XXII- Truth

13.1K 359 2
                                    

Selene

"Selene, kapatid ko." Mahinang sambit ng babaeng kamukhang kamukha ko. Ang kaninang mahinang pag-ilaw ng aking buhok ay mas lalong lumakas. Kasing liwanag ng buwan.

"S-Selene?" Mahinang tanong ko. Did she just called me Selene? Iyon ba ang tunay kong pangalan?

"Selene!" Masayang sigaw nito bago tumakbo palapit sakin upang hagkan ako. "I knew you're here! I knew you would find me! Nang mag-liwanag ang aking buhok, alam kong nasa malapit ka lamang!" Masaya niyang sabi habang hawak ang aking kamay.

Nilingon ko ang aking mga kaibigan. Lahat sila ay nakatulalang nakatingin sa amin. Si Ravene naman ay nakangiti sa akin, pero kitang kita ko sakanyang mga mata ang kalungkutan at pagsi-sisi.

"SELENE?! What the fuck Ravene?!" Halos mapatalon ako sa pagsigaw ni Giovanni. Parang galit na galit ito.

"I-I'm so sorry Gio..." umiiyak na sabi ni Ravene sa kanya

"Is this what you have been hiding from us?! What a bullshit! Pinagmukha mo kaming tanga!" Sigaw nitong muli.

What's wrong? I still don't understand what's happening. What's wrong with my name?

"Tangina, Ravene! Ang tagal nating nagdusa! Tapos ngayon, malalaman naming all this time, alam mo kung nasaan ang totoong moon goddess?!" Naghi-histerikal na sigaw ni Dianne sakanya.

Moon goddess? I am the real moon goddess?! I am that selfish goddess they were looking for?

"No, no! I did this for us! I tried to hide her identity to protect all of us!" Pagpapaliwanag ni Ravene sa kanila.

Mapaklang tumawa si Dianne saka umiling.

"I don't think you deserve our trust anymore. Wala kang kwentang kaibigan." Seryosong sabi ni Dianne rito, bago lumingon sa amin ng kakambal ko.

"You." Galit niyang tawag sa akin. "Why did you turn your back on us?" Mahina ngunit puno ng poot at galit niyang tanong sa akin.

Napaluha ako. Memories suddenly came rushing into my mind.

Sanggol pa lamang kami nang ipagkaloob kami ni Theia sa isang mag-asawang mortal ako at si Zarina, ang kapatid ko. Both of us grew up with the knowledge that we are not just mere humans. Hindi iyon tinago sa amin ng mga magulang na kinikilala namin.

I was five years old when I met Gino, bagong salta sila sa bayan namin noon. Gino was just like Zarina and I, hindi sila normal na tao. At alam ko iyon, mga taong-lobo sila.

Because of that, Gino instantly became our friend, we clicked. He was like a big brother for me and Zarina. Everything was perfect back then. I have a mother and a father, a sister, and I have Gino. Not until Zarina and I turned eight. Our parents had to give me back to Theia. Kinailangan nila akong i-alay sa buwan, dahil kailangan nito ng bagong deity. Kailangan ng mga taong-lobo.

Unfortunately for me, bata pa lamang ako ay ako na ang napiling maging deity. I had to leave everything I had to become a goddess and fulfill my duty. Mula sa taas ay sinubaybayan ko ang mga mahal ko sa buhay, specially Gino. Ilang taon na rin ang lumipas at tumanda sila ni Zarina, umalis sa bayan na iyon si Gino. And he found his mate. That's when I realized, I was in love with him. Mahal ko siya. Ngunit wala akong ibang magagawa kundi ang panoorin lamang siya mula sa kinaroroonan ko.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang sakit na nararamdaman ko habang pinapanood ko ang lalaking minamahal ko na bumuo ng kanyang pamilya, tumandang kasama ang kanyang kabiyak, at mamatay. Nang mamatay siya ay kasama niyang nailibing ang aking puso. Ilang daang taon rin ang lumipas. I waited for him. I promised myself pag nabuhay siyang muli, I will do everything just to be with him.

Twenty-five years ago, Giovanni was born. Sabay silang ipinanganak ng kanyang mate. Twenty-five years ago, I lost myself again. I became greedy. Pinatay ko ang kanyang mate. I killed a five-year old child, I killed his mate. Nalaman iyon ng mga nakakataas sa akin, and they cursed me. Twenty years akong naglakad sa kawalan, nag-tiyagang hanapin ang daan. Daan patungo sakanya. Until Ravene found me that night.

I was a greedy and selfish goddess. I deserve all his hate.

Patuloy na tumutulo ang luha mula sa aking mga mata. Ito ang dahilan kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya para sa akin. Sinadya ko ito. I did this to him.

"Huwag kayong magalit sakanya! Hindi niya kasalanan ang pagkawala niya! She was cursed!" Pagtatanggol sa akin ni Ravene.

No Ravene, everything is my fault. Patuloy parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Zarina.

"I remember everything now." Umiiyak kong sabi kay Zarina. I heard her sigh. Inalo lamang niya ako at hinaplos ang aking likuran.

"You know what Ravene? Fuck off! Fuck your family! All of you are a bunch of selfish bitches! Kung nandito lamang si kuya Chester, ay madi-disappoint siya sayo!" Sigaw ni Maia kay Ravene disappointment is written all over her face. Hinila nito si Dianne at tumakbo palayo. Sumunod rito ang galit na galit na si Giovanni at Ryle.

Nakita kong tinapik ni Hector ang balikat ni Hyan kaya sumunod rin ito kila Dianne kasama si Blaze at Jovie.

Naiwan si Ravene na umiiyak. Niyakap ito ni Hector at pinatahan. Hawak kamay silang lumapit sa aming dalawa ni Zarina.

"Se-Selene, wala kang kasalanan" umiiyak na sabi sa akin ni Ravene.  I cried with her. No Ravene mali ka.

"Ako! Ako ang may kasalanan kung bakit sila galit! Hindi ko sinabi ang lahat sa kanila! I didn't want them to hurt you! Galit sila, Selene. Galit na galit! Ikaw lang ang meron ako nang mahanap kita. I tried to find Aunt Zarina on my own, but the only way to find her was you!" Paliwanag nito.

Tumango lamang ako at hinaplos ang kanyang buhok. Oh Ravene, if you only know what I did. I cried again. Pati siya ay nadadamay sa lahat ng kasalanang ginawa ko.

"Ayoko sanang isama ka pa sa paghahanap sakanya, Selene. Pero ikaw lang ang may connection sakanya. Ayokong maalala mo pa ang nakaraan! It will only hurt you! You are all I have! Kuya Chester, I'm sure he will do the same! He will do the same...." nanghihina muli niyang sabi.

"Ravene, wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari. I was greedy. It's my fault. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo, makipag-ayos ka sakanila. Tama sila." Mahina kong sabi kay Ravene. Umiling lamang ito at yumakap sa akin at umiyak lamang ng umiyak.

Maya-maya ay bumitaw rin ito sa akin at hinawakan ang kaniyang ulo.

"R-Rave? What's wrong?" Nakakunot ang noong tanong ni Hector rito.

"No! No! hindi sila ganon! Hindi!"sigaw nito na parang kausap niya ang kanyang sarili. Lumayo ito sa amin at sinabunutan ang kaniyang sarili.

"You are wrong!" Sigaw nitong muli bago magshift sa kanyang avian form at lumipad paalis.

Napasinghap ako. Those eyes...

Oh my god! No!

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon