Nagkakagulo ang lahat ngayon sa laboratory. Lahat sila ay abala sa pagaayos at paghahanda. Balita ko ay isang importanteng pinuno ang bibisita rito ngayon: Ang alpha ng Silvermoon pack.
Maging si Maia ay hindi ko pa nakikita sa araw na ito. Lahat sila ay kinakabahan sa pagdaging ng kanilang alpha. Maging ako ay nangangamba.
"Ayos lang ba sa alpha niyo na manatili ako rito hanggat wala akong naaalala?" Tanong ko sa isang nurse na kasalukuyang nasa loob ng aking silid.
"Sa pagkakaalam ko po ay hindi basta-basta pumapayag ang alpha sa pagtanggap ng mga nilalang rito sa laboratoryo. Mas lalo pang naghigpit ng minsan ay may nagtangkang pasukin ang lab. Hindi namin alam ang motibo pero isa rin itong itim na lobo. Ngunit pinakiusapan raw po siya ni Miss Ravene. Yun po ang usap-usapan" pa-bulong nitong sagot. Si Ravene?
Bakit niya kailangang gawin iyon para sa akin? Hindi kaya parte siya ng aking nakaraan?
"Si Rave..." mahinang usal ko. Lumingon sa akin ang nurse na kasalukuyang naglilinis ng mga machines.
"Madalas ba siyang wala rito sa lab? I mean madalas ba siyang lumalabas sa border ng inyong pack?" Tanong ko sakanya. Umiling naman agad ang dalaga.
"Hindi po siya kailanman lumabas sa border ng pack. Masyado pong mapanganib. Nagkalat ang mga itim na lobo." Sagot nito agad.
"Pero natagpuan niya ako sa labas ng Silvermoon pack." Katwiran ko.
"Iyon ay dahil galing siya sa puntod ng kanyang mga magulang." Masinsinan nitong sabi habang titig na titig sa aking mga mata. Nakakunot ang kanyang mga noo na tila ba nagtataka. Agad naman akong umiwas ng tingin rito.
"Kung ang ipinagtataka mo ay kung bakit si Miss Ravene ang personal na nakiusap sa alpha para sa iyong pananatili rito, iyon ay dahil malapit sila sa isa't-isa. Si Dr. Lancaster, Miss Dianne, Miss Ravene at ang alpha ay mga magkababata." sagot nito sa akin.
"Pero bakit nila ako tinulungan? Hindi ba dapat ay mas naghihigpit sila ngayon? Hindi ba ay hindi rin naman sila sigurado sa aking pagkatao?" Tanong ko ulit sakanya.
"Ang alam ko ay alam mo nang silang tatlo ay kapwa kinupkop ng Silvermoon pack upang alagaan. They have a heart for those who needs help. I-appreciate mo na lang na hindi ka nila hinayaang mamatay." Sagot nito bago pa man siya tuluyang lumabas sa aking silid.
Masyado na ba akong nagiging pakealamera. Am I being too insensitive? Muli ay kumirot ang aking ulo dahil sa mga katanungang ito.
Nang sumapit ang hapunan ay dumating na ang alpha ng Silvermoon pack. Ang lahat, maging ako ay nagtungo sa isang function hall upang sumama sa simpleng salo-salo na inihanda nila para sa alpha.
"Anong pangalan ng alpha?" Tanong ko kay Dianne na kasalukuyang nasa aking tabi.
"Giovanni." Sagot nito. "Huwag kang matense, mabait iyon." dagdag pa nito habang may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
"Si Rave?" Tanong kong muli.
"Malamang nagmumukmok iyon sa kanyang silid. She doesn't like things like this." Nawala ang ngiti niya sakanyang sinabi.
"She used to be a jolly little girl you know. I guess her avian changed her." Dagdag pa nito.
"You two are like sisters." Pahayag ko. Tumango lamang siya. Maya-maya pa ay umingay ang function hall at nagpalakpakan ang mga staffs. "He's here." Pahayag ni Dianne.
Mula sa pintuan, ay pumapasok ang isang matipunong lalake. Kulay itim ang kanyang mga buhok salungat sa buhok kong kulay abo. My world stopped as I looked at him. His perfect teeth shined as he smiled through the crowd. "Nagha-hyperventilate ako" is an understatement to what I feel right now. Feeling ko ay sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Lalo na ng magawi ang kanyang tingin sa aking lugar. He has those pair of deep brown eyes na para bang pag tinignan ka nito ay nakikita niya ang iyong kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
Hombres LoboI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020