XXI- Selene and Zarina

13.6K 413 12
                                    

Notes:

Nymph- mythological spirit of nature imagined as a beautiful maiden inhabiting rivers, woods, or other locations.

Centaur- is a mythical creature with the upper body of a human and the lower body of a horse.

Satyrs- minor forest gods of Greek mythology that has the face, torso, and arms of a man, the ears and tail of a goat, and two goatlike legs.

Zarina

Nakatulala parin ako sa aking mga kamay.

"What is this?" Naguguluhan kong sabi.

Lumingon ako kay Ravene, siya lamang ang totoong nakakakilala sa akin, I'm sure she knows what's happening here.

"Ra-Ravene!" Nauutal kong tawag sakanya. Agad naman siyang lumapit at hinawakan ang aking mga kamay.

"Calm down, this is just normal." Nakangiti niyang sabi sa akin ngunit nangangamba ang kanyang mga mata.

"Is it?" Worried kong tanong. Tumango ito sa akin, and I did what she said. I tried to calm myself down.

Maya-maya ay nawala ang ilaw mula sa aking kamay, nawala rin ang init na nararamdaman ko mula sa aking mga mata. Sa tingin ko ay bumalik na ito sa dati niyang kulay- kulay abo. Ngunit ang aking buhok ay nanatiling umiilaw.

"Don't worry, mamaya ay babalik rin yan sa dati." Ravene assured me. Hinila niya ako pabalik kila Dianne.

"Let's go?" Tanong ni Ravene sa mga nakatulalang kaibigan namin.

------

Dahil sa masukal na bahagi ng gubat ang direksyon na ibinigay sa amin ng Dryad ay nagpasya si Giovanni na iwan ang sinakyan namin at maglakad na lamang.

Nakakailang ang naging paglalakbay namin dahil bawat punong aming daraanan ay may lumalabas na babaeng katulad ng dryad kanina. Lahat sila ay yumuyuko sa aming direksyon. Ang dryad na nakausap namin kanina yata ang may pinakamataas na puno sa lugar na ito.

Hanggang ngayon ay umiilaw parin ang aking buhok. At pakiramdam ko ay awkward ang pakikitungo ng lahat sa akin.

Ang lahat ay tahimik na naglalakad. Nangunguna sina Hyan at Blaze na katabi ang kasintahang si Jovie kasama nito ang seryosong si Ryle na hawak hawak ang kamay ni Maia. Sa likod nila ay si Ravene at Hector na pinagigitnaan ng nakasimangot na si Mikiel. Bahagya akong napangiti. Magiging maayos rin ang lahat.

I may have a lot of questions running inside my head, pero sa ngayon ay hindi muna mahalaga iyon. Malalaman ko rin ang katotohanan sa tamang panahon.

Napalingon ako sa aking kamay ng naramdaman kong hinawakan iyon ni Giovanni.

"Malapit na natin siyang mahanap." Nakangiti niyang sabi sa akin. Sandali siyang tumingin sa aking buhok ngunit hindi nagsalita tungkol roon. I guess he doesn't want to worry me too.

Kahit na medyo nangangamba ako ay ngumiti ako pabalik sa kaniya.

"Anong gagawin natin kung sakaling siya nga ang hinahanap natin?" Tanong ko sakanya.

"I don't know. Si Ravene lang ang nakakaalam kung bakit natin siya hinahanap." Nawala ang kaniyang ngiti at medyo natulala, tila ba nahulog siya sa malalim na pagi-isip.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko sakanya.

"Whoever was the previous moon goddess, kung nasaan man siya, kung ano man ang naging dahilan niya, she's selfish." Seryoso nitong sabi.

Kumabog ang aking puso. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa galit na nakita ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung saan ito nangagaling.

"I'm sure whoever she is, there must be a reasonable excuse why she left." Mahina kong sagot sakanya. Umiling lamang siya sa akin.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon