Mikiel
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Ravene. Dalawang araw na ang nakaraan simula nang makarating ako sa pack ng mga itim na lobo. Jake introduced me as an ally of their race. Ito ang plano upang makausap ko si Ravene, because they locked her up. Sinadya ito ni Brutus at Amara upang hindi na makaalis pa si Ravene sa puder nila.
Maya-maya ay unti unting gumalaw ang kanyang mga daliri. Nang magmulat siya ay pinilit niyang gumalaw, ngunit hindi niya magawa. Parehong nakakulong ang kanyang mga kamay at paa sa metal na nakadugtong sa kanyang kama.
"Ravene." Pagtawag ko sa kanyang atensyon, nang mapatingin ito sa akin ay agad naman itong kumalma.
Maya-maya ay biglang kumunot ang kanyang noo at nalukot ang kanyang mukha habang taimtim na nakatingin sa kisame na para bang nakikipag-pambuno sa kanyang sariling utak. Marahil ay si Amara iyon.
"Is she trying to take over you again?" Marahan kong tanong. Umiling ito saka muling nagconcentrate muli. Ilang minuto lamang ay nagkulay lila at ginto na ang kanyang mga mata salungat sa itim na kulay nito kanina.
Lumingon ito sa akin at ngumiti nang tipid. Ravene looks very vulnerable right now. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo at alam kong nanghihina na rin siya. My heart throbbed at that sight.
"Just trying to shut her out of my mind for a while. Hindi niya maaaring marinig ang pagu-usapan natin ngayon, Mikiel. This will only last for a few minutes. Kailangan mong makaalis agad rito kasama ang mate mo. As for me, I will find my way out." Seryoso niyang sabi. Marahan akong tumango sakanya.
"And you will have to fight alongside with the black wolves, Ravene. Iyon ang natatanging paraan para maging ligtas ka. I'm sure they will understand" Pangungumbinsi ko sakanya. Alam kong wala kaming choice pareho. Amara will take over her body and that's for sure.
Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin. Iyon ang masakit na katotohanan and katotohanang kailangan niya kaming labanan.
"May kaunting hukbo ng mga itim na taong lobo na natipon si Jake. Nabalitaan kong sinalakay na nila ang pack natin. Dehado tayo sa bilang nila kaya kailangan natin ang tulong na maibibigay ni Jake. But I am still not sure kung tatanggapin ito ni Giovanni." Nagaalala kong pahayag sa kanya. Agad namang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Masakit na marami na naman ang nagbuwis ng buhay para sa ating lahi. But we have to be strong for them, Ravene." I wiped her tears. It hurts to see her at this state, but I should show her that I can be strong for us. Tumango siya saka pinigil ang sarili sa pagluha.
"Y-You should go." Nahihirapan niyang sabi. Bago ako tumayo ay hinagkan ko ang kanyang pisngi.
"Tell everyone, I'm sorry." Mahina niyang sabi bago tumulong muli ang kanyang luha.
Pagkalabas ko ng kanyang silid ay rinig na rinig ko ang malakas niyang pagsigaw. Tumakas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan mula sa aking mga mata. Kailangan na naming lumaban. Para sa mga taong nagsakripisyo at para sa ikabubuti ng lahat.
"Nakausap mo na siya? Why are you crying?" Tanong ng naga-alalang si Jake sa akin.
"Yes. Kailangan na nating umalis. Mamaya ay baka makontrol na siya muli ni Amara. Siguradong nagdududa na ito sa atin. Let's go." Mahina kong sabi.
Agad naman kaming lumabas mula sa gusali na tinitirhan ng mga itim na lobo. Sa tingin ko ay nasa tatlumpu ang dami ng mga itim na lobo ang sumama sa aming panig. Gaya namin ay kapayapaan ang kanilang gusto.
Madilim na ng makarating kami sa kaharian ng mga elemento upang makipagkita kay Selene at Zarina. Bago ko puntahan si Ravene sa kuta ng mga itim na lobo ay kinausap ko muna ang kambal. Bumuo rin sila ng kanilang hukbo. Marami kaming lalaban laban kila Brutus. Sana lamang ay maging sapat na ang aming lakas upang talunin sila.
---------
Selene"Bago kumagat ang dilim ay maglalakbay tayo patungo sa pack nila Giovanni. Kailangan muna natin silang makumbinsing lumabad kasama natin." Paliwanag ko kay Zarina, Mikiel at Jake ngayon ay kaharap ko.
Marahang tumango si Mikiel. Alam kong mahihirapan kaming kumbinsihin ang mga ito dahil hanggang ngayon ay galit parin sila sa amin. But this is not the time to argue. Kailangan naming magtulungan.
"My father is preparing to attack this place. Ang sabi nito ay kung hindi rin kayo papanig sakanya, ituturing na lamang niya kayong kalaban. Iyon din ang gustong mangyari ni Eos. They want both of you dead." Pahayag ni Jake.
I sighed at his statement.
"Everything that is happening here is all my fault. Because of my selfishness. Hindi ko na alam kung mapapatawad pa nila ako." Naluluha kong sabi.
"Selene, hindi ito ang tamang panahon para panghinaan ka ng loob. Kailangan mong maging matatag para maibalik sa dati ang lahat. Everything will be okay." Mahinang sambit ni Zarina sa akin saka ako niyakap.
Kinagabihan ay agad na naghanda ang lahat upang maglakbay patungo sa pack nila Giovanni. Ayon kay Jake ay ilang araw lamang ay sasalakay na ang mga itim na lobo sa lugar na pinangangalagaan ni Zarina. Iyon rin daw ang tamang panahon para sumugod kami. Nagmadali kaming lahat na lisanin ang lugar na iyon. Isa't kalahating araw lamang ang itinagal ng aming paglalakbay patungo kial Giovanni.
Mabilis na ang pagkabog ng aking puso. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sa magiging reaksyon ni Giovanni sa muli naming pagkikita. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng kanyang galit. Wala akong karapatang kuwestyunin iyon.
Halos manlumo kami sa aming nadatnan sa pack nila Giovanni. Ang mga bahay ay natupok ng apoy. Kaunti lamang ang naisalba rito. Nagmistulang ghost town ang kanilang lugar dahil wala ni isa kaming nakitang nilalang sa paligid.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Mikiel sa akin mula sa aking gilid. Mahina itong humihikbi sa aking braso. Masakit makitang ang lugar na dating buhay na buhay ay sirang sira na.
Dumiretso kami sa tahanan ni Giovanni, mabuti na lamang at buong buo pa ito. Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang kakaunting mga taong lobo na nakapalibot sa tahanang iyon.
"May mga paparating!!!" Rinig kong sigaw ng isa sa kanila. Ilang sandali lamang ay naglabasan ang lahat mula sa loob ng bahay na iyon. Ang ilan sakanila ay nagshift sa kanilang wolf form at naghanhandang umatake. Ngunit nang makita nila si Mikiel mula sa aking gilid ay kumalma sila ng kaunti.
"Anong kailangan niyo." Mahina at nagbabantang tanong ng isang lalaki mula sa mga ito. Maya maya ay lumabas na sila Gio, Dianne, Maia at Ryle mula sa bahay na iyon. Kasunod nila ay si Pierce at Hector.
Sa tingin ko ay nabigo si Hector na sundan si Ravene ng gabing iyon.
Lumapit naman sa tabi ng lalaking nagsalita kanina si Dianne. Si Giovanni naman ay palingon lingon sa paligid at bahagyang nagulat nang mapatingin sa akin.
"We wanted your help." Pahayag ni Mikiel.
"What are those black wolves doing here?! How dare you bring them here!" Galit na bulalas ni Maia.
Bumitaw sa akin si Mikiel saka nito hinarap ang kanyang kapatid.
"They wanted to help." Seryoso nitong sabi habang nakikipagsukatan ng tingin kay Maia.
"Pero mga itim na lobo sila! Mga kampon sila ni Brutus! How can you side them, Mikiel! Sila ang pumatay sa mga magulang natin!" Galit na lumuluhang sabi ni Maia rito.
Hindi nagpatinag si Mikiel sa mga luha ng kanyang kapatid. Bagkus ay taimtim siyang tumingin sa lahat.
"Ano naman ngayon kung itim na lobo sila? Ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat. Gaya natin ay gusto rin nila ng kapayapaan. Maia, this is not a battle between races. This is a battle between the good and evil." Taas noo niyang pahayag.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020