XX

11.8K 374 12
                                    

Note:
A Dryad is a tree nymph, or tree spirit, in Greek mythology.

------------------

Zarina

"Anong klaseng nilalang 'yan?!" Nahihintakutang sigaw ni Mikiel habang nakaturo sa punong nakapulupot kay Dianne.

Si Dianne naman ay kanina pa hirap na nagpupumiglas rito.

"Dianne! Magshift ka! Bakit hindi ka lumalaban?!" Naga-alalang sigaw ni Maia sakaniya.

Nakapagtataka ngang hindi niya man lang naisipang mag-shift sa kaniyang avian form. Kung tutuusin ay mas malakas siya rito. This place is really strange!

"I-I can't! Its's strangling me! I can't feel my whole body!" Nagpa-panic na sigaw ni Dianne.

Naalerto naman ang lahat at nang akmang magshi-shift na sila ay nagsalita ang puno! Oh god what kind of creature is this! Mula sa puno ay lumabas ang isang magandang babae ngunit ang kaniyang mga balat at anyo ay katulad ng punong naka-konekta sa kaniyang katawan.

"Anong ginagawa niyo rito? Paano kayo nakapasok sa aming mundo?!" Galit na tanong sa amin ng babae.

Sila Giovanni ay hindi man lang natinag sa kaniyang tanong. Para bang wala itong narinig.

"Anong sinasabi niya?!" Tanong ni Jovie na agad namang nakapagpalingon sa akin.

Hindi ba nila siya naiintindihan?

"Mayroon lamang kaming hinahanap." Sagot ko sa babaeng puno.

Agad naman itong napalingon sa akin at nagulat.

"Z-zarina!" Gulat na sigaw nito saka yumuko.

Ha?

"Anong sabi niya? Naiintindihan mo siya?" Tanong ni Giovanni sa akin. Tumango lamang ako. Pero tulalang nakatingin parin ako sa babaeng puno.

Maya-maya ay pinakawalan na ng kaniyang mga ugat at sanga si Dianne. Agad namang tumakbo roon sila Ravene at Hector. Upang tulungan siya.

"Kilala mo ako?" Tanong ko sa babaeng puno na hanggang ngayon ay nakayuko parin sa aking harapan.

Nagulat ito at napatingin sa akin. Tila hindi niya naiintindihan ang aking tanong.

"A-ano pong klaseng tanong iyan?" Naguguluhan niyang sabi. "Ikaw si Zarina, ang aming tagapangalaga." Dagdag pa niya.

Napasinghap ako sa aking narinig. Ang alam ko ay isa lamang akong demigod. Anak ni Theia sa isang tao. Paanong naging tagapangalaga ako ng mga nilalang na tulad niya?

Ravene is  hiding something from me.

"Anong sinasabi niya?" Nakakunot ang noong tanong ni Ravene sa akin.

Seryoso akong lumingon sa kanya. Ngayon ay pati ang pagiging konektado naming dalawa ay pinagdududahan ko na.

"Ako raw ang tagapangalaga nila." Sagot ko kay Ravene. Tulalang napatingin lamang siya sa akin. Para bang hindi makapaniwala.

"Really?" Gulat niyang sabi saka siya naglakad ng hindi mapakali. Nang makabalik siya sa harap ko ay naging seryoso lalo ang kaniyang mukha.

"Let's just go with the flow, Zarina. Just pretend like you know what they're saying. I have a feeling that she's here." Mahinang sabi nito- nagi-ingat na hindi marinig ng babaeng puno ang kaniyang mga sinasabi.

Okay. Whatever is happening right now, I have to trust her. She's my niece, wala siyang gagawing masama. I reminded myself that she's the one who saved me. And I have to trust her.

Gaya nang sabi ni Ravene ay nagpanggap ako sa harap ng babaeng nasa aming harapan. Naglakad ako palapit sa babaeng puno ng maramdaman ko ang kamay ni Giovanni sa aking braso.

"What are you trying to do? She's dangerous!" Nagaalala niyang sabi sa akin ni Giovanni.

Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na ganyan siya. Palagi parin akong nata-touch. I can feel that I am falling deeply in love with him, and it scares me.

Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at bahagyang ngumiti sa kaniya.

"That thing right there knows me. Naiintindihan ko rin ang kaniyang sinasabi. You don't have to worry." I assured him. 

"That tree is not just a thing, Zarina. That is a Dryad! Ang sabi ni Jovie ay isa itong tree nymph! Hindi natin alam ang kaya niyang gawin!" Galit niyang sabi.

Umiling lamang ako sa kaniya.
"Don't worry." Muling pag-siguro ko sakaniya bago lumapit sa Dryad o ang punong babaeng nasa harap namin.

"Kasamahan ko sila." Pahayag ko sa punong nasa harapan ko.

"Paumanhin, Zarina. Matagal ka na kasing hindi nagawi sa lugar naming mga Dryad." Nakayukong sabi parin niya sa akin. Napakunot ang aking noo.

"Paumanhin sa matagal kong pagkawala." Sagot ko rito na siyang ikina-angat ng kaniyang ulo.

Nagtatakang napatingin sa akin ang Dryad. Tila ba may malalim ang kaniyang iniisip.

"Ngunit hindi ka nawala Zarina. Hindi ba ay naglagi ka lamang sa kalapit na bayan kasama ang mga satyr at dwende?" Nagtatakang tanong niya.

Lalo tumindi ang aking pagkagulat. Kung gayon ay hindi ako ang Zarina'ng tagalangalaga nila? At kapangalan ko pa ito? Marahas akong napalingon kay Ravene. May alam ba siya tungkol sa sinasabi ng nilalang na ito?

"Anong sabi niya?" Tanong sa akin ni Ravene.

Sandali ko siyang nilapitan at ibinulong ang sinabi ng Dryad sa akin.

"Itanong mo kung saan ang lugar na iyon." Muling utos sa akin ni Ravene.

Naguguluhan may ay sinunod ko ang kaniyang sabi.

I will ask her about that later.

Nagpanggap akong nagtataka sa Dryad sa aking harap.

"Ngunit hindi ako doon nagtungo. Maaari mo bang sabihin sa akin ang daan patungo roon?" Maingat na tanong ko sa Dryad sa aking harap.

That question is very risky. Sana lamang ay hindi ito magduda at kumagat sa aking pagpapanggap.

Halos tumakbo ako sa kaba ng makita ko ang gulat sa kaniyang mukha. Ngunit nagtataka man ay sinagot parin niya ang aking tanong.

"Sampung kilometro ang layo niyon mula rito. Sa bahaging timog." Nakakunot parin ang kaniyang noo at nagtataka.

"Maraming salamat." Sagot ko rito at yumuko rin. Yumuko rin ito at ngumiti ng pilit.

Agad naman akong bumalik sa pwesto nila Ravene. Napansin kong wala paring malay si Dianne at marami itong galos sa kaniyang katawan kaya lumapit rin ako sakaniya.

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi. I wish I could do something. Sana ay may maitulong man lang ako sa grupong ito.

"I wish I could heal you." Mahinang bulong ko kay Dianne bago pa tumulo ang aking luha.

Maya-maya ay narinig ko ang malakas na pagsinghap nila Maia sa aking gilid kaya napadilat ako.

Gayon na lamang ang gulat ko nang makita kong nagi-ilaw ang aking buhok. Napabitaw ako kay Dianne at napabalikwas akong lumayo.

Ang buhok kong kulay abo ay nagliliwanag! Ang aking kamay ay nagliliwanag!

Unti-unti ay nagmulat ang mata ni Dianne at tumayo na para bang walang nangyari sa kaniya. Nagulat rin siya nang magawi sa akin ang kaniyang tingin.

"You are literally glowing!" Sigaw nito sa akin.

Napatingin ako sa aking nga kamay. Is this my power?

"Pati ang mga mata mo! Umiilaw!" Sigaw niyang muli.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon