Mikiel's POV
"Wait? So you're a demigod?" Tanong kong muli kay Ravene. As if that can change what she said.
"Uh-huh" mayabang nitong sagot. Itinaas pa nito ang kanyang kilay.
"So?! Asan ang moon goddess?!" Inis kong tanong rito. All this time ay konektado pala ito sa mga gods at goddesses!!
"Malay ko? Hindi porket isa akong demigod ay alam ko na ang lahat nang nagaganap sa itaas." Iritable nitong sagot sa akin.
"Theia, we need to find the oracle. Siya lamang makakatulong sa paghahanap ng bagong moon goddess." Balik nito sakaniyang lola, na isa palang goddess.
"Wait! Paano ka naging demigod?!" Pagsingit ko sa dalawa. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nalalaman ang lahat. Ravene has been with us for like forever at ngayon ay bigla ko nalamang malalaman na hindi siya pangkaraniwang avian-werewolf lamang?!
"My mother Shiene, is Theia's daughter from a werewolf. Siya ang totoong demigod. Kaunting kaunti lamang ang dugo ng pagiging demigod sa katawan ko." Paliwanag nito saka ulit nito hinarap ang goddess sa kanyang tabi. "Theia, we don't have enough time."madamdaming sabi nito sa kanyang lola.
"B-but your body also contains the avian humanoid genome! That means you're more than just a demigod!" I exclaimed. Ngayon ay mas lalo na siyang nakakatakot. I can't imagine that I almost put my life in danger! Kinalaban ko siya!
"Of course. But that doesn't make me any stronger than any of you, Mikiel. I am weak. I can't even control what I have. Get over this news. Mas marami pa tayong dapat gawin." Seryoso nitong sagot sa akin. Bago ako inirapan at saka kinausap ang kanyang lola.
If she's a demigod and an avian that means we still have a chance against Brutus! Katunayan ay mas mapapadali ang lahat lalo na kapag tinulungan kami ng iba pang mga gods! Unti-unti kong nararamdaman ang pag-asang sumisilay sa puso ko. We can still have our peace!
"Ravene Flor, I told you this will not be easy! Not because she's my daughter ay malalaman ko na ang lahat tungkol sakanya. Afterall, I gave her to her new family. I understand why she's hiding. Matagal na panahon na simula nang ibigay ko siya sa pangangalaga ng magasawang mortal. Marahil ay yumao na ang mga nagalaga sakanya. She's alone now. And I know she hates me." Nalulungkot na sabi ni Theia kay Rave.
Hindi ko man maintindihan ang pinaguusapan ng dalawa ay mas minabuti ko na lamang manahimik. This is some kind of a serious family problem. May ibinigay, may nawawala at kung ano pa. Ayokong makialam.
"How about the god who helps those black wolves, kilala niyo na ba siya? Sinong god ang tumutulong kau Brutus?" Tanong nitong muli kay Theia. Umiling lamang ito sakanya.
"Not yet. Whoever he is, hindi natin siya dapat minamaliit. He has the guts to interfere with the mortals." Seryoso nitong sagot kay Ravene.
Now I know how we got the rumor about how those black werewolves regained their strength! Kay Rave! All along, siya lang pala ang chismosa sa loob ng lab.
"Do you really have to follow that rule Theia? Hindi ninyo ba talaga kami matutulungan? Hanggang sa paghahanap lang ba ng moon goddess ang pwede mong maitulong sa amin?" Nanlulumong tanong ni Ravene kay Theia. Tumango lamang ito sakanya.
"Pagbaba niyo sa bundok na ito ay may makakasalubong kayong babae. Siya ang oracle na kailangan niyo. She figured out about you finding her. Kaya siya mismo ang pumunta rito. Hurry, take her to your pack. Mas ligtas siya roon. Sa mga panahong ito ay hinahanap na rin siya nila Brutus. She'll be a big help on finding your aunt, Rave." Nagaaalalang sabi ni Theia rito.
Hindi na kami nagtagal pa sa bundok na iyon, agad na nagshift si Rave sakanyang wolf form at tumakbo pababa ng bundok. Inilabas ko naman ang aking mga pakpak at lumipad patungo sa paanan ng bundok.
At gaya nga ng sinasabi ni Theia, may babaeng nakaabang rito sa amin. Itim na itim ang kanyang mga buhok ngunit kulay abo ang kanyang mga mata. Sing-itim rin ng kanyang mga buhok ang kanyang mga labi. Siya nga ata ang orakulo.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan namin ang orakulong ito sa paghahanap sa moon goddess?
Paano niya kami tutulungan?Nakipagkamay sa Ravene sa babaeng nasa harap namin ngayon. Nahirapan naman ang babaeng abutin iyon. She's holding a weird black couldron on her right hand at isang walis sa kabila. Bukod sa kanyang itsura ay nagsusumigaw mangkukulam rin ang kanyang aura. Orakulo ba talaga ito?
"I'm Ravene, this is Mikiel." Pormal na pagpapakilala ni Ravene. Ngumiti lamang ako sa babae.
"Jovie." Maikling sagot naman nito.
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020