II

32.6K 720 21
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mapadpad ako sa lugar na ito. Palaisipan parin saakin ang pagkawala ng aking ala-ala. Gayon pa man, bukod sa pagkawala ng ala-ala ko, nakapagtataka rin kung bakit kahit alam kong panganib ang dulot ng lugar na ito sa akin, ay hindi ko magawang mangamba. Alam ko kung anong klaseng nilalang sila.

Werewolves.

Kahit na wala akong maalala, nakakagulat na alam na alam ko kung anong klaseng nilalang ang mga werewolves. It's like I have known them for a very long time. Nakakatakot sila, oo pero hindi ko magawang mangamba. I feel safe with them.

Kasalukuyan akong nakadungaw mula sa bintana ng aking silid. Sa harapan nito ay isang malawak na field na napapalibutan ng mataas na glass wall. Masinsinan kong inoobserbahan ang field ng maramdaman ko ang paglapit saakin ng isang nilalang.

"Dr. Lancaster." Sambit ko sa pangalan nya. Isa rin ito sa mga gumugulo sa aking isipan. Bakit may ganito akong kakayahan?

"Maia. Maia ang itawag mo sa akin." Sagot nya habang umuupo sa silyang katabi lamang ng inuupuan ko.

Pareho kaming walang imik na nakadungaw sa aking silid ng mamataan ko ang dalawang babaeng papasok sa loob ng field. Si Dianne ang isa ngunit hindi ko kilala ang isa sa kanila.

"Siya si Mikiela. Mikiela Lancaster." Agad akong napalingon sakanya. "Kapatid ko." hindi ko mawari pero malungkot ang tono ng kanyang pagkakabigkas ng pangalan ng kanyang kapatid.

Maya-maya pa ay biglang inunat ng dalawa ang kanilang likuran at gayon na lamang ang pagkagulat ko ng mula sa kanilang likuran ay lumabas ang naglalakihang pakpak. Ang kay Dianne ay puting puti at ang sa kapatid ni Maia ay mas maliit kumpara kay Dianne pero ang kanyang pakpak ay sing-puti rin nito. Marahas akong napalingon kay Maia dahil sa aking mga nakita.

"They're not just werewolves.." sagot nya sa mga katanungang naglalaro sa aking isipan.

"A-anong klaseng nilalang sila." Nahihintakutang tanong ko.

"They are highly specialized werewolves. Enhanced by science." Seryoso niyang tugon.

"Para saan ang lahat ng iyan?" Tanong ko. Hindi ba't mapayapa naman ang mundo nila? Aanhin pa nila ang kapangyarihan?

"Dalawampung taon na rin ang nakalipas simula nang biglaang panghihina ng mga taong lobo. It's still a mystery how everyone of us became weak. Para bang nawala ang source ng kalakasang mayroon kami. Naging mas malakas ang mga itim na lobo laban sa mga puting mga lobo. Bumuo sila ng isang pack, ang Grave Knight pack. Sa pamumuno ng kanilang alphang si Brutus ay nakipag-alyansa kasama ang pinakamalakas na Avian humanoid na nabubuhay sa mundo ng mga taong lobo. Si Amara isang dark avian." Panimula nito.

"A-anong nangyari?" Tanong ko rito. Nakakapagtakang may mga pangyayaring ganito. Ngunit nakapagtataka ring pakiramdam ko ay may nalalaman ako.

"Sa totoo lang Zarina, walang nakakaalam kung ano ang nangyari. Speculations are, tuluyan na kaming tinalikuran ng Moon Goddess. Maraming packs ang nawala sa naganap na pagsalakay ng Grave Knight Pack. Grave knight pack worshipped another god. Tinalikuran rin nila ang kanilang paniniwala sa kakayahan ng moon goddess. Iba na ang nagbibigay sakanila ng kung anong lakas ang mayroon sila. They killed thousands of werewolves. Isa-isa nilang inuubos ang mga packs. Kasama na roon ang pack nila Ravene at Diane. Ravene and my family are on the same pack. Ang kanyang ama ang tumatayong alpha ng aming pack samantalang isa sa mga reapers nito ang aking ama. Nang maghasik ng malawakang pagsalakay ang mga itim na lobo, sabay sabay kaming nawalan ng pamilya. Konti lamang ang nakaligtas. Luckily, We still have the Silvermoon pack. Ito ang isa sa mga pinakamalalakas na packs kung kaya hindi pa ito nagagalaw ng mga itim na lobo. Kinupkop kami ng Silvermoon pack at kinalinga. Ngunit hindi kami papayag na hanggang rito lamang ang aming makakaya. It's not enough to just survive. We need to avenge for our lost loved ones. Nagpakadalubhasa ako sa larangan ng Siyensya. Particularly, genetics to help Cassiopea in this laboratory. Nanghihina man kami, we still have to find out a way to fight, through the help of science." kwento nito. Ramdam na ramdam ko ang galit na kinikimkim nito laban sa mga itim na lobo.

"At ang mga avian?" Tanong kong mulo rito.

"Avians are gods who used to rule everything on the higher portion of this world. Maging ang ibang gods, ay pinangungunahan nila. Dalawa lamang ang avian na naeexist. Ito ay si Amara, ang dark avian at si Lentina, ang white avian." Sagot nito.

"Ngunit, kung isang pure werewolf sila, paano naging avian sila Diane?" Puro katanungan ang nasa isip ko. Ang akala ko ay marami akong alam tungkol sakanila. Nagkakamali ako.

"Through the avian humanoids."Maikli at seryoso nitong sagot.

"After the war broke out between the black and white wolves, bigla na lamang natagpuang patay ang dalawa sa natitirang avian humanoids sa mundo. Si Amara ang black avian at si Lentina ang white avian. Ang sabi sabi, umibig raw sa isang puting lobo si Amara at sinubukan nitong pigilan ang mga itim na lobo kasama ang kapatid niyang si Lentina. Ngunit pareho silang nasawi. Fortunately, Si Cassiopea ang nakatagpo sa katawan ng mga Avian. Siya ang nagtayo at nagsagawa ng malawakang research sa pagbuo ng isang avian humanoid sa laboratoryong ito. Those wolves? They are the works of science." Mahabang paliwanag nito...

"So Diane came from the white avian..."pahayag ko

"And Ravene came from the black avian." Dugtong nya. She's a half too? So that explains why she's creepy.

"Kung gayon, paanong sila ang napiling pag-ekperimentohan ng laboratoryong ito?" Tanong ko ulit sakanya. I'm getting more curious.

"Sa mahabang panahon ng pagsasaliksik ng laboratoryong ito, na-extract ni Cassiopea ang DNA na naglalaman ng avian genome. But the complication is, compatible lamang ito sa DNA na nagco-contain ng dalawang X chromosome. We tried to experiment this on Male wolves but it doesn't affect them. Yon ay dahil iisa lamang ang X chromosome nila. Hindi sapat para macontain ang avian genome. That explains why there are only to avians. Si Amara lamang at si Lentina. At pareho silang babae." Magulo man at hindi ko masyadong maintindihan, alam kong ang lahat ng ito ay sumu-sumatotal lamang sa pagbabalik ng kapayapaan sa kanilang mundo.

"And Mikiela is?" Tanong ko ulit.

"I see, your starting get curious about us." A lopesided smile formed on her lips.

"Well, all of you are interesting." Seryosong tugon ko.

"Let's say she's a product of Dianne's DNA." Sagot naman nito.

"If Amara is the strongest avian that ever lived. Bakit hindi ang DNA ni Rave ginamit?" Again, I asked.

"Because, we refuse to create another monster Zarina." sabi nito habang umiiling.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon