IV

20.7K 552 4
                                    

Paggising ko ay agad kong naramdaman ang hapdi ng mga sugat sa aking binti. Thank God I'm still alive. Tatayo sana ako mula sa pagkahiga nang maramdaman ko ang isang tao sa gilid ng aking kama. Agad siyang nagising pagkakagalaw ko. Antok nitong pinunasan ang kanyang mga mata saka diretsong tumingin sa akin.

"Ok na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ravene sa akin. Tumango lamang ako bilang pagsagot. Agad naman niyang pinulot ang telepono sa kanyang gilid.

"Hello. Oh? Ok na siya. Ok ok." tamad nitong sabi sa kanyang kausap.

"Si Gio ang nakakita sayo sa hardin kagabi. Malapit iyon sa lagusan anong ginagawa mo roon?" baling nito sa akin.

Bago pa man ako sumagot ay pumasok ang isang lalaki sa aking silid. The mighty alpha stood near my door as he looked at me with worry on his face.

"Mga itim na lobo ba ang nakasalubong mo?" Tanong nito habang nangungunot ang kanyang mga noo. Tumango lamang ako.

"But a guy named Hector saved me." sagot ko na mas lalong ikinaseryoso ng kanyang mukha.

"Hector?Do you happen to know anyone named Hector?" Baling nito kay Ravene.

Umiling naman ang dalaga. "Ok, I'll prepare a search to hunt that Hector down." Tumatango nitong sabi bago pa lumabas ng aking silid.

"Are you two mates?" Walang abog na tanong sa akin ni Ravene. Nakakunot pa ang mga noo nito.

"How do you know if someone is your mate?" Balik kong tanong.

"I don't know. Do you feel something weird towards him? Kinikilig ka ba sakanya ng walang dahilan?" Tanong niyang muli. Gusto ko sanang sabihing oo. Ngunit hindi naman ako sigurado sa mga nagaganap. Hindi ba't pag mate mo may connection? Bakit wala akong maramdaman?

"Gusto ko siya" yan. Yang ang safest statement na pwede kong ibigay sakanya. Tumango lamang si Ravene.

"Ok then. Gusto ka rin naman ata niya. It doesn't matter if you two are mates. Gusto ko rin siya para sayo." pahayag niya. Nakapagtataka hindi ba dapat ay gusto niya ako para kay Giovanni bakit parang baliktad. Baka naman ay dahil sa tingin niya ay responsibilidad niya ako dahil siya ang nagdala sa akin rito.

"Maia and Matthew are not mates right Ma... Maaari ko bang malaman kung pabor ka sa relasyon nilang dalawa?" bigla kong tanong. Agad namang nagtaka ang babae.

"I ah.. Malapit kayo sa isa't isa hindi ba? Sa mga naganap kasi kagabi..." nagaalangan kong pahayag.

"Hindi pabor sila Diane?" Tanong nito. Tumango ako bilang pagkumpirma sa kanyang tanong.

"Sabihin na lang nating I am not in favor of someone making my own destiny." pahayag nito na ikinagulo ng aking isipan. Isn't the idea of having a mate exciting? Yan ang tanong na naglalaro sa aking isipan.

"If you fall in love. Just fall in love. Wag kang magmahal dahil lang sa obligado kang mahalin siya." Dagdag pa nito. Tumango tango ako dahil unti-unti ko nang nakukuha ang kanyang point.

"Maia spent her whole life inside this laboratory. Maging kami ay hindi rin pwedeng lumabas ng biglaan na lamang. It's too dangerous outside. Walang kasiguraduhang mahahanap mo ang iyong mate. Kung buhay pa ba siya? O isa na rin siya sa mga wolves na napatay na. I understand her. Hindi madaling mag-settle down sa taong hindi ka sigurado. Pero ayaw rin naman niyang tumandang dalaga." Sabi nito habang siya ay nangingiti. Ibang iba siya ngayon mula doon sa unang Ravene na una kong nakita ko.

"So... how does it feel?" Pagbabago ko ng usapan. Lumingon naman ito sa akin na tila ba hindi niya naintindihan ang aking tanong.

"Feel what?" Tanong niya. "to have two monsters inside you." Dugtong ko. Unti-unting nawala ang ngiting kanina lamang ay totoong totoo. Napalitan ito ng isang sarcastic na ngiti.

"Actually..." panimula nito. Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan.

"I have three demons inside me."dugtong nito. Unti-unting naging kulay itim ang kulay ginto nitong mga mata. "Hulaan mo ang isa." Sabi pa nito na tuluyang nakapagpatayo ng aking mga balahibo. Pareho kaming napalingon sa pinto nang biglang may kumatok.

Iniluwa ng pinto si Diane na seryosong seryoso. "Sino si Hector?" Tanong nito sa akin. Umupo siya sa isang couch na katapat lamang ng aking higaan. "Siya ang nagligtas sa akin." Sagot ko. "Itim o puti?" Tanong nitong muli. "He's on his human form nung tinulungan niya ako. Hindi ko alam kung alin siya sa dalawa." Sagot ko sakanya. Sandaling natahimik ang babae na tila ba nagiisip. "Ano ba kasing ginagawa mo sa lagusan? Dun ka daw galing bago ka mahimatay sabi ni Gio." Nagtatakang tanong nito. Agad namang lumingon sa akin si Ravene. Pareho silang nagaantay ng aking sagot. Bigla ay naalala ko si Mikiel.

"Si... Mikiel" panimula ko. Sasabihin ko ba sakanila ang nangyari? Pero baka kung ano nang nangyari sakanya. "Nandito ba si Mikiel?" Tanong ko. Kumunot ang noo ni Diane sa aking tanong. "Anong meron kay Mikiel? Nasa quarters siya." Sagot nito. "S-sinundan ko kasi siya kagabi. Pumasok siya sa lagusan. Pipigilan ko sana siya pero nahuli ako." Pahayag ko. "Is she safe?" Dagdag ko pa. Maya-maya ay biglang kumalabog ang pinto. Nakalabas si Ravene ng hindi namin nararamdaman.

"Oh God. Beastmode na naman." Bulong ni Diane bago nito ihilamos sa kanyang mukha ang kanyang mga palad. "Tara! Sundan natin. Might as well makilala mo na rin siya ng tuluyan." Yaya nito sa akin.

Mabilis kaming tumakbo patungo sa field. Doon ay natagpuan namin si Ravene at si Mikiela. "Anong ginagawa mo sa lagusan Mikiela?" Nanginginig na tanong ni Ravene. Tila hirap na hirap itong huminga at pinipigilan nitong ang paglabas ng isang bagay mula sa kanyang likod. A lopesided smile flashed from Mikiela's face. Tila nangaasar pa ito.

"Oh. Suddenly you cared about me." Sarcastic nitong pahayag.

"Don't get on my nerves. Just answer my.fucking.question." Naiinis na sabi ni Ravene.

"May importante akong ginawa roon." Sagot nito bago nito tinalikuran si Ravene.

Walang hirap na hinigit ni Ravene ang babae saka ito idiniin sa pader.

"Wag mo kong tatalikuran. Anong ginagawa mo roon." Ravene said while gritting teeth.

"Hindi mo maiintindihan." Sagot ng babae.

"Eh di ipaintindi mo sa akin! Fuck! Napahamak si Zarina nang dahil sayo!" Sigaw nito kay Mikiela.

Gusto ko sanang pigilan ang nagaganap at sabihing ok lang naman ngunit nakakatakot ang kanilang mga itsura. Ngumiti lamang si Mikiela sa babae. A sarcastic smile.

"Hindi mo maiintindihan Ravene, dahil wala kang puso. Halimaw ka. Hindi mo kailanman maiintindihan ang dahilan kung bakit ako naroon. Get that? Kaya wala kang pakialam. At isa pa, sino bang sumunod sa akin bigla? Hindi ko sinabing tulungan niya ako. I don't need anyone's help." Pahayag nito. Maya-maya ay biglang nagsisigaw si Ravene. Mula sa kanyang likuran ay lumabas ang itim na pakpak. Katulad rin ito ng kanyang mga buhok, may bahid ng kulay lila. Ang kanyang gintuang mga mata ay unti-unting naging kasing itim ng kanyang mga buhok.

"Oh yes I'm a monster." Nahihirapan nitong sabi.

"And you will not like me when I'm mad" bulong nito bago ngumiti ng nakakatakot. Si Mikiela ay nag-shift na rin sa kanyang avian form. Nakita ko ang pangamba sa mukha ng dalaga. Maging si Diane at ang mga bantay ng field ay nagshift na rin sa kanilang wolf form. Ang isang reaper sa aking tabi ay agad na tumawag ng mg back up.

"Alpha. Nagising ang halimaw." Narinig kong sigaw ng isang reaper sa telepono. The whole lab is on alert right now. Ganun ba siya kalakas?

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon