Zarina
"Dito muna tayo magpapalipas ng gabi." Seryosong sabi ni Ravene habang inilalabas ang mga kakailanganin namin sa pagluluto ng hapunan.
Pansalamantala kaming tumigil sa loob ng isang gubat hindi masyadong malayo sa main road.
"We have to avoid the main road. Delikado na ang parte ng lugar na ito. Mas mabuti nang sigurado tayo. At isa pa, ka-agaw agaw pansin ang sinasakyan natin." Sabi ni Ravena bago sinamaan ng tingin si Giovanni.
Bago pa man kami umalis ay nagtalo muna ang dalawa. Hindi sang-ayon si Ravene sa naging desisyon ni Giovanni na magdala ng sasakyan. AT may bitbit pang caravan. Sa huli ay wala ring nagawa si Ravene nang sabihin ni Maia na siya ang gagawa ng paraan. She casted a spell to hide all of our identities.
"We are now humans in everyone's eye. You don't have to worry that much. Pwede tayong magpangap na nagca-camping lang." Pangangatwiran ni Giovanni sakaniya.
"What a smart idea! Oo nga't tao tayo sa pang-amoy nila, pero naisip mo bang kahina-hinala ang mga itsura natin? Look at us! What kind of an ordinary human would wear this suit?! Si Zarina lang ang mukhang tao dito! " Naiiritang reklamo ni Ravene.
Totoo ngang weird ang pananamit nila kung titingnan mo sila mula sa mga mata ng isang tao. Lahat sila ay parang pupunta sa costume party. Ang mga babae ay nakasuot ng hapit na hapit na itim na suit na sa tingin ko ay gawa sa leather. Hindi sana kapansin-pansin ang suot ng mga lalaki, naka-pants at t-shirt lang naman sila na pinatungan ng sa tingin ko ay leather na jacket. Pero naiiba ang grupo ni Hector dahil maong ang jacket nila. Pero sobrang hapit naman ng t-shirt nila at bakat na bakat ang mga abs! At naka-boots pa silang lahat!
Requirement bang mag-mukhang action stars sila?
Bukod don ay ang gaganda at ang ga-gwapo nila! Sobra! Hindi normal para sa isang tao ang maging ganiyan! At kailan ko pa natutunang tumingin sa pananaw ng isang tao? Pati tuloy ako ay nawi-weirduhan na sa sarili ko.
"That's another problem we forgot to consider." Seryosong sabi ni Maia.
"Bakit ba kasi ganyan ang mga itsura niyo?" Mahinang reklamo ni Jovie.
"What? As if you look normal yourself . Itim din ang suot mo mula ulo hanggang paa paldang hanggang talampakan pa! Naka-itim na lipstick ka pa at itim na itim din kaya ang palibot ng mata mo!" Sumbat ni Dianne rito.
I would have to agree with her. Halatang halata namang mangkukulam ang isang to.
"Wala namang problema sa itsura niya ah!" Pagtatanggol ni Blaze kay Jovie saka sila nag-ngitian at nagyakapan.
Okay, alam kong mates sila. Pero parang ang bilis naman nilang natanggap!
Nakita kong inirapan sila ni Dianne saka bumulong ng "walang forever"
"Ayoko sa'yo! Biased ang opinion mo!" Sigaw ni Dianne kay Blaze.
"Okay! Enough with your arguments. Gagawan na lang natin ng paraan. Good thing I brought this." Sabi ni Maia saka nito nilabas ang maraming piraso ng blangkong papel.
Okay... So? Para saan iyan? My god, ayan na naman weird na naman sila.
"Pinaglololoko mo ata kami beshie." Reklamo ni Dianne.
"Shut up! This is a talisman's paper. Mabuti na lang at naitago ko pa ito. Bigay sa akin ito ni mama bago siya mamatay." Malungkot niyang sabi.
"Anong maitutulong niyan sa atin, ate?" Tanong ni Mikiel sakaniya.
Wait. Medyo naguluhan ako roon. Hindi ba't half sorceress si Maia? Kung ganon ay dapat si Mikiel rin dahil magkapatid sila. Bakit parang wala itong alam tungkol sa magic?
Parang nabasa ata ni Mikiel ang aking isip nang bigla niyang sagutin ang tanong sa isip ko.
"Magkaiba ang nanay namin." Tipid na sagot nito sa akin.
Wala sa sariling napatango ako. I know this is not the right time to be nosy.
"This will temporarily seal our presence. Kailangang maisabit ito palibot sa camp natin ngayong gabi. No one will know about our presence here." Paliwanag ni Maia. Dali dali naman kaming sumunod sa kaniyang pinagagawa. May isinulat siya sa mga papel na hawak niya saka niya ito ibinigay sa amin para ipalibot sa lugar na paglalagian namin ngayong gabi.
"Will this be enough?" Tanong ni Hyan matapos niyang isabit ang panghuling papel.
Tumango si Maia sakaniya. "Yes. Kailangan nating tipirin ang mga papel na ito. Malayo pa ang lalakbayin natin." Paliwanag niya.
Dumating ang kinagabihan at naging maayos ang paghahanda namin sa lugar na paglalagian namin ngayong gabi. Nag-set up sila ng tent sa labas para may mapag-lagian ang mga magbabantay.
Ganito ang naging set up namin sa mga sumunod na araw. Pansamantalang tumitigil kamo bago mag-gabi upang magpahinga. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang umalis kami sa pack ni Giovanni pero hindi parin namin nahahanap ang eksaktong lokasyon ng hinahanap namin.
"I swear my couldron is pointing at this exact place! Hindi ko alam kung bakit puro puno lamang ang nandito!"pagpapaliwanag ni Jovie.
Kagabi pa namin nililibot ang paligid ng lugar na ito ngunit wala kaming mahanap na kahit anong bakas ng nilalang sa lugar na ito. Parang may hindi tama.
"Mas kailangan nating mag-ingat ngayon, malapit lang sa atin ang kuta ng mga itim na lobo." Pahayag ni Hector na ngayon ay seryosong nakakunot ang noo.
Sa buong paglalakbay namin ay halos hindi ko naramdaman ang presensya niya. Laging tahimik lang siya sa isang sulok at paminsan-minsan ay kausap lamang sila Blaze. Salungat kay Ryle na kahit papaano ay nagsisimula nang makipag-kaibigan sa aming lahat.
"I think something is hidden here." Mahinang sabi ni Ryle na maya't maya ay lumilingon sa paligid.
"You're right. Something is not right here, may presensya ng mga nilalang akong nararamdaman. But it's very faint. Para bang sinasadyang itago." Sagot rito ni Maia.
Lahat kami ay sandaling nanahimik. Sinubukan naming pakiramdaman ang paligid para sa iba pang nilalang na naririto.
I tried my best to feel something but I failed. I felt useless. Pakiramdam ko ay pabigat lamang ako sa grupo na ito. I am a demigod but I don't know what power I possess. Ni hindi ko man lang ito magamit para makatulong sa amin.
Sabay sabay kaming napa-dilat nang makarinig kami ng sigaw.
"Si Dianne!" Sigaw ni Gio saka ito tumakbo sa lugar na pinangga-galingan ng sigaw.
Lahat kami ay sumunod sakaniya at nagulat sa aming nakita.
Ang puno... nakasabit si Dianne sa puno.
Mali. Nakapulupot ang mga sanga nito kay Dianne!
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020