XXIII- Ravene

12.9K 352 10
                                    

Note: Trivia lang, si Rave ang pinaka-kinatatakutan kong gawan ng POV 😂 marami kasi siyang issues, at hindi lang iisa ng katauhan niya.
---------------------

Ravene

"Ravene, wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari. I was greedy. It's my fault. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo, makipag-ayos ka sakanila. Tama sila." Mahina kong sabi ni Selene sa akin. Umiyak lamang ako sakanya.

Nangyari na ang kinatatakutan ko. Alam na nilang lahat.

"See? No one loves you here, Ravene. Ginagamit ka rin nila. Just like what they did to me. Walang mga kwenta ang mga taong lobo mong kaibigan!" Nanunuyang sabi ng tinig sa aking utak. Si Amara.

"R-Rave? What's wrong?" Rinig kong tanong ni Hector sa akin.

"No! No! hindi sila ganon! Hindi!" sigaw ko kay Amara. She's wrong! Galit lamang sila dahil hindi ko sinabi ang totoo! Hindi ganon ang aking mga kaibigan.

"Oh so what is this? Anong ginawa nila ngayon? All you wanted to do was help. Pero wala silang mga utang na loob! They don't deserve you! They don't deserve us!" Nangiinis nitong sigaw sa akin.

Sumakit ang aking ulo. Bahagya akong napasabunot sa aking buhok. She's trying to take over me again!

"Stop! Don't do this!" Sigaw ko sa aking utak.

"They don't deserve us, Ravene." Muli nitong sabi.

"You are wrong!" Sigaw ko sakanya. Naginit ang buong katawan ko. Last thing I know,lumabas na ang mga pakpak ko mula sa aking likuran. And everything turned black.

----------------

Mikiel

Tahimik naming binabaybay ang daan pabalik sa aming sasakyan. Nahanap na namin siya. Nahanap na namin ang moon goddess.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang si Zarina na si Selene pala ang aming moon goddess, at may kakambal siya. Ang akala ko noon ay gawa-gawa lamang ang kwento tungkol sa kapatid nito.

"Anong plano mo?" Tanong ni Ryle kay Giovanni.

Ano nga bang plano nila? Ang tanging makakatulong lamang sa amin para manumbalik ang dating lakas naming mga puting taong lobo ay ang aming moon goddess. Pero tinalikuran na namin siya. Hindi rin ako makapaniwalang pati na rin ang kaibigan naming si Ravene ay tinalikuran nila. And here I thought I am the worst friend among us, iyon pala ay sila 'yon.

"Ganon na lang yon Giovanni? Just one mistake and you will throw away your friendship?!" Frustrated kong sigaw sa kanila.

Alam kong galit sila kay Selene. Oo nga't malaki ang naging pinsala ng pagtalikod nito sa amin, pero hindi ba't lahat naman ng nilalang sa mundong ito ay nagkakamali?

"Can you hear yourself, Mikiel?! It's not just one mistake we're talking about here!" Sigaw ni Maia pabalik sa akin.

"Maraming taong lobo ang namatay sa digmaan, Mikiel. Pati si Chester, Mikiel! Hanggang ngayon hindi parin siya gising dahil sa mga itim na lobong iyon!" Sigaw ni Dianne sa akin.

"Akala ko matatalino kayong lahat! I'm so disappointed with you Maia, doctor ka pa naman. Now I know what you don't have. Matalino ka nga, sarado naman ang iyong utak!" Sigaw ko sakanila.

I still don't get why they are upset! Tama lang namang ipagtanggol ni Ravene si Selene mula sa kanila! For goodness' sake, tita niya iyon!

"Sino bang nagnais na may mamatay?! Hindi iyon ginusto ni Ravene! Kuya niya si kuya Chester, si kuya Chester lang ang meron siya! Nawalan rin sila ng magulang nang dahil sa mga itim na lobong iyon! At si Selene... si Selene lang ang meron siya bukod kay Kuya Chester. It's only natural that she sides with her!" Pagpapatuloy ko.

Lahat sila ay natahimik. Nagpatuloy silang maglakad. I'm very disappointed with them.

Ang ibig sabihin ba nito ay tatanggapin na lamang naming wala nang makakapigil sa mga itim na lobo?!

"Let's just go back to our pack." Mahinang sabi ni Giovanni.

Maya-maya ay nakarinig kami ng pagaspas ng mga pakpak. Mula sa aming harapan ay lumapag si Ravene, on her avian form.

"Not so fast." Walang emosyon nitong sabi. Ang mga mata niya ngayon ay katulad noong sinaniban siya ni Amara.

"Ravene. She's not Ravene" Mahinang sabi ni Jovie.

"What do want from us, Amara." Nagbabantang tanong ni Giovanni.

"Oh well...." a lopesided smile formed on her face as she paced back and forth.

"I just thought you I should tell you why I can possess her." Dagdag niya bago pa tumawa ng nakakatakot.

I felt my body shiver. Nakakatakot ang kanyang pagtawa. Para bang may binabalak na masama. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.

"Cause she's not like all of you! Mahihina kayong lahat! Ravene is very different from all of you! She's a she-wolf.... but she's also a demigod and that makes it easy for me to possess her." Nangiinis nitong sabi sa amin.

"Tigilan mo siya!" Sigaw ni Dianne sa kanya.

"And what? Ipaubaya siya sa mahihinang tulad niyo?" She laughed.

"You just proved you don't deserve her. You don't deserve us." Seryosong sabi nito bago lumipad paalis.

Lahat kami ay naging alerto. This is bad.

Naalala ko ang habilin sa akin ni Ravene kagabi, na pag napossess siya ni Amara ay dapat itong mapigilan, dahil ang mga itim na lobo ang pupuntahan nito.

Kagabi ko lang rin nalaman na si Amara and diyos na sinasamba ng mga itim na lobo. Namatay man si Amara, ay nanatili ang kanyang mga kapangyarihan. At nabuhay siyang muli sa pamamagitan ni Ravene. She's using Ravene to avenge her and her sister's death. Ang sabi niya ay galit raw si Amara sa mga puting lobo dahil ginamit siya ng isang puting lobong inibig niya noon at pinilit sigang labanan ang mga itim na lobo. Lingid sa kaalaman nito ay may mate na ang puting lobong iyon. Amara and Lentina died in the hands of the black wolves. At dahil doon ay nabihag na ng mga itim na lobo ang kanyang kaluluwa. Nang mabuhay siya sa katawan ni Ravene ay mas umigting ang lakas ng kanyang kapangyarihan and she became free.

Pinaniwala ni Amara ang buong pack na kaya lumalabas si Ravene sa aming border ay dahil dumadalaw ito sa puntod ng kanyang magulang. Ngunit hindi, she's helping the black wolves. At si Brutus at Amara lamang ang nakakaalam nito.

Jake, my mate needs to know about this, so I mindlinked him.

"We need to talk. I'll be there tomorrow."

Daughter Of The Moon (DOTM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon