintana.
Nang makaalis ay napagpasyahan kong bumalik sa laboratory. I need my energy source.
Pagkapasok ko sa kanyang silid ay ang matamis na amoy ng kanyang pabango ang bumungad sa akin. Maingay ang mga makinang nakakabit sa kanya.
"Mahal ko..."
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020