X

15.2K 458 25
                                    

Maia's POV

"Hanggang kailan mo ba ako itataboy Maia?! Sa tingin mo ba ganun lang kadali mo akong maia-alis sa buhay mo?" sunod sunod na pagtatanong ni Ryle matapos ako nitong sapilitang dalhin sa isang madilim na parte ng hardin ng laboratory.

"At ikaw? Hanggang kailan mo ipagpipilitan ang sarili mo sa akin?! Sa tingin mo ba katulad ako ng mga pangkaraniwang lobo na nakakasalamuha mo? Nagpapadala sa ng damdaming hindi naman sila ang nag-desisyon?! Hindi ako ganon, Ryle. Hindi ako papayag na kontrolin ako ng pag-ibig na hindi man lang ako binibigyan ng option. Hindi ako ganoon kahina Ryle." pabalang kong sagot sa kanya bago ko pa man siya talikuran.

"Mahal mo ba si Matthew?" tanong nito bago ako tuluyang makaalis.

Anong nararamdaman ko kay Matthew? Napahinto ako mula sa paglalakad ng marinig ko ang mga tanong na ito.

Mariin kong naipikit ang aking mga mata.

Tanga ka ba Maia? Oo naman. Syempre mahal ko siya. Ako ang pumili sakanya, desisyon ko yon. How stupid of me to even question myself.

"Sa tingin mo ba naniniwala akong mahal mo siya? Kahit saang anggulo mo man tignan Maia, Sapilitan man o hindi. Akin ka. At kahit anong pagtataboy pa ang gawin mo, alam kong alam mong pati ang puso mo, ako lang rin ang pwedeng mag may-ari." sambit nito bago pa man siya tuluyang umalis.

Ang damuho, inunahan akong mag-walk out. Bwisit.



Mikiel's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang tinutulungan ko si Ravene. Sa lahat ng lobong nasa loob ng Laboratory, siya ang pinaka hindi ko inaasahang makakaintindi sa pinagdadaanan ko.

Gabi noon, Ika-apat na araw simula nang magkamalay ako pero walang nakakaalam. Apat na araw na rin akong nagpapanggap na walang malay. But being the strongest female wolf that she is, malamang ay naramdaman na rin niyang matagal na akong gising. At andito nga siya. Pilit akong tinatanong ng mga bagay na matagal ko nang iniiwasang mapagusapan.

"Anong ginagawa mo sa lugar ng mga itim na lobo? For once Mikiel, tumulong ka." pilit nitong tinatanong sa akin.

Bakit ba hindi pa niya ako tigilan? mukha na siyang tanga kakatanong sa akin. Pinipilit kong huwag dumilat. Bahala siya sa buhay niya.

"Mikiel. Alam kong gising ka na. Huwag mong ubusin ang pasensya ko." naiinis na nitong sabi. Hindi parin ako sumagot. Sa halip ay bumaling ako sa kabilang side ng kama, nagpapanggap paring tulog.

"Ginagalit mo ba talaga ako?!" Pasigaw na nitong sabi.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng malakas na kalabog sa gilid ko. Napadilat ako ng wala sa oras. Sa gilid ko ay ang galit na galit na itsura ni Rave na nakasuntok sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ko. Wasak na wasak na ang lamesita, at galit na galit na rin siya.

Matagal kaming nakatitig sa isa't isa. Nakakatakot ang mga mata nito. Ang kanyang kulay gold nitong mga mata ay itim na itim na ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiwas ng tingin sakanya. Ok, I'm intimidated, so what?!

Ilang sandali lang ay narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Mikiel, kapatid ka ni Maia. Kaya para ka na ring nakababatang kapatid para sa akin. If there's something going on, you can tell me. May kakilala ka bang bihag ng mga itim na lobo ngayon? I can help you with that." Marahas akong napalingon sakanya. Really? Is that you Rave?

"You can't. Hindi mo maiintindihan Ravene." inis kong sabi sakanya.

Hindi ganon kadali iyon. Hindi lang basta bihag ang meron ang mga itim na lobo Rave.

"Then make me understand Mikiel! For fuck's sake. Makipagtulungan ka!" sigaw na naman nitong muli. Nawawalan na naman ng control sa sarili. This girl really needs to go through some anger management theraphy. My God.

"Maiintindihan mo ba kung sasabihin kong ang mate ko ay itim na lobo?!" sigaw ko sakanya. Saglit siyang natulala. "See? hindi mo maiintindihan Rave. Hinding hindi." sarkastiko kong sabi sakanya.

"Itim na lobo...." mahina niyag sambit. "Wag mong sabihing si Brutus?!" sigaw niya sakin ulit.

"Alam mo Rave, Maganda ka. Pero tanga ka." irap ko sakanya.

"Umayos ka ng pananalita, mahigpit akong manakal." pagbabanta nito sa akin.

"Hindi si Brutus! Baliw ka ba? ang tanda na non! saka may anak siya..." sagot ko rito. Saglit kami parehong natahimik sa mga sinabi ko.

"May anak siya? Paano mo nalaman? Huwag mong sasabihing..." mahina nitong sabi.

"Hindi sila magkatulad Rave. Hindi siya sang-ayon sa mga ginagawa ng ama niya." pagpapaliwanag ko sakanya.

"Pero itim na lobo siya Mikiel. Kalaban ng lahi natin." sagot nito sa akin.

"So what?! Hindi namin kasalanan na pinanganak kaming magkaiba ang lahi." pag-protesta ko sakanya.

"Come with me." bigla niyang sabi sa akin.

"Huh? Saan?" tanong ko sakanya.

"Hahanapin natin ang Moon Goddess." sabi nito.

"Baliw ka na ba?! Saan ka pupunta? Sa Olympus?! Ano ka Goddess?! Wag mo kong pinaglololoko Ravene." Naiinis kong irap sakanya. Nata-tanga na ba siya?! Yan ba ang epekto sakanya ng Dark Avian? Kung gayon, buti na lang pala at puti ang avian ko.

"Isa pang pagsagot mo, makakatikim ka na sa akin Mikiel. Manahimik ka na lang at sumunod sa akin. Kung gusto mong masagip natin ang lovelife mo." irita nitong sabi sabay ang pagwo-walk out.

AT ito na nga kami, nasa lugar na hindi ko alam kung saan. Nasa taas kami ng isang bundok. Doon ay may isang napakagandang babae ang kinatagpo ni Ravene. Hinalikan niya ito sa pisngi saka siya yumuko rito.

"Kamusta, Ravene?" ngiti ng magandang babae sakanya. Sa sobrang ganda ng babaeng ito ay parang kumikinang at nakakasilaw ang kanyang kabuuan.

"Theia, nandito kami upang hanapin ang papalit sa Moon Goddess." sabi ni Rave sa magandang babae habang nakayuko parin.

Dahan-dahang iniangat ng magandang babae ang baba ni Ravene upang tuluyan silang magkatinginan. Maya-maya ay bigla siya nitong pinalo sa puwetan.

"Wala ka talagang galang na bata ka! Diba ang sabi ko ay tawagin mo akong lola?" sigaw nito habang sunod sunod ang pagpalo kay Ravene.

"Lo-LOLA?" singit ko sakanilang dalawa. "Lola mo siya Ravene? B-Bat mukhang bata?" tanong kong muli.

Pareho silang napatigil saka sumeryosong muli.

"Mikiel. Siya si Theia. Goddess of light." sagot sa akin ni Ravene.

"G-goddess?! Demigod ka?!"

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon