Diane's POV
Tahimik ang buong silid at tanging ang tunog lamang ng mga makinang nakakabit sa kanya ang aking naririnig.
"Chester, mahal ko. Kamusta ka?"tanong ko rito. Alam kong nagmumukha akong tanga kakakausap sa taong kailanman ay hindi ako kayang sagutin. Ngunit ano ba ang magagawa ko? Siya lamang ang nagiisang tao na maaari kong sabihan ng lahat ng nagaganap sa aking buhay bukod kay Ravene of course.
"Kailan ka ba gigising ha? Nakakapagod nang alagaan si Ravene ha!" Biro ko rito habang pinipilit ang sariling pigilin ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.
Chester, my one and only, my better half, my mate, is Ravene's older brother. Isa ako sa mapapalad na lobong agad nahanap ang kanilang kabiyak. He was the successor of Ravene's father. Siya sana ang magiging alpha ng kanilang pack kung hindi lamang ito sinugod ng mga itim na lobo. Ngunit naging isang magiting na reaper si Chester nang kami ay kinupkop ng Silvermoon pack.
Just when I thought everything went into a disaster in my life, I met him. Bata pa lamang ako ay lagi siyang nasa tabi ko upang alagaan ako. Bago ko pa man malamang siya ang kabiyak ko ay minahal ko na siya. Our love story wasn't like the others. Ours was an extraordinary love story. Parang isang milagro ang nangyari ng malaman kong siya ang mate ko. I knew he was the one before I confirmed it when I turned 18.
Sadly, 3 years after we knew we were meant for each other, Chester and I were attacked by this evil wolves. Walang awa nila kaming pinagtulungan. He protected me to his extent.
Kailanman ay hinding hindi ko mapapatawad ang mga lobong gumawa nito sa amin. That's why I'm doing my best to train. Iyon ay upang maipaghiganti ko ang nangyari kay Chester.
I never had the time to mourn for what happened to him. Sa halip ay ginugol ko sa pagpapalakas at pageensayo ang lahat ng aking oras. I visit here once every 1 month. Gaya nang dati ang ikinukwento ko sakanya ang lahat ng nangyayari sa akin sa loob ng isang buwan na iyon.
"You know, I'm still hoping for that day to come, right? I'm still hoping for you to come back..." sambit ko rito habang pinupunasan ang mga luhang tuluyan nang bumagsak mula sa aking mga mata.
"And Ravene's doing good too. Pero nagaaalala parin ako. She's up to something. Something she never told me about. Kaya please Chester, gumising ka na...." pagmamakaawa ko rito.
Maya-maya ay naramdaman kobang pagbukas ng pinto ng silid. Nilingon ko ito at doon ay nakita ko si Maia.
"Diane. You're here." Bulong nito na tila ba nagiingat na maistorbo si Chester.
"Actually, picture lang ako." pamimilosopo ko rito saka ito inirapan. Sa totoo lang ay badtrip parin ako sakanya. Nasa harapan na niya ang itinadhana para sakanya, ang magiging kabiyak nya. Pero anong ginawa niya? Ipinagtabuyan lamang niya ito.
"Diane. Wag mo akong umpisahan ngayon. Wag sa harapan ni kuya." Inis nitong sabi sa akin.
Lumapit ito kay Chester at isa-isang chineck ang machines na nakakabit rito. Pati na rin ang vitals ni Chester ay chineck nito.
"So far, he's ok. Stable naman ang lahat." Mahina nitong sabi. "I just hope that someday, ay magising na siya. Ngayon pa naman at nawawala sila Ravene at Mikiel" Dagdag niya. Batid kong nagaalala siya ng lubos.
"Alam mo Maia? Secret lang dapat to eh! Pero naisip ko, kapatid mo naman si Mikiel. May karapatan kang malaman. Ipangako mo lang na mananahimik ka. Kung hindi ay ako ang magpapatahimik sayo, with FORCE." pananakot ko rito.
Tumango naman ito. "Alin ang sikreto mo?"
"Hindi nawawala si Ravene at Mikiel. Umalis silang pareho. Nang magising si Mikiel ay nagusap silang dalawa. Ang sabi ni Ravene ay hahanapin raw nila ang Orakulo mula sa hilagang bahagi ng bansa." imporma ko rito.
"Ngunit delikado sa labas para gumala tayong mga puting lobo!" Pagpo-protesta nito.
"Hala? Teh nakaalis na sila. Wala ka na magagawa!" Pangiinis ko rito.
"Kaya manahimik ka na muna Maia. Kaya nila ang mga sarili nila. Para saan pa't naging Avian sila kung hindi nila maililigtas ang mga sarili nila? At isa pa ay may dala silang potion. Ang mga ito ay upang maikubli nila ang kanilang mga anyo. Magpapanggap silang normal na mga tao." Pagpapaliwanag ko sakanya.
"kung ito ay para sa ikabubuti ng pack." pagsangayon nito.
Sa totoo lamang ay kahit na inuunti unti na kami ng mga itim na lobo ay nananatili parin itong lihim sa mga tao. Nakapagtatakang hindi sila sonusugod ng mga itim na lobo ngunit isa itong magandang bagay. Hindi maaaring magkagulo ang buong mundo.
"Mahal, aalis na muna ako. Maia, ikaw na muna ang bahala sa kaniya." Pagpapaalam ko bago hinalikan ang noo ni Chester saka lumisan sa silid.
Nakaramdam ako ng kaunting panghihina at pagkahilo. Isa ito sa mga side effect ng pagiging half avian half wolf namin, hindi kami pupwedeng hindi magtransform sa loob ng dalawang linggo. Manghihina kami. Sa kaso naman ni Ravene ay tuwing bago sumasapit abg ikalawang linggo ay nagpapa-lock siya sa loob ng isang kulungan. Iyon ay para mapigilan niya ang sarili sa pananakit ng ibang nilalang.
Nang makarating ako sa loob ng field ay agad kong inilabas ang aking mga pakpak...
Oras na para magensayong muli.
Maia's POV
"Kuya Chester." Sambit ko sa lalaking nakahiga ngayon sa hospital bed ng laboratory.
"Natagpuan ko na siya. Ang kabiyak ko..." kwento ko rito.
"Pero hindi ko alam ang mga dapat kong gawin. Nandirito siya at ayaw niyang lumisan ng hindi ako kasama. Alam kong kaunti na lamang ay hindi ko na rin mapipigilan ang damdamin ko. Pero paano si Matthew?" Naluluha kong sabi sakanya.
"Kung sana ay naririto ka. Ikaw ang pinaka-matinong kausap rito sa pack." Natatawang sambit ko rito.
Alam kong hinding hindi ko mapipigilan ang koneksyong meron sa akin at kay Ryle. Kahit anong pagtataboy ko ay alam kong sakanya parin ako babalik.
"Kung sana ay noon ko pa siya nakilala." Bulong ko. Hindi sana ako naghihirap ngayon. Mahal ko rin naman si Matthew, alam ko iyon. Noon ay sigurado akong mahal ko siya. Ngayon ay hindi ko malaman kung anong klaseng pagmamahal iyon.
"Stresssed na stressed ka na siguro kuya? Puro problema ang mga sinasabi namintuwing bumibisita sayo. " biro ko kay kuya. "Gumising ka na kasi. Miss na miss ka na namin." Sabi ko rito.
Maya-maya ay tinawag ako ng isa sa mga guard ng laboratory gamit ang mind link. May nilalang na nagnanais akong makausap at nagpupumilit na makapasok sa laboratory.
Humalik ako sa pisngi ni kuya Chester saka nagpaalam sakaniya at bumaba mula sa silid nito.
Pagkababa ko ay ang matamis na amoy agad ang aking naamoy. Mate.
Nang makita ako nito ay agad akong hinablot nito papalayo sa laboratory."Magusap tayo."
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020