Selene
"Ano naman ngayon kung itim na lobo sila? Ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat. Gaya natin ay gusto rin nila ng kapayapaan. Maia, this is not a battle between races. This is a battle between the good and evil." Taas noong pahayag ni Mikiel.
Everyone remained silent. Walang nagtangkang sumagot sa sinabi ni Mikiel. Hanggang ngayon ay bilib parin ako sa mga binitawan niyang salita. Ibang iba ang Mikiel na nasa harapan ko ngayon kumpara sa pagkakakilala ko sakanya.
"Okay. What's your plan?" Mahinang sabi ni Giovanni.
"Few days from now, nakatakdang sumalakay ang mga itim na lobo sa aming kaharian. Bukas, maglalakbay tayo at lalaban tayo." Sagot ni Zarina kay Gio.
Taimtim na napatitig ni Gio kay Zarina saka bumaling sa akin.
"My house cannot accomodate everyone of us. Ngunit kailangan nating magpahinga ngayon. Kailangan nating magpalakas." Pahayag ni Giovanni saka tumalikod papasok sa kanyang bahay. Ang lahat naman ay naghanda sa paligid ng bahay upang magpahinga.
"Kailangan nilang malamang makakalaban natin si Ravene bukas." Nalulungkot na sambit ni Mikiel sa akin.
Kung gayon ay hindi parin nila alam kung saan nagpunta si Amara gamit ang katawan ni Ravene.
"Wala parin silang ideya sa totoong nangyari?" Tanong ko kay Mikiel. Tumango lamang ito.
"Inilihim ni Ravene ang pagpunta ni Amara sa lugar ng mga itim na lobo. Binantaan siya ni Amara na hindi na nito muling ibabalik sakanya ang katawan niya at papatayin nito ang lahat ng nasa pack na ito. You know Amara. She's an avian goddess. Hindi pangkaraniwan ang lakas niya." Naluluhang sabi ni Mikiel. I patted her back. Kailangan naming makausap sila Gio.
Pumasok kami sa loob upang hanapin sila. Natagpuan namin silang lahat sa loob ng conference room na tila may importanteng pinaguusapan. Marahan akong tumikhim upang makuha ang kanilang atensyon. Lahay naman sila ay napatingin sa gawin naming dalawa ni Mikiel.
"There is something you need to know." Mahina kong sabi bago tuluyang pumasok sa loob.
Umupo ako sa kabilang dulo ng kanilang lamesa at tumabi namin si Mikiel sa aking gilid.
"Sinasabi ko ito dahil ayokong magulat kayo bukas." Panimula ko. Malakas parin ang pagkabog ng aking dibdib. Alam kong maiintindihan nila si Ravene ngunit alam kong masasaktan sila.
"Amara is fighting against us... using Ravene's body." Mahina kong pahayag.
Kapwa napasinghap naman so Dianne at Maia. Pareho rin itong lumuha. Hector on the other side just kept quiet. Kung totoong sinusundan nito si Ravene noon, malaki ang posibilidad na alam na nito ang katotohanan.
"You see, si Amara at ang kapatid kong si Eos ang mga diyosang sinasamba ng mga itim na lobo. Sila ang nagbigay ng kakaibang lakas sa mga ito." Paliwanag ko sakanila saka ko ikinuwento ang lahat ng naganap. Mula sa punot dulo ng lahat. Pati ang pagpatay ko sa musmos na mate ni Giovanni.
Matapos ang mumunting paguusap namin ay lumabas ako agad sa silid na iyon. I couldn't take their stares.
Pababa na ako ng hagdan ng higitin ng isang malakas na kamay ang aking braso.
"You are my mate." Giovanni said with a low growl.
Right. Ako na ang mate niya ngayon, dahil naaalala ko na ang lahat. I made myself into his mate bago ako ipatapon ng mga nakatataas dito sa kanilang mundo.
"I'm sorry for ruining your life." Humihikbi kong pagsumamo kay Giovanni. I deserve his hate. I deserve all his emotions. Walang kapatawaran ang kasalanang nagawa ko.
"But you're still my mate. Kanina ko lang yon nalaman. Nang makita kita." Seryoso niyang sabi sa akin.
Tumigil ako mula sa pagiyak ako tumitig sa kanyang mata.
"Dahil ba iyon sakanya? Pinatay mo siya... kailangan mo yong pagbayaran." Mahina at matigas nitong sabi.
Of course. Kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Sa galit ni Gio ay marahil na sinusumpa na nito ang buong pagkatao ko. My heart broke at that thought. Maaari palang madurog ito ng paulit-ulit...
"I didn't mean to kill her Gio. Sinubukan ko lamang burahin ang bond niyong dalawa. I accidentally erased her existence. It's still a crime. Alam kong hindi excuse iyon sa nagawa kong kasalanan." Nakatungo kong sabi.
Gayon na lamang ang pagkagulat ko ng maya-maya ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"You have to be punished. I am punishing you to be my mate. That's your punishment. You have to be alive after this war, Zarina or Selene. Whatever your name is. You have to stay alive to fulfill your punishment" Mahina nitong sabi habang hawak parin ako sakanyang bisig.
I silently cried. I don't deserve his love. But I want it. I want his love.
"We never know what the future holds, Gio." Malungkot kong sabi.
Ngayon pa lamang ay dapat na naming matanggap na marami ang magbubuwis ng buhay para sa laban na ito. And it can be anyone of us. I may be a goddess, at isang tulad ko lamang ang maaaring pumatay sa akin but we have to keep in mind na kalaban rin namin si Eos at si Amara.
-------------Kinabukasan ay maaga kaming lahat nagising upang maglakbay papunta sa kaharian nila Zarina. At dahil malayo ang daan patungo doon ay ilang araw rin ang itinagal ng aming paglalakbay.
Bungad pa lamang ng kaharian ay mahahalata mo nang pinasok na ito ng mga itim na lobo. Ang ibang mga puno rito ay sunog na.
Bakas na bakas sa lugae ang labanang naganap sa gitna ng mga itim na lobo at mga elementong naiwan rito. May mga itim na lobong nakahandusay sa aming dinaanan. Punong puno naman ng mga pana ang ilog na dati lamang ay dinaanan namin. Ilang sirena rin ang lumulutang.
Narinig ko ang mumunting hagulgol ni Zarina. Ang mga elementong ito anh pinangalagaan niya ng matagal. They died protectig their home.
Maya-maya ay nakarinig kami ng malakas na pag-alulong ng mga lobo, kasabay nito ay ang maingay na mga yapak.
"They are here." Mahinang bulong ni Jovie.
Malakas na umihip ang hangin. Lumingon ako sa pinanggagalingan ng maingay na tunog na iyon.
And there stood Brutus with his army. Sa gilid nito ay si Amara gamit ang katawan ni Ravene.
"Oh there you are." Sambit ni Brutus habang ngumingiti ng nakakatakot.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ramdam na ramdam ko mula sa hangin ang intensidad ng tensyon na namamagitan mula sa panig nila laban sa aming panig.
Binasag ng isang lumilipad na arrow ang katahimikan ng paligid. Tumama iyon sa isang taong lobo sa likuran nila Brutus. It was from Maia.
Malakas na umalulong ang mga kasamahan ni Brutus kasabay ang isa-isa nilang pagshi-shift sa kanilang wolf form. Ganun din ang ginawa ng mga taong lobo mula sa aming panig.
At doon nagsimula ang digmaan.
Pangil laban sa pangil, lobo laban sa lobo.
---
Note: hindi talaga ako magaling sa akyon friends😭
BINABASA MO ANG
Daughter Of The Moon (DOTM)
WerewolfI am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020