Selene
Mahigpit kong hinagkan si Zarina saka tuluyang tumulo ang mumunting luha mula sa aking mata. I'm not good in saying goodbye, but I have to let her go. Para sa ikabubuti ng lahat.
"Magi-ingat ka palagi." Naluluhang bulong niya sa akin.
Marahan akong tumango. Zarina is finally replacing me as the rightful deity of the moon. Kasalukuyan kaming nasa tuktok ng isang bundok.
Saglit akong bumitaw kay Zarina para harapin ang aming ina, si Theia. Sumilay ang malungkot na ngiti sakanyang mukha.
"Patawad, ina." Mahina kong sabi. Agad naman itong lumapit sa akin at hinagkan ako.
"I hope your decision will make you happy." Malungkot nitong sabi.
Tatlong araw na ang nakaraan matapos ang matinding digmaan ng mga taga-lupa. Marami ang nasawi mula sa digmaang ito. Brutus died in vain. Kasabay ng kanyang pagkamatay ang pagtapos ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga itim at puting lobo.
Kasabay ng pagdiriwang ng mga puting lobo ay ang pagdating ng balitang maaari na akong bumalik sa aking tungkulin bilang dyosa ng buwan.
But I could never go back. Narito ang mga kaibigan ko sa lupa. Nandito ang pamilya ko. Nandito ang taong minamahal ko. Hindi ko alam kung paaano ko mapapasalamatan si Zarina sa kanyang kabutihan. Zarina gladly accepted my duties. Words are not enough to express how happy I am right now.
Maya-maya ay lumapit sa amin si Chester. Nakakatawang nagkakilala lamang kaming dalawa pagkatapos ng digmaan. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking halos paalisin kami noon sa harapan ng bahay ni Gio ay pamangkin ko pala!
"I'll take care of them, Theia." Nakangiting sabi ni Chester kay Ina at umakbay sa akin.
Agad namang napabusangot si Ina sa kanyang narinig. I mentally laughed. Heto na naman siya.
"Hindi ba't ang sabi ko ay lola ang itawag mo sa akin?!" Galit na sigaw nito habang hinahampas si Chester.
Tumatawang umiilag naman ito kay Ina. *Sigh* kung sana ay gising lamang si Ravene.
Ravene is still unconscious. Mabuti na lamang at tumitibok parin ang kanyang puso nang itakbo namin siya sa laboratory ng pack.
"Wala nga rito si Ravene, ikaw naman ang nagpapasakit sa aking ulo." Naiinis na sabi ni Ina kay Chester.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Zarina. Alam kong kahit hindi nito masyadong nakahalubilo si Ravene ay naga-alala rin siya rito.
"Lola, awkward kasing tawagin kang lola! Mas mukha ka pa ngang batang tignan kaysa kay Selene!" Biro ni Chester na siyang nakapagpa-busangot sa akin.
Marahas kong tinanggal ang kanyang braso sa aking balikat saka siya piningot sa tenga.
"Ikaw! Kakakilala lang natin ng pormal nung isang araw, kung makapanglait ka akala mo close tayo!" Inis kong sabi sa kanya.
Napaigik naman ito sa sakit.
"Aray! Tita nga kita! Amasona ka rin gaya ni Ravene!" Reklamo nito.
Malakas na napatawa si Ina.
"Enough, children." Malumanay nitong sabi saka tumingin kay Zarina.
"Let's go?" Mahina nitong aya kay Zarina. Zarina nodded.
Saglit silang tumingin sa amin saka tuluyang naglaho. Agad namang tumalikod si Chester at naglakad paalis habang nakalagay ang dalawang braso nito sa kanyang batok.
"Argh! Tara na, tanda! Uwi na tayo, nagugutom na ako!" Bruskong sabi nito.
Napakunot ang ilong ko sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020