XVIII

13.2K 339 7
                                    

Zarina

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon! Ang buong mata ni Ravene ay nagkulay itim na para bang sinasapian siya. Magkaharap parin sila ni Hector, ang apat na kasama naman niya ay mukhang readyng umatake kung sakali mang magkagulo.

Nilapitan ni Giovanni si Ravene pumwesto ito sa likod niya na para bang nagaantay lamang siyang magwala ito.

"Shit! Kailan pa ang huling pag-shift ni Rave sa avian form niya?" Rinig kong tanong ni Dianne kay Mikiel.

Mukhang maging sila ay natatakot at nagpapanic na rin.

"Oh god! Nung nagkasagutan pa sila ni Mikiel! I don't think na makakabalik sila rito ng maayos kung nag-shift siya ng avian form niya nung umalis sila!" Sagot ni Maia saka ito dali-daling umalis.

I got confused. Ano bang shift shift ang tinatanong ni Dianne kay Maia?

"Dianne? What's going on? Bakit mo tinatanong kung kailan siya huling nag-shift?" Kunot noo kong tanong.

"An avian-humanoid should shift at least once every two weeks. Kung hindi ay pu-pwersahin nitong itake over ang katawan mo." Nangangamba niyang sabi.

I remember now. Ito iyong sinasabi sa akin ni Maia noon. Everytime Ravene shifts into her avian form, nagpapa-lock siya sa isang kwarto para hindi makasakit. I've seen her transform once, pero hindi ganyan ang kaniyang mga mata noon. Kung titignan mo ay mas nakakatakot ngayon. She's wearing a deadly smile and just by looking at her, pakiramdam ko ay kinakain na ako ng takot.

"We have to do something." Rinig kong bulong ni Mikiel. Anong pwede nilang gawin para pigilan siya?

Paano magigising si Ravene? I mean ang totoong Ravene? I can feel that Ravene is not the one who's in control of her body right now.

"Rave-" bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko ay pinutol niya ito.

"Amara." Walang emosyon niyang sabi.

Marahas akong napalingon kay Dianne upang humingi ng kasagutan. What's going on?! Umiling lamang sa akin si Dianne. Sa tingin ko ay hindi rin niya alam!

Pagkalingon ko pabalik kay Ravene ay nakita kong akmang lalapitan sana siya ni Hector ngunit ibinalibag siya ni Ravene palabas ng bintana!

Oh my god!

Maya-maya ay tumalon si Ravene palabas ng bintana patungo kay Hector. Hindi ko na namalayan kung gaano ako kabilid na nakalabas ng bahay ni Giovanni. Nakakagulat dahil pakiramdam ko ay segundo lamang ang itinigal noon! Halos kasabay kong nakalabas sila Dianne patungo sa kinaroroonan nila Ravene.

"Rave!" Sigaw ni Dianne kay Ravene na ngayon ay hawak hawak ang kwelyo ni Hector. Marahas na napalingon sa amin si Ravene. Ganoon pari  ang kaniyang mga mata, at ang kaniyang ngiti. Nakakatakot.

"Bakit ba nabiyayaan ang mabababang nilalang na tulad niyo ng kabiyak? No one deserves to be happy in this world!!!" Sigaw nito bago muling ibinalibag si Hector.

Hector just endured the pain that he's feeling. Hindi ito lumalaban kay Ravene.

Maya-maya ay tumatakbong dumating si Maia dala ang kaniyang palaso. Sa dulo ng arrow ay nakakabit ang isang syringe na may lamang kulay pulang likido.

"What is that again?!" Sigaw ni Dianne rito.

"Remedy, of course." Sagot nito bago niya binitawan ang dulo ng bow at tinamaan si Ravene sa may kanang braso.

Ilang sandali lamang ay nawalan ito ng malay. Agad namang tumakbo papunta rito si Maia at Dianne. At nang magising muli ang diwa ko ay tumakbo rin ako papunta rito. I really can't digest everything that's happenning here. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nasasanay.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon