XXIX- Epilogue

17.3K 395 20
                                    

Selene

"And that is how we defeated Brutus and Amara." Mahinang sabi ko saka inayos ang paghiga ni Amber.

Gaya ng dati ay mabilis siyang nakakatulog tuwing kinu-kwentuhan ko siya tungkol sa malaking hidwaan sa gitna ng itim at puting lobo. Ito ang favorite bedtime story niya.

Nang masigurong mahimbing na ang kanyang pagtulog ay agad akong lumabas sa kanyang silid.

It's been 10 years since that dreadful day. Mabilis na nakapag-move on ang lahat ngunit hanggang ngayon ay may takot parin sa aking puso.

We locked up Amara's wings somewhere far away from our pack at sinigurong wala nang ibang makakakita pa rito. The wings itself is dangerous. Hindi ito maaaring makalapit pa sa amin lalo na kay Ravene.

"Tulog na siya?" Mahinang tanong ni Giovanni nang makapasok ako sa loob ng aming silid.

I nodded while smiling.

"Mahimbing na natutulog." I answered naughtily.

He chuckled. Mabilis itong tumayo saka ako hinigit papunta sa kanyang kandungan.

"Sundan na kaya natin siya?" Nakangiti nitong sabi saka hinaplos ang mukha ko.

Napaigik ako sa kiliti kaya hinampas ko ang kanyang dibdib.

"Baby pa nga si Amber! Ikaw kaya ang mag-alaga!" Tumatawang sabi ko.

Lumabi naman ito at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Baby damulag na yon, Selene. Five na nga siya." Pagmamaktol nito sa akin.

Humalakhak ako. Hay nako Gio.

-----

Kinabukasan ay maaaga akong nagising upang maghanda ng breakfast ng dalawang baby ko. Gio as a husband is like another child to be taken care of.

"Hmm! Ang bango bango naman!" Bulong ni Gio sa tenga ko habang nakayak mula sa aking likod.

Eto na naman po tayo!

"Daddy!!! Nikukulit mo na naman si mommy!" Matinis na sermon ni Amber kay Giovanni.

Napatawa ako sakanilang dalawa. Parang playmate lang niya si Gio kung sermunan niya!

"Amber kulit! Lika dito! Ikaw na lang iha-hug ko!" Tumatawang sabi ni Gio saka hinabol si Amber na tumakbo palabas ng kusina.

"Selene!" Rinig kong sigaw ng isang babae mula sa labas.

Si Ravene. Agad namang lumabas ako para salubungin siya kasama nito si Hector.

"Ate Vin-Vin!" Sigaw ni Amber saka nagpabuhat kay Ravene.

Sa lahat ng nandito ay si Ravene ang favorite ni Amber. Lagi itong excited tuwing nakikita niya si Ravene.

One year after the war, nagising si Ravene mula sa coma. Hindi na siya nakadalo sa kasal namin ni Giovanni.

"Ate Vin-Vin bat hindi tita Vin-Vin ang dapat i-call ko sayo?" Tanong ni Amber habang nakakunot pa ang maliit na noo niya.

Tumawa naman si Ravene at kinurot ang pisngi niya.

"Tita ko kasi ang mommy mo." Nakangiti niyang sagot kay Amber

"Ravene, wag mong kurutin ang pisngi ng anak ko! Lalawlaw! Gumawa na kasi kayo ng inyo ni Hector! Pare, ang hina mo naman. Hanggang ngayon di ka parin nakaka-score?" Nang-iinis na sabi ni Giovanni rito.

Bumulanghit ng tawa si Hector at tumawa. Pumula naman ang pisngi ni Ravene. Pagka-gising nito mula sa matagal na pagka-comatose, ay napansin ko ang pagiging mas masiyahin niya.

"Tumahimik ka nga Giovanni!" Naiinis na sabi ni Ravene kay Gio.

"Darating din ba ang iba?" Tanong ko kay Ravene. Tumango naman ito at tumayo.

"Tara sa kusina. Masisibang kumain yung mga yon. Magluto tayo ng marami." Nakangiting sabi naman nito.

Tahimik kaming nagluto ni Ravene sa kusina. Nang biglang pumasok si Amber para mangulit kay Ravene.

"Ate Vin-Vin! Ate Vin-Vin! Pag big na ako kagaya mo, turuan mo akong magfight!" Masiglang sabi ni Amber may Ravene.

Napakunot naman ang noo ko. Simula nang ikuwento ko sakanya ang tungkol sa digmaan noon ay mas lalo siyang naging interesado sa pakikipaglaban.

"Baby pag big ka na, di mo na kailangan matutong mag-fight. Ipo-protect ka na lang ni mommy." Nakangiting sabi ko sakanya.

"Ba't ka pa magpapaturo kay tita Rave mag-fight Amber kulet, nandito naman ako. Ako ang magpapaturo magfight" singit ng isa pang matinig na boses ng isang lalaki.

Nandito na pala sila! This little guy here is Jericho, anak ni Maia at Ryle.

Agad namang lumapit ito sa akin upang mag-mano. Maya-maya ay pumasok na rin sa kusina si Dianne, Mikiel, Maia at Jovie.

"Sorry medyo nalate kami." Paumanhin ni Dianne.

"Where is Denise?" I asked Dianne. Denise her and Chester's beloved daughter.

"Training." Maikling sagot ni Chester. Mukhang hanggang ngayon ay hindi parin aprubado ang tinatahak na landas ng nagiisang anak.

"Coco, gusto kong makipagfight pag big na ako. Saka ikaw hindi ka pa big!" Rinig kong reklamo ni Amber kay Jericho.

Napatawa ako. Mga bata talaga.

"Hindi pa ako big kasi 9 pa lang ako. Sabi ni Tatay, pag eighteen ka na, pwede na kitang ligawan." Taas noong sabi Jericho saka hinila si Amber palabas.

"Oh god, bata pa ang anak ko Maia!" Natatawa kong sabi kay Maia.

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon