XIV

14.3K 400 9
                                    

Zarina

"Let's go?" Pag-aaya sa akin ni Dianne na lumabas na mula sa conference room. Pagkatapos ng nanyari kanina ay nagpasya na ang lahat na itigil muna ang meeting na ito.

Kanina pa rin ako tulala at hindi mapakali sa mga narinig ko mula kay Jovie. She knows who I am. She knows what I am. And she doesn't have the slightest intention to share that information with me. Yung fact na iyon ang mas nakakapag-pabalisa sa akin. Ganoon ba kapanganib ang impormasyon na iyon? Kalaban ba ako?

"Whatever is bothering you right now, you can share it with me." Nakangiting sabi sa akin ni Dianne.

We settled down at a small bench outside the alpha's house. Kanina ko parin siya hindi kinikibo.

Ngumiti lamang ako sakanya. A sad smile. I'm lucky she's here. Masuwerte parin ako't hindi nagbago ang tingin niya sa akin.

Tinapik niya ang aking balikat saka tuluyan nang umalis. Naiwan akong tulala. Hays. Pakiramdam ko talaga, may parte ng pagkatao ko ang kulang. Ang daming mga bagay na sa tingin ko ay dapat kong ginagawa pero hindi ko alam kung ano.

Ilang oras na ata akong nakatulala at nagiisip lang nang may maramdaman akong presensya sa likod.

"C-can I have a word with you?" Napalingon ako kay Gio na ngayon ay nakaupo na sa akin tabi.

Ilang minuto rin kaming natahimik. Nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa. Basta ako, I won't speak unless he goes first. Hindi naman ako ang may kasalanan sa aming dalawa.

Maya-maya ay narinig ko siyang tumikhim.

"Ah...I'm..." mahinang sabi niya. Lumingon ako sakanya saka nag "ha?" Ngunit umiwas naman siya ng tingin.

"Ang arte ng alpha'ng ito." Bulong ko sa sarili ko.

"I heard you, woman." Naiinis na sabi nito sa akin. "Damn this girl, hindi man lang marunong rumespeto. I'm still the alpha. Even when..." he trailed again.

"Kahit na ano? Nagkamali ka?" Nanunuyang sagot ko.

"Goddammit! I'm sorry okay? I'm sorry for accusing you. Wala akong ibang masisi, ikaw lang ang bago rito." Naiinis na sabi niya.

'Tamo to? Siya na ngang mali. Siya pa galit.

"Ganyan ka ba talaga mag-sorry? May kasamang pangangatwiran? Hays, ano ba namang pack ito? Puro na nga half breed tas puro pa may PMS!" Reklamo ko.

"Okay, I'm sorry for that again. Let's just make up okay?" Naiinip na naman niyang sabi.

"Ano ba? Lagi ka na lang nagagalit pag kausap ako! Wala naman akong ginagawa sa'yo ah!" Naiinis ko ring reklamo.

May problema talaga sa utak yung mga tao rito! Nakakaloka na minsan! Dagdag mo pa yung emo na si Jovie!

"Yun nga eh! Wala ka namang ginagawa sakin!" Sigaw niya sakin may pa-tayo effect pa siya.

Parang tanga talaga to! Oh alam naman pala niyang wala akong ginagawa!Tumayo rin ako para pantayan siya ng tingin.

"Engeng ka no? May sapak ka ba sa utak? Wala naman pala akong ginagawa anong pinagpuputok ng butsi mo jan?" Pinantayan ko rin ang taas ng boses niya. Huh! Take that! Porket alpha ka rito, tingin mo mako-control mo rin ako?

"Oo nga wala ka ngang ginagawa!" Sigaw niyang pabalik.

"Oh eh anong problema mo don!" Sigaw ko rin ulit.

Sukdulan na ata ang kabaliwan niya at sigaw siya ng sigaw kaya ayan, naka-attract kami ng audience. Nasa gilid na namin si Dianne na sa tingin ko, tumakbo pa ata papunta rito.

"Easy there lovers! Ang ingay niyo!" Pagpigil samin ni Dianne.

"Eh siya kasi eh! Wala naman pala akong ginagawa sakaniya, pero bat naiinis siya sakin?!" Pagsusumbong ko kay Dianne habang nakaturo pa kay Giovanni.

"Stay out of this Dianne." Mahina at masama pa ang tingin na sabi ni Giovanni.

"Damn alpha, may PMS na naman. Akala ko pa naman may kwenta yang pinag-aawayan niyo." Bulong ni Dianne saka kami tinalikuran "Goodluck, Zar!"sigaw nito mula sa malayo.

"Hay. Kailan ba ako matatahimik rito?" Bulong ko sa sarili ko.

"Not until you make up with me." Sagot ni Giovanni na ngayon ay malapit na sa akin.

"Paano nga ako makikipag-ayos sa iyo kung di ko naman alam yang pinaga-arte mo jan?" Tanong ko.

Natahimik siya. Saglit pang tumingin sa lupa tas pabalik sakin tas pabalik ulit sa lupa.

"It's just... my god, how hard can this be?" Bulong niya.

"Wala kang ginagawa. It frustrates me. Wala ka namang ginagawa but you still get my attention." Bulong niya ulit.

Kinabahan ako. My heart started to beat uncontrollably.

"H-ha?" Pakunwaring tanong ko. Okay, I heard it clear. Hindi naman ako tanga, I know what he means. Gusto ko lang i-confirm kung tama ba itong naririnig ko.

"Stop looking at me like that." Pagiiwas niya ng tingin.

"B-but I don't get it Giovanni, hindi naman tayo naging close. Hindi nga tayo naguusap." Pangangatwiran ko.

"That's why I'm trying so hard to get your attention! But you never dared to give to me." Sagot niya.

"Is that a.... confession?" Tanong ko.

I don't know what to say. I don't even know what to feel. I feel so...weird. Parang may parte ng buhay kong nakakubli ang nabubuksan.

Do I know him before? Is he a part of my past?

"I don't know Zar, I... I feel weird. It's like something is pulling me towards you. Alam kong hindi yun bond ng isang mate. We are not mates and this feeling is soo.. so weird." Mahina niyang sabi. Frustration is written on his face.

And again, silence filled the spaces between us. Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang mukha. There is something in him that I think I know.

Para bang naging parte na siya ng buhay ko. My head throbbed at that thought. Para bang kinokontra nito ang mga iniisip ko.

Napahawak ako sa aking ulo. It hurts so much. Para bang mababasag ulo ko. And just before I close my eyes, I saw his face. I tried to open my eyes to look at him more.


I think I know him.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon